[EXO] 19

29.2K 619 45
                                    

[EXO] 19               

A/n: Lapit na birthday ni XiuMin!!~ Sa March 24 ang next UD ko ha, :) Short UD for today! But hey, Hooray for today! LOL

Exo Fact # 18: During the trainees, Sehun once got mad to someone. He didn’t talk to anyone except for Luhan. -> HunHan feels. XD

Source: Exo facts (FB)

***

Nawalan ako ng gana magklase. Hindi rin ako makausap ng kahit sino. Ngayon lang ako nakaramdam ng pagiging broken hearted.

Dati rati sinasabi ko pang jejemon ang mga taong nagddrama sa mga lovelife nila. Pero ganito rin pala ang mangyayari sa akin. Magiging jejemon din ako.

Pinagalitan nanaman ako ng teacher ko. Ngayon, sa Math naman. Di daw ako nakikinig. Ewan ko sa sarili ko, bahala sila.

Sinubukan din akong kausapin nila Baekhyun pero di nila nagawa.

Nagulat na lang ako ng Makita ko si Sulli sa tabi ko.

Teka.. Ang alam ko.. hindi naman namin sya kaklase ha.

“Teka.. Bakit ka nandito?” tanong ko sa kanya na parang tamad na tamad.

“Kaklase mo na ako. Nagpalipat ako! Hahaha!~ Wala kasi akong friends sa section ko.” Sabi niya at ngumiti.

“Ahh..” Sorry sya, tinatamad ako eh.

“Bakit ka absent kaninang umaga?” tanong niya.

“Pinacheck Up tong paa ko.” Sabi ko na lang. Malapit na pala ang practical. Aisssh. Kailangan ko ng magpractice..

Pero.. bawal nga pala.

Nagkwentuhan lang kami. Ang bait niya talaga. Mabuti naman at may kaibigan na rin ako. Nakita ko namang napatingin sa akin si Krystal sa akin.

Kahit na may bago akong kaibigan.. si Krystal pa rin ang bestfriend ko.

Nagpatuloy ang klase na lumilipad ang utak ko. Bakit kapag nallate ako may nangyayaring di maganda?

Aissshhh.

***

[KAI]

Tinitignan ko si Kylie, lumilipad nanaman ang isip niya. Hay. Siguro nasaktan ko nga talaga sya..

Pero. Kailangan kasi.. Ayokong masaktan lang sya. Alam ko namng di pa ko nakakamove on kay Yuri.. At ayokong gawin syang rebound.

“Kai, ano problema ng girlfriend mo? LQ ba kayo?” tanong ni Taemin sa akin. Nagkaklase kami ng English at pinagalitan nanaman kasi siya.

Shut Up or I'll Kiss You [EXO] - EDITINGWhere stories live. Discover now