[EXO] 21 --- #HappyBaoziDay or #HappyMinseokDay

28.3K 593 104
                                    

[EXO] 21 -#HappyBaoziDay or #HappyMinseokDay

A/n: Happy Birthday sa napakacute na si Xiumin!!~ Lalalalaal~ Party party!!

Exo Fact # 20: Xiumin has a chubby face (ewan ko na lang ngayon. Kasi payat na sya! Pero cute pa rin!). He has a cute grin. He is the next member that knows martial arts besides Tao.

***

[3RD]

“Psssttt! Tapos na ba yan?” tanong ni Chen kela Luhan na nilalagay pa ang lobo sa may stairs.

“Wait lang! Marami pa kaya to! Basta look out ka lang dyan!” sagot naman ni Luhan sa kanya.

Naghahanda ang EXO ngayon para sa birthday ni Xiumin. Napagdesisyunan nilang umaga naman dahil nung nakaraang birthday ng iba ay gabi cinelebrate.

Gumising pa sila ng maaga para lang makapagprepare. At ingat na ingat sila Tao at Chen sa pagbangon kanina para lang hindi magising si Xiumin.

Si Kylie, Kyungsoo at Suho ang naka-assign sa pagluluto. Si Luhan, Sehun at Lay naman sa decorations. Si Tao, Baekhyun at Chanyeol naman ay nagppractice ng isasayaw nila para sa birthday boy. Si Kai naman ang nakahawak ng cake at si Kris ang manggigising kay Xiumin. Habang si Chen ang dakilang look out.

“Matagal pa ba?!” Singhal ni Kai sa mga nagluluto. Asar na asar na sya. Dahil hindi niya alam kung bakit kailangan pa ng surprise eh alam naman ng magbbirthday na birthday niya.

“Teka lang ho ha!!!” pasigaw naman na sagot ni Kylie kay Kai. Sa kabilang dako naman, patuloy lang sila nila Kyungsoo at Suho maghanda.

Halos lahat ng paboritong pagkain ni Xiumin ay nakahanda. Alam naman kasi nilang mahilig itong kumain.

Sila Chanyeol, Baekhyun at Tao naman ay busy pa rin sa pagppractice. Ang isa kasi sa wish ni Xiumin ay may magsayaw sa kanya ng Pearly Shell.

Nagmaiba taya pa ang EXO kasama si Kylie kung sino ang sasayaw at unfortunately, sila ang napili.

“Mali naman yang ginagawa niyo eh! Ganito!” Pinakita naman ni Baekhyun ang tamang pagsayaw. Napakamot naman si Chanyeol sa ulo.

Hindi naman talaga kasi siya kagalingan sumayaw.

“Why can’t we figure this out?” reklamo naman ni Tao. Pero wala rin naman siyang magawa kung hindi ang sumayaw.

“Oh, kayo nga muna!” sabi ni Baekhyun na parang sya ang dance instructor.

Sumayaw naman si Chanyeol at Tao. Pinanood lang sila ni Baekhyun. Nang biglang tumawa si Luhan.

“Hahaha! Epic naman yang ginagawa niyo!” pangaasar nito sa sumasayaw na Chanyeol at Tao.

“Kembot pa!~~” dagdag pa ni Lay. Nagsitawanan naman ang iba habang tumawa nalang din sila Chanyeol at Tao.

Shut Up or I'll Kiss You [EXO] - EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon