CHAPTER 35 SWEET REVENGE

21.8K 224 25
                                    

CHAPTER 35 SWEET REVENGE

 

 

 

CALEB'S POV

 

 Ang sakit ng ulo ko napasobra yata ang inom naming mga lalaki kagabi. Bumaba na ako ng kitchen para mag breakfast at naabutan ko na ang ingay nila.


"Caleb kain ka na." aya sa akin ni Dessa at bago maupo sa pwesto ko ay pinasadahan ko muna ang buong lamesa. Bakit parang kulang? Hindi pa ba gising si Tiffany? Masama ba talaga yung pakiramdam niya?

"Clavs si Tiffs tulog pa?" tanong ko kay Clavs na pasubo na sana sa kanyang pagkain.

"Pagkagising ko ay wala na sa tabi ko. Hindi pa nga bumabalik." kibit-balikat na sagot niya at nilantakan na ang oatmeal na nasa harap niya.

"Ha? Eh saan naman kaya nagpunta yun?" Saan kaya nagpunta si Tiffany? Tsk. Hindi pa naman niya kabisado yung lugar namin. Ang kulit talaga.

"Sige hahanapin ko lang." patayo na sana ako nang pigilan ako ni Ate Tina sa may balikat.

"Huwag mo ng hanapin si Pre--Tiffany. Babalik din iyon mamaya" bakit siguradong-sigurado si Ate Tina? Hindi naman yata pupwede iyon dahil baka maligaw si Tiffany lalo pa't hindi naman siya taga rito.

"Baka saan na nagsuot yun eh." nag-aalala kong pangangatwiran.

"Hindi yun. Maupo ka na lang diyan at kumain." ngiti ni Ate Tina.

"Pre baka nanlalaki na yung girlfriend mo." asar ni Troy sa akin kaya naman binato ko siya ng saging.

"Gago ka talaga Troy!" siko sa kanya ni Dessa sabay subo sa kanya ng sandwich.

"Kumain na nga lang kayo. Ay Caleb mamaya mag swimming tayo sa dagat ah." tumango na lang ako sa suhestiyon ni Clavs.


Nawalan ako ng ganang kumain. Wala naman kaming problema pero bakit parang kagabi pa niya ako iniiwasan? Ang cold pa niya sa akin samantalang noong isang araw ay ang sweet lang namin. Hay may sumpong na naman ata yung babaeng yun. Hindi na talaga ako nakakain. Uminom lang ako ng kape tapos umalis na ako, hindi ko talaga matiis na hindi makita si Tiffany.

Lumabas na ako ng bahay.

Saan naman kaya pwedeng magsuot si pandak? Naglakad-lakad lang ako sa beach hanggang sa makita ko siya. Nakatanaw lang siya doon sa dagat parang may iniisip. Ang sarap kunan ng picture buti na lang at nadala ko yung cellphone ko. Tadtad na nga ng stolen shots niya yung cellphone ko pati laptop ko.

Nang medyo nakalapit na ako sa kanya ay hindi pa din niya ako napapansin. Mga ilang inch na lang ang layo ko sa kanya at napatingin ako sa kamay niya na may hawak nawhite rose. May umaagos na kulay pula doon sa petals then I realized it's her own BLOOD!

F*ck! Tiffany what's wrong with you? I grabbed her hand and d*mn bumaon na yung tinik sa kamay niya. Doon pa lang sya natauhan.


"What are you doing Tiffany? Manhid ka ba?" sigaw ko sa kanya.

"Ace." ngiti niya nang napagtantong nasa harap niya ako.

"Are you sick? Mag uubos ka ba ng dugo?" galit kong tanong sa kanya. I'm so worried about her.

"Ouch!" Napahawak na lang ako sa batok ko. Holy crow ngayon nya lang naramdaman eh halos mabutas na yung palad nya.

I Wish I Never Met You (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon