Our Real Love: Eleventh and Twelfth Step (11th & 12th)

62.7K 1K 352
  • Dedicated kay Melissa Faustino Degala
                                    

Belated happy birthday Mel'lhubz ;)) Sorry na-late.

STEP 11 & 12: Reveal...

JARRET'S POV

"Samahan mo si Jenn sa hotel, may pupuntahan lang kame." Sabi 'ko kay Rey ng makarating kami sa Airport.

Habang binibitbit naman ni Rey yung bag ni Jenn, "San ka naman pupunta niyan?"

"Kayna Mr. Smith."

"Sa tatay ni Adeline?"

Inabot 'ko naman yung dala 'kong bag kay Rey. "Sige na."

"Ingat ka."

Dumiretso kami sa sasakyang naghihintay sa'kin sa labas. Kasama 'ko mga tauhan nila Mr. Smith na tumulong sa'min na makarating kami dito sa Maynila. Sa kanila ako lumapit para maka-alis kami kaagad sa lugar kung san kami nakalagi. Hindi na ligtas para sa magakapatid, madadamay sila samantalang hindi dapat.

Gustuhin 'ko mang iganti ang lahat, makakasama lang saming lahat.

Hindi 'ko alam ang naghihintay sa'min sa Samar, kaya kasama ng tauhan nila Mr. Smith, lumipad kami papunta ditto sa Maynila. "Sa restaurant po muna tayo didiretso Mr. Silva bago po tayo dumiretso sa bahay ni Mr. Smith." Naka-upo siya sa harapan katabi ng driver.

"Ayos lang, hindi na kailangan. Pumunta na tayo sa bahay nila Mr. Smith." Sagot 'ko.

Alam 'ko, kanina pa 'ko nakakaramdam ng gutom pero ngayon, mas nararamdaman 'ko ang gutom na makita siya. Yun, ay kung kaya 'kong harapin siya... O kung gugustuhin niya pa 'kong Makita. Bahala na...

Dumiretso na kami sa pupuntahan namin. Ng sinabi ng kasama 'ko na nasa loob na kami village nila, may nakita akong pamilyar sa'kin. "Sandali lang." Huminto yung sasakyan at napatingin sa'kin parehas yung dalawa.

"Bakit po?"

Nakatingin ako dun sa lalaking nakatayo malapit sa sasakyang nakaparada.

"James?" Nabulong 'ko sa sarili 'ko.

Si James? Bakit nandito—naka-uwi na sila sa Pilipinas? Tinignan naman nila yung direksyon na tinititigan 'ko.

"Ayan na po yung bahay nila Mr. Smith—"

Mas natigilan ako sa sumunod na nakita 'ko. Siya yan... Hindi ako nagkakamali.

"Pwede bang, dito muna tayo. Kahit saglit lang." Sabi 'ko habang nakatitig ako sa kanya, sa kanila. Si Adeline na kalalabas lang ng gate.

Nagkatinginan naman yung dalawang lalaki at saka sinabi nung isa na "Sige po."

Tinignan 'ko lang silang dalawa, parehas silang may hawak na cellphone pero hindi siya nakikita ni James na nasa likuran lang niya. Maya-maya, humarap na si James sa kanya at saka nila inalis yung hawak nilang cellphone.

Hindi 'ko na alam kung anong dapat na itanong sa mga nangyayari. Ano, kailan, paano... Ang alam 'ko lang, nakangiti siya ngayon... Nakangiti siya kahit wala ako sa tabi niya. Tama yan... Pero hanggang kalian naman kaya magiging tama ang palagay ng puso 'ko ay mali?

Ilang sandali lang, umalis na si James at pumasok na din si Adeline sa loob. Saka naman kami pumunta sa tapat ng bahay nila. Bumaba ang tauhan ni Mr. Smith at nakipag-usap sa kanya.

Mula sa loob ng sasakyan, hindi ako makatingin sa kanya. Pinakinggan 'ko lang ang boses niya hanggang sa makapasok na ulit sa sasakyan yung lalaking kasama 'ko.

"Wala pa daw po sa bahay si Mr. Smith. Ipapaalam 'ko na lang pong ligtas kayong nakarating ngayon sa Manila. Bukas na lang tayo bumalik." At saka umandar yung sasakyan palayo sa bahay.

Our Real Love by A.B.Castueras (3RD BOOK OF SMITH TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon