CHAPTER 10

28.3K 307 9
                                    

CHAPTER 10

 Caleb's POV

“After 3. Okay. 1.......2......." Pucha! Wala pang 3 tumalon na. Napahiga ako sa sahig si Tiffany naman nasa ibabaw ko. Na out of balance ako at di ko kinaya bigat ng babeng 'to. Sh*t mapipilayan ako dito. Pag tingin ko kay Tiffany nakapikit siya. Hahaha Laughtrip! Ang cute mo.

“Ano buhay pa ba ako?” unti-unti na siyang dumidilat at nang nakita niya ang position namin parehas kaming napaupo. Amp Nagbablush ata ko. Lalaki ngbablush?!! Labo!!!

“S-sorry.” nakatalikod sa akin si Tiffany habang nakayuko. I bet nagbablush din siya.

“Sabi ko naman after 3 eh. Tsk! Eh 2 pa lang tumalon ka na.”tumayo na ako then I gave my hand and help her to stand.

 “Ano nasaktan ka ba?” tanong ko pa sa kanya habang pinapanood ang pagpag niya sa kanyang damit. Umiling lang siya and nakayuko pa din. Naka pout pa siya. Halikan kita dyan eh. Hehe. Yumuko ako para makita ang mukha niya.

“Oh bakit?” nakangiti kong tanong sa kanya.

 “Wala. Sorry ulit ah. Ikaw ba di nasaktan?” damn! Ang lambing ng boses niya. Ang sarap sa pandinig.

“Hindi. Let's go!” inabot ko ang kamay niya.

Tiffany's POV

Nakakahiya talaga yung ginawa ko kanina! Ugh. Anyway, holding hands pa kami ni Caleb habang papunta sa parking area. Sarap ng feeling kinikilig ako. Nagpunta kami sa malapit na mall at first shop namin pinuntahan ay botique at bumili daw muna kami ng damit kasi naka school uniform pa kami. Sabagay kakabukas palang ng mall pagkatapos ay nandoon na agad kami baka mapaghalatang nagbubulakbol kami.

At dahil wala nga sa plano 'to ay nakalimutan ko ang bag and wallet ko. Cellphone lang laman ng bulsa ko. Pano yan?!

“Sukat mo 'to.” inabot sa akin ni Caleb ang blue shirt tapos napansin ko blue din yung isa pa niyang hawak.

“Ayoko nga. Couples Tshirt yan 'no!” irap ko sa kanya habang pilit niyang inaabot sa akin ang hawak niyang shirt.

“Libre ko na nga eh. Mas mura kasi.” ilang segundo rin akong napamaang sa sinabi niya. So assumera lang pala ako.

“Kuripot! Yaman mo eh.” pagtataray ko sa kanya at  kinuha ko na yung Tshirt saka kumuha din ako ng shorts at pumasok na ako sa may fitting room. Gandang nilalang oh! Kaso ang baduy naka black shoes nga pala ako. So nagpalit ulit ako ng uniform. Pagkalabas ko nakita ko si Caleb nasa cashier na inabot niya yung dala ko then binayaran na.

After namin 'non ay pumasok naman kami sa isang shop. Pumili kami ng slippers. Sige mayaman na siya. Crocs lang naman ho yung binili niya sakin. Nagpunta na kami ng CR para magpalit. Natural sa boys siya ako sa girls. Pagkalabas ko ng CR ay parang gusto ko na lamang ulit magpalit ng uniform! May nakalagay palang "I'm her Hubby" sa likod ng shirt niya! Nagmamadali akong pumasok ulit sa CR at pilit na sinilip iyong nakasulat sa likod ng shirt ko.

"Gago yun ah!" bulong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan 'yong "I'm his WIFEY" statement sa likod ng shirt ko. Nakakainis! Nakabusangot akong lumabas ng CR at naabutan si Caleb na nakasandal sa may pader.

“Wow! Bagay sayo ah.” hindi ko alam kung nang-aalaska lang ba 'tong si Caleb o ano. 

“Yuck! Hubby daw!” I said in a very disgusted voice.

“Naku gusto mo naman Wifey!” he said in a sarcastic way.

Naghanap kami ng makakainan ni Caleb at nang makatapos ay naisipan naming maglakad-lakad muna habang nag-iisip kung ano pa ang pwede naming gawin. Grabe lahat ng makakita sa amin pinagtitinginan kami. Ang bata daw namin nag asawa yung iba naman ang sabi ang sweet daw namin. Hinila na lamang ako ni Caleb sa loob ng department store at dito pa kami nagpunta sa kitchen wares. Ano naman kayang gagawin namin dito?

Naka-abresete ako kay Caleb and I find it comfortable, parang ginagawa na namin ito dati. Ang weird nga ng feeling eh parang matagal ko na syang kilala. Deja vu.

I Wish I Never Met You (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon