Chapter 31

3.5K 67 3
                                    

(a/n: kaya po nawala si christian kase extra lang po talaga, wala siya sa cast oh. gagawan ko kasi siya ng story na hiwalay sa blanche. :> )

---

( Denise's P.O.V )

Pag dating ko sa bahay wala nanaman sila mama -.- trabaho nanaman.  

agad kong kinuha sa katulong si prince at pumunta ng garden.

"baby.."

napatingin ako sa nagsalita at ngumiti.. baby tawag saken ni jared, lahat ng kabaduyan sinalo na niyan eh.

nakangiti siya at may hawak na gitara. nung nanganak na kasi si mama sila na ulit naghandle ng kompanya kaya si jared minsan nalang pumunta.

"kamusta school?"-jared

"ok naman.."-ako

umupo ako at tumabi sakin si jared. buhat buhat ko padin si baby prince.

"balita ko, andito na ulit si kyle.."-jared

"ah..oo.." nakayuko kong sabi.

"nasasaktan ka parin ba?"

"h-hindi na."

ibinaba ni jared yung gitara at iniharap ang mukha ko sakanya.

"si..nu..nga..ling."-jared

napaiwas ako ng tingin sakanya.

"mahal mo padin siya?"

"hindi ko alam jared..hindi ko na din kasi maintindihan sarili ko."

"kung hindi mo na siya mahal, hindi ka na masasaktan ng ganyan."

hinalikan niya ko sa noo at pumasok na siya ng bahay.

hindi ko na talaga maintindihan nararamdaman ko.

mahal ko ba talaga si jared? o ayoko lang siyang saktan? 

.

kase.. 

mahal ko padin si kyle..  

totoo bang pwedeng magmahal ng dalawa ang isang tao? 

---

( Jared's P.O.V )

badtrip. alam ko namang mahal pa ni denise yun. pero nakakainis..

kase alam kong mahal din niya ko.

kung sino mang nagsabing kung mahal mo talaga yung una di ka magmamahal ng pangalawa kaya piliin mo yung pangalawa eh gusto kong sapakin.

Blanche Academy (completed) [ EDITED ]Where stories live. Discover now