CHAPTER 5

32K 361 37
                                    

CHAPTER 5

Uwian na. Adik bock namin occupied namin buong computer shop. Hehe. Kinakabahan ako. Since nag-break kami ni Andie sinumpa ko na din yung dota. Di ako pwedeng matalo dito dahil ayokong maging slave ng isang Chase Caleb Del Rosario. Sa pocketbooks lang nangyayari 'yon. Kadiri nga kasi ang corny ng consequence, para akong heroine sa pocketbool.

Siyempre dahil hindi kami kasya lahat sa loob yung iba nasa labas. Haha. Parang laban lang ni Manny Pacquiao kulang na lang may big screen sa may labas ng computer shop. Nakakahiya 'tong ginagawa namin. Hindi ko naman gustong patulan si Caleb kaso nayayabangan talaga ako sa kanya. Yung mga kabarkada ko lang ata at ilang lalaki ang kampi sa akin tapos yung rest ng block namin na kay Caleb. Mostly mga babae. Tss.

 Caleb’s POV

D*mn it! Bullsh*t! Lahat na ata ng curse nasabi ko na. Natalo ako ng isang babae?! Sh*t naman oh! Sakit sa pride nun ah. Katakot-takot na pang-aalaska ang nakuha ko sa mga kaibigan ko. shouldn't underestimated that girl.

“Pare sabi sayo talo ka dun kay Tiffany. Astig yun eh.” pabiro akong tinapik ni Alex sa may balikat. Tss. Oo tinalo nga ako diba?

“Ako na talo pare.” badtrip talaga!

“Kasi naman pare hinamon mo pa eh. Syota nga nun tinatalo niya eh.” natatawang sabi ni Troy. May syota yun? Wala naman akong nakikita sa school na kasama niya ah?

“May syota yung pandak na yun?” Tsk!

“G*go Troy break na nga sila diba?” ah break naman na pala! Late naman pala sa balita 'tong si Troy, sarap upakan. Bakit nakahinga ako ng maluwag ng malaman na wala ng boyfriend yung babaeng yun? Nagkakagusto ako sa kanya ganon? Lul.

Hindi ko na sila pinansin pa sa pang-aasar nila sa akin at nauna na akong umuwi. Nawalan na ako ng ganang pumasok sa last subject ko kahit pa major 'yon. Pagkarating ko ng bahay ay naabutan ko na namang nag-aaway si daddy and mama. Ano pa nga bang aasahan? Iisang dahilan lang naman ang pinag-aawayan nila iyong nawawalang anak ni daddy.

Ang first love ko.

“Hindi ka pa ba sususko hindi mo na siya mahahanap Christian!" singhal ni mama kay daddy. Kung ako man hahanapin ko si Precious.

 “NO! I’ll do whatever it takes to find my Precious!!!” balik singhal naman ni daddy.

Magkalapit lang sila pero nagsisigawan pa. Si Precious ang nawawalang anak ni daddy. Nasan na nga kaya yung cute at mestizang bata na yun. I miss her so much. Stupid of me after 10 years di ko pa din siya makalimutan. Gusto ko din syang hanapin but I know magagalit si mama sakin.

Siya na nga lang ang nag-iisang mayroon si daddy tapos ayaw pang ibigay ni mama. Hindi pa ba sapat na iniwan ni daddy yung unang pamilya niya para sa amin?

I Wish I Never Met You (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon