[EXO] 23

25.8K 559 93
                                    

[EXO] 23

Exo Fact #22: “Even though Baekhyun joined the latest, it only took Chanyeol one day to become close to him.”

Source: Exo Facts (FB)

A/n: Sana kinilig kayo sa KrisLie noh? Kahit selos na selos ako dito. >_< LOL. Enjoy~ BABALAAN KO NA KAYO. ANG LAME NA TO. KASI.. MALALAMAN NIYO SA AN SA BABA. XD WAG NIYO KONG SISIHIN KUNG BAKIT NGAYON LANG ANG UD. AYAW GUMANA NI GLOBE BROADBAND. ASARNESS.

***

[KYLIE]

Its been days nung naganap yung pananakit ni Krystal kay Sulli. At its been days na rin na hindi ako gaanong pinapansin ni Kai.

Bumalik nanaman sya sa dati niyang ugali. Yung sobrang cold. >_< Ano kayang nangyari? Mood swings? -__-

Pero kakaiba na ‘to ngayon eh. I mean.. as in wala na talaga syang pake. May sarili syang mundo. May sarili rin ako.

Ganun. Hindi na niya akong inaaya na sumabay sa kanya. Sila Luhan at Sulli na nga lang ang sumasama sa akin eh. At kung dati ang sama ng tingin niya samin, ngayon hindi na eh.

At dahil don, parang lalong bumaba yung pag-asa ko na magkagusto rin sya sa akin. Haaaayyyy.

“Kylie, nandito na tayo.” Paalala sa akin ni Luhan. Si Luhan. Ang bait niya sa akin. Kahit na nasaktan ko sya, lagi parin syang nandyan.

Tumango naman ako sa kanya at bumaba na ng kotse.

Bubuksan ko pa lamang sana ang pinto nang bigla na syang bumukas. Napatingin ako sa lalaking walang kaemosyon emosyon ang mukha.

Tinignan ko sya pero hindi niya ako tinignan at dinaanan lang ako. Ganyan sya lagi. Pagkauwing pagkauwi, magbibihis at pagkatapos ay aalis din ulit. Hindi ko alam kung saan sya pumupunta.

Wala naman akong karapatan para tanungin sya kung saan sya pumupunta eh.

Hindi ko namalayan na pumapanik na pala ako papuntang kwarto ko. Bakit parang hirap na hirap ako?

[3RD]

“Psst! Ano bang nangyayari?” tanong ni Baekhyun kay Luhan na nakatingin lang kay Kylie na paakyat sa kwarto niya na wala sa sarili.

Nagkibit balikat lang si Luhan dahil hindi naman talaga niya alam ang nangyayari.

“Eh? Wala ka palang kwenta eh!” sagot ni Lay kay Luhan at nagpatuloy na sa paglalaro ng PSP niya. Agad namang kumuha ng unan si Luhan at ibinato it okay Lay.

“Hindi lang alam, wala ng kwenta?” sagot ni Luhan sa kanya.

Shut Up or I'll Kiss You [EXO] - EDITINGOnde as histórias ganham vida. Descobre agora