Chapter 20: Preparing

4.3K 40 1
                                    

GABRIEL's POV

Nag-lalakad ako ngayon papunta sa bahay ni ate Jennifer. Magpe-prepare na kasi ako para bukas. Birthday na kasi ni Adrian eh. Sana lang matuloy ang proposal ko at kung matutuloy sana tanggapin niya. Alam niyo ba kung anu yung sinabi sakin ni ate nung pumunta ako sa condo niya? Ganto kasi yun....

*FLASHBACK*

nandito ako ngayon sa tapat ng bahay ni ate. naisip ko kasi na humingi sa kanya ng advice at tulong sa gagawin kong surpresa sa birthday ni Adrian.

*ding dong*

Nag-door bell ako at hindi din naman nag-tagal nabuksan ang gate, lumabas si James at siya ang humarap sakin.

"Oh? Gabriel, anung ginagawa mo dito? Day off mo ngayon diba?" bati niya sakin

"Oo, pero hindi naman tungkol sa trabaho yung pinunta ko" pag-papaliwanag ko

"Tungkol saan naman?" tanong niya

"Mag-papatulong lang" nakaka-inis din tong si James minsan. -_______- Ang daming tanong! Tch!

"Pasok ka" buti naman at naisipan niya na kong papasukin

Pag-pasok namin sa loob nakita ko naman si ate na parang aligaga sa pag-basa ng isang folder. Andaming papel, folder at lapis dun. May laptop din, basta ang gulo!

"Jen si Gab" sabi ni James kaya napatingin sakin si ate

"Oh Gabriel? Bakit ka pumunta dito?" tanung niya

"Kuha muna ko ng kakainin niyo" umalis naman na si James

"Tara sa sofa" aya sakin ni ate, nag-nod naman ako at sumunod sa kanya. Umupo naman ako sa sofa.

"Ate Jen kailangan ko ng tulong mo" sabi ko. Pakapalan na ng mukha pero gusto ko talaga maging successful ang plano ko

"Tulong saan?" pagtataka niya

"Ate Jennifer kinakapalan ko na ang mukha ko para sana maging matagumpay ang plano ko. Mahal ko si Adrian ate, tulungan mo naman ako ate. Please, 2 weeks from now birthday niya na. Nais ko sanang mag-tapat sa kanya ng nararamdaman ko kaso gusto kong makisigurado na hindi papalpak ang plano ko. Please ate tulungan mo ko" nag-mamaka awa na ko sa kanya

Nakita ko naman na nag-buntong hininga siya.

"Anung tulong ba ang nais mo?" tanung niya

"Close kayo ni Rian hindi ba? Ganto yung plano, yayayain mo siya na pumunta sa bahay ko tapos sasabihin mo na na-aksidente ako. Then ayun pagkapunta niyo sa bahay close lahat ng ilaw at kandila lang ang nag-sisilbing liwanag. Nakapatong iyon sa dining table. Mag-didinner date kami tapos mag-popropose na ko sa kanya. Tignan mo to ate" kinuha ko sa bulsa ko ang infinity ring na binili ko para sa proposal ko

"WOW INIFNITY RING!!! *O*" sigaw ni ate

"Ibibigay ko yan sa kanya! ^_______^" tuwang tuwa na sabi ko

"Pero mali naman ata na lokohin mo siya. Panigurado, imbes na tanggapin niya yang proposal mo eh iiwanan ka lang nun. Baka pati sakin magalit yun" sabi ni ate

"Eh" napakamot ako sa ulo ko. Hindi ko naisip yun ha.

"Magpapa-party ako" cool na sabi niya

ANU DAW?! PARTY?! E-EH?! O_______________O

"E-eh?!"

 

"OO. 8:00 pm natin simulan, ako na ang bahala sa lahat. Tulungan mo nalang ako sa preparation. Ako na bahal sa mga bisita, sa damit na isusuot mo at niya. Ako na mag-babayad. Pag-patak ng 12:00 doon ka na-eeksena. Aakyat ka sa stage tapos tatawagin mo si Rian. Sasabihin mo lahat ng gusto mo, tapos luluhad ka at magpropose na."

 

 

Bakit ba ang talino ni ate? Hindi ko naisip yun!!! >O<

*End of FLASHBACK*

Alam niyo na? Ganun yung nangyari!!! Kaya eto ako papunta sa bahay ni ate para matulungan siya sa mga preparation.

Nakapunta naman na agad ako. Pinag-buksan na naman ako ni James ng gate at pinapasok. Pag-paosk ko sa bahay ang daming stylist ang nandoon. Nasa lima ata. Iba talaga ang mayaman.

"Oh Gabriel" hinila ako ni ate at nilapit dun sa limang stylist

"He's Gabriel, my friend. He's the one who will going to propose to someone" nagtawanan naman yung mga stylist

Naknang teteng naman oh! Nakakahiya! >O<

"He's handsome huh, I'm sure that girl will say yes" sabi nung isang stylist

Napayuko naman ako. Kinikilig ako, takte! Ang bading!!!

"let's start?" aya ni ate

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N:

Thank you po sa mga nag-babasa ng stories ko. VOTE COMMENT AND POST ON MY WALL. Be my fan na din. HEHEHE. Thank you talaga! :)

I'm inlove with a ... LESBIAN?!Where stories live. Discover now