CHAPTER 7

29.4K 321 17
                                    

CHAPTER 7

Caleb’s POV

Naging mabagal ang mga araw at 3rd day ko pa lang bilang slave. Enjoy na enjoy naman si Bonsai. Ikaw ba naman paakyatin sa 4th floor tapos pabababain ulit sa canteen eh matuwa ka pa kaya?   Enjoy ko din naman lagi kong kasama si Tiffany tapos laging napagkakamalan na kami na. Hehe. Inaaamin ko nang may gusto ako kay Tiffany, I find her cute. Mabait naman pala siya saka sobra yung pagka-isip bata akala ko pa naman amazona yun. Haha. Naaalala ko tuloy sa kanya yung first love ko. Precious.

 Kahit walang pasok ngayon ay nagpunta pa rin ako ng school para maglaro. Tatambay na lang ako dito dahil bored na din naman ako sa bahay saka lagi lang naman nag-aaway si mama and daddy. Tsk! Lilipat na talaga ko sa condo next week. Banas na banas na ko sa bahay.

Kasalukuyan akong umiinom ng gatorade nang matanggap ang text ni Tiffany. Ang isang advantage ng pustahan namin ay nakuha ko ang number niya. Binasa ko ang text niya at hindi napigilan ang pag-ngiwi, kung makapag-utos naman tong pandak na 'to slave na slave ang dating ko ah.

Pumunta ako sa restaurant nila kahit tinatamad ako. Maganda naman iyong restaurant nila medyo maliit nga lang. Pinakilala niya ako sa mama niya. Napansin kong hindi niya kamukha ang mama niya kaya naisip ko na sa papa niya siguro siya nagmana.

Magdedeliver daw kami ngayon nga mga pagkain, didiretso na sana ako sa kotse ko ngunit tinawag niya ako. Hinagis niya sa akin yung isang helmet. D*mn it. Bading na kung bading pero takot akong sumakay sa motor. Tss. Goodluck naman sakin. Di nga pala niya alam na may trauma ako sa motor. Bahala na nga si Batman!

Sumakay na ako sa motor niya kahit na namamawis na ang mga kamay ko. Di ko alam kung saan ako hahawak, inilagay ko na lamang ang mga kamay ko sa kanyang balikat kahit gustong gusto kong kumapit ng mahigpit sa kanya.

“Teka! Ilang taon ka na ba? Bakit nag-dadrive ka na?” tanong ko. Ayoko pa kayang mamatay. Wala din akong tiwala sa pandak na 'to.

“18. Easy ka lang. let’s go!” bago pa ako makapalag ay bigla na lamang niyang pinaharurot ang motor.

Tiffany’s POV

Nakasakay na kami sa motor. Nasa likuran ko si Caleb nakakapit sa balikat ko. Halatang di siya komportable, masakit na ang balikat ko dahil sa higpit ng pagkakapit niya. First time ba niyang sumakay ng motor? Akala ko ba astig siya? Nakalimutan ko pala itali ang long and curly hair ko I’m sure irita na 'tong si yabang sa buhok ko. Haha. Pakainin ng buhok. Hahaha. Ilang na naman ako sa kanya kahit sa balikat ko lang siya naka-hawak.

 “I like the smell of your hair.” halos panayuan ako ng balahibo ng marinig ang bulongg ni Caleb sa aking tainga habang hinahawi ang aking buhok.

Hindi ako makapag-concentrate.1 week pa lang kami magkakilala pero sanay na talaga ako sa kayabangan niya di na din kami madalas mag-away. Kaunti na lang ibabangga ko na to.’ Kinikilig na talaga ako. Sa sobrang pagkakilig ko traffic pala kaya nabigla pag preno. Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat at bumilis ng husto ang tibok ng aking puso, nakayakap na sa akin si Caleb!

“Sorry.” ani Caleb

“Are you okay?”  tanong ko tapos hinawakan ko ang kamay niya na malamig at pinagpapawisan.

“Hey! You’re so cold!" sita ko sa kanya habang hawak pa rin ang kamay ni Caleb.

“I’m scared Tiffany. I’m really scared.” mahina iyon at bakas ang takot sa boses niya

Nagsimula nang umandar ang mga sasakyan sa harap namin. I decided na bumalik na lang sa restaurant baka mag collapse na si Caleb eh. Guilty ako. Di ko naman alam na takot siya.

I Wish I Never Met You (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon