[ 44 ] Trials

36.4K 467 41
                                    

Chapter 44: Trials

Monday na at alam ni Jin na kailangan niyang pumasok sa opisina dahil may trabaho siya pero nagdadalawang isip siya kung papasok ba siya o hindi dahil ayaw niya pa din na makausap si Gab. Alam niya kasi na magkakaroon na ng dahilan para magkausap sila dahil boss niya ito. Sa huli ay nagdesisyon siya na pumasok na lang at 'wag magpaapekto sa mga nangyayari.

"Jin, bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa hinahanap ni Sir Gab. Pumunta ka na lang daw sa opisina niya," sabi ni Haeja sa kanya pagdating niya.

Pinatong ni Jin ang mga gamit niya sa lamesa at saka pumunta sa opisina ni Gab.

"Pinapatawag mo daw ako," bungad ni Jin.

"Bakit ngayon ka lang? You're late, Ms. Tan!" sigaw ni Gab.

"Something urgent came up, that's why."

"Meron nga ba o ayaw mo lang akong makausap?"

"It doesn’t matter. Bawasan mo sweldo ko kung gusto mo. I don’t have to explain to you. Ikaw na mismo ang nagsabi noon, hiwalay ang personal na buhay sa trabaho, Sir Gab. May kailangan po ba kayo kaya hinahanap niyo ako?"

"Mag-usap tayo."

"Tungkol saan?"

"Sa ating dalawa."

"Aalis na ako."

Aalis na sana doon si Jin pero hinawakan ni Gab ang braso niya at hinila ito.

"Ayaw mo ba talagang makinig sa 'kin? Hayaan mo naman akong magpaliwanag, Jin!"

"Kapag hindi mo pa ako binitawan, tuluyan na akong makikipaghiwalay sa 'yo. Kung ayaw mong mangyari ‘yon, hayaan mo na ako," pagbabanta ni Jin.

Agad siyang binitawan ni Gab. Takot si Gab sa pwedeng gawin ni Jin kaya naman sinunod niya na lang ito. Ayaw niya na dumating ang araw na mawala sa kanya ulit ang dalaga.

Nang sumunod na araw ay nagtataka si Jin dahil matapos ang pag-uusap nila kahapon ni Gab ay hindi na ito nagpumilit pa na kausapin siya. Gusto niya man ng ganito pero hindi niya gusto na parang binabalewala lang siya ni Gab. Hindi din kasi ito tumatawag o nagtetext sa kanya. Ni hindi ito tumitingin sa kanya.

"Good noon, Sir Gab!" bati ni Haeja sa boss niya.

"Tara?" pagyayaya nito.

"Ha? Saan tayo pupunta?"

"Sabay tayong kakain, hindi ba?"

Pagkalapit sa kanila ni Gab ay umiwas ng tingin si Jin pero nang marinig niya na sabay silang kakain ay napatingin siya kay Gab. Nakatingin ito kay Haeja habang nakangiti at alam niyang si Haeja ang nginingitian nito at hindi siya.

"Sige. Kukunin ko lang 'yong gamit ko," sagot ni Haeja.

Tumayo si Haeja at kinuha ang bag niya. Sabay silang naglakad paalis doon. Hindi rin naman maiwasan ni Jin na tingnan ang dalawa na magkasama. Napansin niya din ang paghawak ni Gab sa bewang ni Haeja na ikinainis niya. Nagseselos siya sa nakikita. Ni hindi man lang siya tiningnan o nilingunan ni Gab hanggang sa makaalis sila.

Game of Love 2: Still in Love (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon