Chapter 8

4.8K 94 2
                                    

8 am.  

hindi padin ako makatulog!!  

andrei kyle! ikaw may kasalanan nito eh!

may pasok ako ng 9 eh nakakaiyak ..

tumayo na ko at naligo. tapos sinuot uniform namin. parehas lang uniform namin at ng models. sa name pin lang nagkaiba. silver samin, gold sakanila. edi sila na!

"hoy kumain ka na!" katok ng kuya ko sa pinto kong plywood. 1year lang tanda ni kuya sakin.  

siya si kuya jared brian mendoza! oha, pogi ng name. mabait yan si kuya. love na love ko! may pag kasuplado nga lang talaga.

bumaba na ko at kumain.

tuyo, kamatis at itlog na maalat! yum!

"goodmorning nanay! goodmorning kuya!" -ako

ohaa, kahit wala akong tulog energetic padin!

"bat ganyan mata mo? para kang sinapak. panget mo. sabagay, kailan ka ba gumanda?" pangaasar ni kuya habang kumukha siya ng kanin

binelatan ko lang siya. epal talaga.

pagkatapos ko kumain, umalis na ko at naglakad. malapit lang kasi school dito.

napayuko ako at nagisip

nasan kaya totoong mga magulang ko?

hehe. ampon lang ako eh.. naiiyak tuloy ako.

bat ayaw nila sakin??

hindi naman talaga dapat mendoza apelyido ko eh. di ko alam kung ano talaga eh . pero since sila kuya jared kumupkop sakin, mendoza ako!  

si kuya sa music school nagaaral. astig no? raker yun eh! 

nakarating na ko ng school. grabe talaga laki ng blanche. silent E. blanch lang talaga dapat pag binanggit.

apat na building na malalaki.

designers building, fashion show auditorium, models building at blanche building. dun yung sa meeting na superiors.

pag pagpasok ko ng room andun na kagad si prey at marvin. sobrang lapit sa isa't isa ha? nakakahatala na ko.

since 19 na ko. hindi po ako NBSB. may naging boyfriend na ko. si renz. sa music school din yun. grabe, kahit 2 months na kaming break namimiss ko siya. 

"goodmorning besty!" bati ni prey, pero tinulak niya muna si marvin. sus halata nanaman sila -___-

"morning." grabe.. ngayon pa ko inabutan ng antok.

"besty wag muna tayo gumawa ng dress ha? papaintingan kasi room ko. bukas nalang?" -prey

"sure." pagkasabi ko nun pinasok ko na ulo ko sa bag. matutulog ako. di ako makikita dito kasi dulo tska malabo mata ni sir. wala talaga muna ako sa mood makipagusap kay prey.

***

may makati sa ilong ko. -____-

o___- dilat isang mata.

O_________O!!!!!!

"K-KYLE ANO GINAGAWA MO DITO?!" halata naman sigurong sumigaw at nagpapanic ako diba?

grabe may gwapong nilalang sa harap ko. pero bat siya nandito?

"hey." nakangiti niyang bati.

napalingon ako sa room. wala ng tao??? di ako ginising nila prey??? 

nakakabadtrip ha. aish.

"napadaan ako dito eh. nakita kitang tulog, haha uwian na."

"hala. 8hrs akong tulog?!"

"no mam! 6pm na po." ang cute niya nakakawala ng badtrip.

pero...6 pm?? halaaaa 5 uwian namin ehhh!!

"lika hatid na kita." -kyle

"hala wag na, walking distance lang bahay namin dito."

"i insist."

"w-wag na kyle."

pero bago pa matapos sasabihin ko binitbit niya na bag ko. 

eto nanaman yung puso kong abnormal.

"kyle kasi, naglalakad lang ako."

"edi lumakad tayo."

"kyle wag na!"

"wag kang makulit denise."

"kyle naman eh!"

"pag di ka tumigil, hahalikan kita."

hala...pwede..

magingay nalang? 

EWAN KO SAYO DENISE ANG LANDI MO!

EWAN KO SAYO DENISE KINAKAUSAP MO NAMAN SARILI MO !

Blanche Academy (completed) [ EDITED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon