Chapter 28: Vacation trip (part 2)

4K 51 0
                                    

IVO's POV

TAE! hindi ko maiwasan ang mapatingin sa kanya! Bakit ba kasi....bakit ba kasi...

BAKIT BA KASI ANG GANDA NIYA NGAYON?!

Well, ngayon lang naman....pero dati din...

AHHHHHHHHH!!!! ANU BA TONG NANGYAYARI SAAKIN?!

Wala akong gusto sa kanya diba?! May taste akong tao!

ADRIAN's POV

Kanina pa bumubuntong hininga si Clark. Nakaka-inis lang kasi napaka-suplado at sungit. Sinapian ata to eh!

Nakarating kami sa

TEKA WAIT?!

Akala ko ba sa Baguio kami?! O.o

"Clark akala ko Baguio tayo?" tanong ko sa kanya

"Madali akong matutuntun duon ni ate kaya dito nalang tayo" sabi niya sa akin at pinark na ang sasakyan

Gusto niyo ba malaman kung nasaan kami? Nasa Quezon lang naman.

Pinatay niya na yung engine ng sasakyan at bumaba na. Tinignan ko muna yung view at maganda naman, mukhang peace na peace.

Nakapagtataka lang at walang tao?

"Clark bakit walang katao tao dito?" tanong ko

"Lumang beach house namin eh"


Ah kaya pala. Binaba ko na yung mga gamit namin mula sa kotse. Mabigat siya actually. -_______-

Binuhat ko na yung mga malalaking gamit ni Clark! Tae lang! Mas madami pa siyang dala dala na gamit kesa sa akin eh! Yung totoo? Dito na ba siya titira?!

"Clark pa--AWWWWW!" bago pa ko makapasok sa loob nung beach house nila na luma natapilok ako gawa nung batong malaki na nakaharang. Siyempre di ko nakita kasi nga harang yung mga bagahe sa view. Tae! ARGH!

"Aberdeen!" narinig kong sigaw ni Clark

"Ang tanga mo naman halika nga dito" binuhat niya ko yung parang sa bagong kasal

"Te-teka lang--"


"Bakit kaya mo bang tumayo?"


Napaiwas nalang ako ng tingin kasi tama siya. Pumasok na kami sa loob ng beach house at nilapag niya ko sa may sofa. May kinuha siyang kung anu sa kusina at agad na bumalik sa tabi ko.

I'm inlove with a ... LESBIAN?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon