Chapter 16

3.6K 70 4
                                    

( KYLE'S P.O.V.)

Iniwan ko na si denise sa ospital.

kailangan ko siya layuan.

alam kong si mama nagpasunog ng bahay, bilang warning sakin.

pero bakit kailangang may mamatay?

bakit ang nanay pa ni denise.

para akong sinasaksak ng makitang nagwawala si denise para makapasok sa nasusunog nilang bahay.

hindi ko alam kung anong gagawin ko

pero sinabi ko kay mama, na may plano ako at wag siyang makielam.

kahit wala naman talaga akong plano.

mahal ko si denise.

kung si mama ang papatay kay denise, uunti untiin niya ito.

hindi ko kayang saktan si denise.

hindi ko siya kayang patayin.

damn!

galit na galit ako kay mama.

hindi ko alam kung anong nangyayari pero nung hinawakan ako ng mga guard at tinutukan ng baril ng sarili kong ina,

hindi ko mapigilang hindi masaktan.

sarili kong ina.

handa akong patayin at ang buong E6

kung hindi ko siya susundin.

pati si papa na nasa US at walang kaalam alam.

binlack mail niya sakin.  

natulala nalang ako habang binabantaan niya kong papatayin niya ko, ang mga kaibigan ko at ang sarili kong tatay,

kung papatayin niya ko wala akong pakielam.

pero ang mga kaibigan kong walang kamalay malay?

pati si papa?

ganayan na ba siya kasama?

para lang patayin ko yung babaeng mahal ko? sasaktan niya lahat ng malapit sakin?

.

.

.

.

papunta kaming E6 sa underground.

i really need a fight.

lahat ng galit ko doon ko lalabas.

may pumigil sana sakin bago ako makapatay.

------

( LEI'S P.O.V )

pag mulat ko puting kisame kagad nakita ko. tumingin ako sa paligid, nasa ospital ako.

nakita ko si kuya na malungkot na ngumiti sakin at may kasamang isang babae at lalake na may edad at mukhang mayayaman. malungkot din silang nakangiti sakin.

tinignan ko yung babae at napaupo ako.

naniniwala ba kayo sa lukso ng dugo?

"a-anak." sabi nito

hindi ako nakakaramdam ng galit.  

tumayo ako at nakatitig padin sa babae.

muling tumulo ang luha ko.

"mama." bulong ko

narinig niya yun at mabilis silang tumakbo ni papa palapit sakin at niyakap ako.

makalipas ang dalawang oras, nandito kami sa isang restaurant,  

pinalabas na ko sa ospital dahil pagod at stress lang naman daw ang dahilan kaya nahimatay ako.

kasama ko ang totoong mga magulang ko at si kuya jared na tahimik lang.

kung nasan man si nanay ngayon, alam namin ni kuya na masaya ito kasama ang asawa nito na namatay dahil sa aksidente noon.

kahit ilang oras palang ang lumilipas at kahit masakit, tinatanggap nalang namin ito.

"denise.. gusto sana namin na samin nalang kayo ni jared manirahan." -mama

napatingin ako kay jared na nakatingin sakin at tumango.

wala din naman kaming titirhan, sunog na sunog ang bahay.

"ituturing naming tunay na anak si jared." sabi ni papa. binigyan lang siya ng malungkot na ngiti ni jared.

"pwede po bang magtanong?"-ako

"ano yon anak?"-mama

huminga muna ako ng malalim

"bakit nyo po ako ipinamigay?" natigilan silang tatlo sa pagkain at napatingin sakin.

"pero..anak..."-mama

"ako na po..alam ko po ang kwento."-kuya

"denise, si nanay, katulong siya noon at guard naman si tatay. ikaw ang nagiisang anak ng mga dela fuente. ang tagapagmana at magtutuloy ng kompanya kapag ikaw ay 25 na. pero dahil nangunguna ang kompanya nyo, maraming gustong pumatay sayo, para mawalan ng taga pagmana at iniisip nila na kung mamamatay ka ay mawawala sa focus ang mama at papa mo at mapapabayaan ang kompanya." -jared

"kahit ayoko..ibinigay kita sa katulong at binigyan sila ng maraming pera para mabigyan ka ng magandang buhay."-mama

"pero nanakawan sila nanay at ayaw niyang tawagan ang mga dela fuente dahil baka sumablay at malamang buhay ka."-jared

"for 5 years pinalabas naming patay ka. pero walang sikretong hindi nabubunyag. nalaman nilang walang laman ang kabaong at sinabi nalang namin na ang anak namin ay nawawala at hindi talagang namatay." -papa

"bumaba ang rank ng kompanya dahil naisip nila na mangloloko kami, ngunit ginawa namin ang lahat at pinaahon ito, at hindi na kami nawala pa sa pang una."-mama

"nasa tamang edad ka na anak, at hindi na naming kayang mapalayo pa sayo. at marami ng nakakaalam na ikaw ang anak namin, delikado ng iwan ka ng di protektado. hindi namin ginawa ito noon dahil kahit cook ay pinagtangkaan kang patayin sa mura mong edad" -papa

"pero ngayong malaki na si jared, siya ang magbabantay sayo. dahil kilala ka niya at mapagkakatiwalaan namin siya lei."

"mas maproprotektahan ka namin lei kung kasama ang mama at papa mo, mas protektadong bahay at maraming guards"-jared

"k-kung ganon...ako ang may kasalanan kung bakit namatay si nanay." naiiyak kong sinabi

"wag lei, please. wag mo sisihin ang sarili mo."-jared

"p-pero.." -ako

tinignan ako sa mata ni jared at hinawakan ang kamay ko.

"gagawin ko lahat para protektahan ka,

Denise Lei Dela Fuente."

Blanche Academy (completed) [ EDITED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon