CHAPTER 6

31.9K 331 17
                                    

CHAPTER 6

Tiffany's POV

3rd day na ng pagiging slave ni Caleb. Haha I can't believe it natalo ko siya! Wala naman ako masyadong mai-utos sa kanya. Lagi ko lang naman siyang pinapababa sa canteen kahit alam kong kagagaling lang niya doon. Meanie! Lagi siya yung may dala ng mga gamit ko. Kakatuwa facial expressions niya halatang asar na. Cute niya maasar. Enjoy naman pala may slave ang nakakaasar lang lagi kami napagkakamalan na mag bf/gf. Under daw si Caleb sakin. Hmmm Saturday ngayon ano naman kayang ipapagawa ko kay yabang?!

"Tiffany! Walang mag dedeliver nitong order! Ikaw na mag deliver!" sigaw ni mama sa may kusina. Sabado ngayon at dapat ay nagpapahinga ako ngunit heto nagtatrabaho ako.

"Bakit ako?! Nasan si Mark?!!" nasan na naman kaya yung magaling kong kapatid. Porke't siya ang tunay na anak siya ang walang ginagawa? 

"Gagawa daw ng project!" lumapit ako kay mama para hindi na kami naghihiyawan. Project daw?!! Hindi naman masipag mag-aral yung batang yun. In fact dalawang beses na siyang nasa 4th year highschool.

Nag-isip akong mabuti at bigla nalang may umilaw na bombilya sa itaas ng ulo ko. Kaya nga may Caleb diba? Hahaha. Yes! Makakaligtas na ako sa mga utos ni mama. Agad kong kinuha ang cellphone ko para maitext na siya.

To: Yabang

Slave! Punta ka dito samin. May uutos ako. Ngayon na!

Ilang saglit lang ay tumunog na agad ang cellphone ko. Aba mabilis mag-reply!

From: Yabang

San ba inyo? Feeling mo naman alam ko kung san ka nakatira.

Infairness mahaba-haba siya mag-reply. Oo nga naman di nga naman niya alam 'tong sa amin. Stupid! Sungit naman ng Caleb na 'to.

To: Yabang

Dito lang malapit sa school. Precious Restaurant.

Hindi na siya nag-reply pero nakakasiguro naman akong pupunta siya. Usapan ay usapan 'no!  After 5 minutes may narinig akong bumusina sa labas. Sira naman yung costumer na yun kailangan pa ba talagang bumusina. Tumunog muli ang cellphone ko at nagreply na si Yabang.

From: Yabang

I Wish I Never Met You (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon