Chapter 4: Meet ate Jennifer

8.4K 91 4
                                    

JENNIFER's POV:

Hi, ako si Jennifer Stewart. Ako lang naman ang ate ng baby brother kong si Ivo. At siyempre ako ang kumuha sa kanya ng P.A. The day na tumawag ako kay mang Rony is the day nung nakipagkita ako sa highschool friend ko.

Ahmmmm, not a friend naman kasi talaga eh. Not highschool friend. Nag-sinungaling ako kay Ivo. BAKIT? Kasi makikipagkita ako sa ex ko na rival niya. BAKIT RIVAL? Siya na tanungin niyo. Kaya eto ako ngayon nasa coffee shop iniintay ang magaling kong ex! Bakit ba hindi ko matiis yun?!

Samantalang ang dami dami kong suitor na nag-papakamatay na kaka-intay na sumagot ako ng OO pag-inaya ako makipag-date eh samtalang siya isang tawag niya lang sakin at sabihing 'pede ka bang makausap?' eh mapapa-OO ako. Tsssssssss.

Nag-scroll lang ako sa cp ko ng maka-receive ako ng text. Galing kay Ivo? Hmmm. Baka dumating na yung P.A na anak daw ni mang Rony.

From: BABY BROTHERRRRRRRRRRRRRRRRR <3

HOY ATE! NANDITO NA YUNG P.A! BUWISET! TOMBOY PA HUH?! AT MUKHANG AMPON ATA TO NI MANG RODY! IBANG IBA! LALAKI PA SAKIN EH! LETSE! HINDI KO NAMAN MAGAWANG PALAYASIN KASI NAMAN MAHIRAP KUMUHA NG KATULONG! BUSET!

 

Abno talaga tong kapatid ko, hanggang ngayon 'Rody' padin ang tawag. Sabi na kasing RONY yun eh. Tssss. Wala na talagang pag-asa! PSH! Pero teka, to-TOMBOY?! The eff! I want to see that lesbian!

"Tulala ah."

Napa-angat ang ulo ko sa gwapong nilalang na nasa harapan ko. Umupo siya sa harapan ko at ngumisi sa akin. Ex ko ba talaga to? Gahd! Ang gwapo!

"H-huh? Nandiyan ka na pala" matabang na sambit ko sa kanya.

"Galit ka pa din ba? 5 years na ang nakakalipas ganyan padin?" sabi niya sakin.

Oo nga eh 5 years na, 5 years na walang akong ibang gawin kundi UMIYAK ng dahil sayong tarantado ka! Tapos ano?! Babalik ka nanaman, at eto ako natatanga nanaman na mahuhulog ulit sayo!?

"Hindi na ko galit sayo." sambit ko.

"Ow... I see. I want to tell you na hiniwalayan ko na si Isa para sayo because narealize ko na ikaw pa ang--" bago niya pa matapos ang sasabihin niya siningitan ko na. Ayoko na marinig ang kasinungalingan niya!

"I see, hindi ka pa rin nag-babago Adam, ganyan ka pa rin mang-bola. Sasabihin mo na mahal mo pa ang isang tao pero ang totoo you just wanna play with her. Then what?! Anung makukuha ko sayo?! Ang panloloko nanaman. Tama na! Hindi pa ba nagma-mature yang kokote mo? Hanggang ngayon STILL CHILDISH pa din? Magpa-doctor ka nga at ipa-check mo kung may sakit ka sa utak!" napalakas yung sabi ko kaya halos lahat nakatingin samin.

Ininom ko ang frappe ko at pinakalma ang sarili ko. I don't want to hear anything from him. Bakit pa kasi nakipagkita sa kanya? I want to clear somethings between us. That's it. Pero hindi ko akalain na ganto ang sasabihin niya!

 

"Don't speak shout okay?! Totoo to! Mahal pa rin kita, na-ipit ako sa situation before! My parents arranged me with her. Alam kong mahal niya ko, but I don't love her! Please! I LOVE YOU! Yun ang totoo! Maniwala ka naman sakin oh...Please..." sabay hawak niya sa kamay ko.

I'm inlove with a ... LESBIAN?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon