Chapter 40: Confirmation

3.7K 42 2
                                    

ADRIAN's POV

Nandito ako ngayon sa starbucks sa MOA. Kasama ko ngayon si ate dahil sabi niya may pag-uusapan daw kami. Kung anu yun? Hindi ko alam. Baka yung kagabi sa party dahil bigla na lang akong nawala. Natulog na nga lang ako sa condo ni Gab at hanggang ngayon ay hindi pa umuuwi.

"Rian..." seryosong tawag sakin ni ate kaya napatingin ako sa kanya.

"Bakit?"

"Gusto mo ba si Gab?"

Natigilan ako sa sinabi ni ate. Gusto ko ba si Gab? Alam ko sa sarili ko na HINDI. Pero bakit ako pumayag na mag-paligaw sa kanya? Dahil naawa ako sa kanya? Ang gulo.

"A-ate..."

"OO o HINDI lang ang sagot" sabi ni ate sabay inom ng chocolate cheap cream niya.

"H-hindi....ko alam" napayuko na lang ako.

"Masamang mag-paasa." napatingin ako kay ate.

Pinapaasa ko ba si Gab? Siguro oo kung hindi ko siya sasagutin. Pero kung sasagutin ko siya, anu nang mangyayari sakin? Hindi ko naman siya gusto at mahal ko siya bilang isang kaibigan lang.

"Naguguluhan ako ate"

"Pakinggan mo lang sinasabi nito" tinuro niya ang dibdib ko.

"Pero hindi ko maintindihan. =_____="

"Anu bang nararamdaman mo kapag kasama mo si Gab?"

"Masaya. Masaya ako. Kumportableng kumportable ako."

"Yun lang?"

"Oo ate. Yun lang"

"Hindi ba....bumibilis ang tibok ng puso mo?"



Bumibilis? Hindi naman.....diba?

"Yung kapag kasama mo siya parang kabayo na tumatakbo ang tibok ng puso mo. Hindi ka makahinga. May parang kung anu sa tiyan mo. Hindi mo ba nararamdaman yun?" dagdag ni ate.

Hindi ako kay Gab nakakaramdam nun......kay Clark. 

"Hindi ate" deretso kong sagot.

"Eh kay Ivo?"

"H-ha?"

"Anung nararamdaman mo kapag kasama mo si Ivo?"

I'm inlove with a ... LESBIAN?!Where stories live. Discover now