[EXO] 26 -- #Happy1YearEXOShowcase

27.6K 672 148
                                    

[EXO] 26

Exo Fact# 25: Chanyeol and Baekhyun had a ramen competition before. But only Kai choose Baekhyun to win.

© Exo Facts (FB)

***

[3rd]

Pauwi na si Krystal. Medyo 6 na ng gabi at wala siyang sundo dahil gumala pa sila ni Kylie. Namiss nila na magkasamang dalawa kaya nagkayayaan na mag hang out.

Naglalakad lang siya ng biglang may humarang sa kanyang dalawang lalaki. Napaatras naman sya dahil doon.

Paatras sya ng paatras pero palapit lang ng palapit ang dalawang lalaki.

Hanggang sa mapahinto na lang si Krystal dahil wala na syang aatrasan. Pader na ang nasa likod niya at ang dalawang lalaki naman ang nasa harapan niya.

Pinilit niyang makapagsalita at magmukhang matapang.

“A-anong kailangan niyo sakin?!” sigaw niya. Pero bigla syang hinawakan sa kamya ng isa sa kanila. At ang isa naman ay sa kabila.

“Wala silang kailangan sa’yo. Pero ako, meron.” Nagulat na lang si Krystal ng biglang may magsalita mula sa likuran ng dalawang lalaki.

Ang babaeng may mahabang buhok, may maputing balat, may mala-anghel na mukha pero may nakakatakot na ngiti.

Siya. Siya na nagtulak sa kanyang gantihan at saktan si Kylie.

“Anong kailangan mo sakin?!” takot ngunit matigas na sagot ni Krystal.

Hindi basta basta ang babae na nasa harapan niya ngayon. Kaya niyang gawin ang lahat. At iyon ang kinatatakot ni Krystal.

Lumapit ng lumapit sa kanya ang babae. Walang umiiwas ng tingin. Parehong nagsusubukan ng tapang ang dalawa.

Pero nagulat na lamang si Krystal nang bigla siyang sampalin ng babae. Gusto niya rin sanang gumanti ng sampal ngunit pinipigilan sya ng lalaking nakahawak sa kanya.

“Hmm. Bati na pala kayo?” sabi ng babaeng nasa harap ni Krystal na parang hindi makapaniwala sa nangyari.

“Ano namang pake mo?” sagot ni Krystal. Agad siyang nakatanggap ng sampal mula rito.

Ngumisi lang si Krystal. Hindi pinapakita ang takot na nararamdaman niya ngayon.

“Lakas din ng loob mo noh? Alam mo namang hindi mo masasabing ako ang may pakana di ba?” nag-aasar niyang bulong kay Krystal na ikinairita nito.

“Tss. Alam ko. Pero alam kong malalaman din ni Kylie at lalo na ni Kai ‘tong pinaggagawa mo!” iritang sabi ni Krystal.

Tinitigan siya ng babaeng nasa harap niya na ikinatigil niya.

Shut Up or I'll Kiss You [EXO] - EDITINGWhere stories live. Discover now