Chapter 4

5K 101 5
                                    

Dinala nalang namin yung materials kela prey since dun kami gumagawa at naghiwalay kaming tatlo para bumalik ng school at mangumbinsi ng models.

naglalakad lakad ako sa elites building. ang daming maganda. kahit sino pwedeng hilahin eh.

ng makita ko si sheena. ang bruhang hampaslupa. ako nanaman pagtritripan neto pag nagkataon eh!

takbo kagad ako. at dahil nakatingin ako sa likod ko para tignan kung nakita at sinusundan ba ko ni sheena, may nabangga ako. napayuko ako at napahawak sa noo ko. ang sakit ha?!

"miss okay ka lang?"  narinig kong tanong ng nabangga ko

"pano magiging okay eh paharang harang ka sa daan. aish!" sabi ko habang hawak hawak ko noo ko. 

tumingala ako at tinignan ng masama ang bumangga sakin, nanglaki mata ko dahil siya yung lalaking nakita ko sa candy shop kahapon.

"a-ah- ahhh sorry ang tanga tanga ko kasi! " yumuko ako sakanya at aalis na pero hinila niya ko.

"hi, diba galing kang Designers building? sa name pin mo kasi. nga pala, ikaw yung sa candy shop di ba?." nakangiting sabi niya.

ang weird weird niya bakit siya nakangiti sakin, tska bakit ang bilis ng tibok ng puso ko, dahil siguro sa pagtakbo ko, o dahil siguro mamamatay na ko sa kahihiyan dahil siya ang sinisi ko kahit ako naman tong tangang tumatakbo na sa likod nakatingin,

really, sino bang taong tumatakbo na sa likod nakatingin? stupid.

"andrei kyle blanche nga pala" sabi niya.

andrei kyle blanche..

blanche..

diba pangalan yun ng school ko?

blanche..

"blanche? hala.. IKAW ANG ANAK NG MAY ARI NG SCHOOL?!" napasigaw kong sabi at tinakpan ko din agad bibig ko dahil pinagtitinginan na kami.

blanche siya? tapos sinungitan at binangga ko pa siya. baka magoodbye scholarship ako nito.


"ah . oo?" sabi niya at ngumiti ulit.

napatunganga nalang ako.

tulala na nakangangang nakatingin sakanya..literal.

napaka awkward at weird kong babae.

"naghahanap ka ba ng model?" tanong niya



napatango nalang ako at sinara niya bibig ko. 

nakakahiya ako. bwiset. 

bago pa siya makapag salita ulit, dinumog na siya ng iba pang designers. malamang pag aagawan siya. balita kasi, kahit basahan ipasuot mo kay blanche maibebenta. ngayon ko lang siya nakita pero....sa tingin ko kahit dahon pasuot dito, bagay padin.

dahon? really denise? dahon?  bakit ba ganto naiisip ko? 

grabe.. 30 ata nakapalibot sakanya. di ko na siya matanaw.

tumalikod ako sakanya at

aalis na sana ako ng marinig kong sumigaw siya

"BACK OFF, I AM THE PRINCE OF DENISE LEI MENDOZA."



napatigil ako...

ako si denise diba?

parang tanga kong tinignan ang name pin ko para lang isink in sa utak ko na ako nga si denise lei mendoza kahit alam ko naman talagang ako yun,

unti unti ko silang hinarap

prince? 

model ko si ANDREI KYLE BLANCHE?!

Blanche Academy (completed) [ EDITED ]Where stories live. Discover now