[EXO] 33

24K 570 113
                                    

[EXO] 33

EXO FACT #32: Baekhyun is afraid of cockroaches

CR: EXO FACTS


A/N: FIRST POV NI KRIS BABY. WAG KAYONG MADISMAYA. XD KRISLIES, KRISYEON, KRISTAE, itaas ang paa!~ LOL Happy 15K reads!~~~

***

(A/n: First time magkakaroon ng POV si Kris. OMG. Naiiyak ako. ;( HAHA. Okay, Magkkwento muna sya ha.)

[KRIS]

Nagulat ako nang Makita kong hawak hawak ni Kylie ang picture ko kanina. At alam kong alam niya na ang katotohanan.

Hindi ko alam pero bigla akong natakot.

Natakot na baka kamuhian niya ako, magalit sya sa akin at layuan ako.

Sino nga ba naman ang hindi magagalit sa isang tangang katulad ko?

Sa bobong katulad ko?

Na mas pinili pa ang magbago para sa babaeng hindi naman ako gusto at iwan ang mga kaibigan para matanggap ako.

Siguro ako na ang pinakatangang lalaki sa mundo para gawin yon.

“Bitiwan mo nga ako!” sabi ng babaeng hawak hawak ko ngayon. Pilit niyang iniaalis ang kamay ko mula sa pagkakakapit sa braso niya.

Tinignan ko sya. Tinignan ko sya sa mata.

Galit sya sakin. Alam ko yun.

Binitiwan ko sya pero hindi ko iniwas ang mata ko sa mata niya. Dinala ko sya dito. Sa lugar kung saan lagi naming sinisigaw ang mga problema namin dati.

Sa rooftop.

Kung saan ko sya tinatanaw tuwing umiiyak sya sa may playground. At nakikitang si Kai na ang dumadamay sa kanya at hindi na ako.

Hindi sya nagsalita pagkabitaw ko sa kanya.

Handan a ako sa mga itatanong niya.

Handa ko ng ipagtapat lahat sa kanya.

Pero…

Shut Up or I'll Kiss You [EXO] - EDITINGWhere stories live. Discover now