chapter 6

4.8K 92 3
                                    

Sabado ngayon. nandito kami kela prey ngayon. lumipas ang mga araw na busy ang lahat, wala na halos nakikinig sa klase dahil busy sa pag gawa ng sketches. meron pang 45 days para gawin ang mga damit. 

pinakita na namin kay kyle at carla (gf ni marvin) ang damit. nagustuhan naman nila. at napapansin ko tong si carla, lagkit ng tingin kay kyle. psh.

tapos na din namin silang sukatan. wala nanamang gagawin sila kyle dito pero nakatambay parin siya. pinapanuod ako. pero syempre guni guni ko lang yung part na pinapanuod ako.

napangiti siya nung nakita niya yung design ko. pano dahil dun sa lollipop na yun, nagkakilala kami.

nagkanya kanya na kaming 3 nila prey. si prey ginagawa muna ang hairdress niya, si marvin tube. at ako yung dress na mismo.

busy kami na di nga namalayan ni marvin na lumalantod na si carla kay kyle na mukhang irita na. napasimangot tuloy ako, tss.

"AW!" natusok ako ng karayom. sadyang tanga na talaga ako nung pinanganak oo na. kasi naman kung san san ako nakatingin.

"patingin nga. di kasi nagiingat" nagulat ako hinila ni kyle daliri ko, tapos hinipan niya.

bumilis nanaman tibok ng puso ko. 

tinakpan niya ng band aid yun tapos kiniss niya.

si nanay ganto rin ginagawa sakin pag may sugat ako nung bata ako, and i will feel better because of it. di ko alam kung bakit, o pano. pero seeing nanay doing that with her loving motherly eyes on me makes me feel loved.

napatulala ako, tapos tinignan niya ko at nagsmile siya. 

"masakit pa?" tanong niya

"h-hndi na." nauutal kong sagot. para akong may sinok. nakakahiya na talaga ako

"mag ingat kasi denise ha?" sabi niya

tumango nalang ako at bumalik na siya sa upuan niya. ang bilis ng tibok ng puso ko talaga

hinakawakan ko ang dibdib ko at para akong baliw na binalaan ang puso ko.

"bawal mainlove" bulong ko.

Blanche Academy (completed) [ EDITED ]Where stories live. Discover now