Chapter 39: Engagement Party

3.7K 42 1
                                    

IVO's POV

Nandito na ko sa bahay ng mga Lipez. Bakit? Kasi dito ginawa yung party. 7:30pm na at nag-sasalita na ang emcee pero sila ate wala pa din!

Nagulat na lang ako ng may kamay na biglang sumakbit sa braso ko. Pag-lingon ko si Isabelle. Tss.

"Let us call on Ivo Stewart and his soon-to-be-bride, Isabelle Lopes!"

Tinawag na kami nung emcee at nag-palakpakan naman na yung mga tao. Pagka-panik namin sa stage binigay nung emcee yung mic kay Isabelle.

"Goodeve guys! Hahaha! First of all thank you....." nag-simula ng mag-speech si Isabelle pero hindi ko siya pinapakinggan. Hindi ako mapakali at may hinahanap ang mga mata ko.

Nasaan na ba sila?! Kanina pa ko text ng text kay ate pero hindi niya sinasagot! Hindi ko naman pwedeng itext ngayon si ate kasi nasa harapan kami ng maraming tao.

Hindi ko namalayan na tapos na yung speech ni Isabelle. Narinig ko lang siyang mag-thank you tapos naalimpungatan na ko. Hihilahin ko sana siya pababa ng stage kaso sumigaw yung mga tao.

"Kiss!!!!"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Napa-irap ako at napabuntunghininga. Hihilahin ko na sana ulit si Isabelle pero hinila niya ang necktie ko na naging dahilan nang pag-hahalikan namin.

After 10 seconds bumitaw na din siya at nag-hiyawan naman yung mga tao. Hinila ko na si Isabelle pababa ng stage.

"HEY IVO WHAT'S THE RUSH?!"

Hindi ko na lang siya pinansin dahil may nahagip ang mata ko. Kung hindi ako nag-kakamali, si Aberdeen iyon at kasama siya ni ate. Ang ganda niya kaso bakit ganun? Parang ang lungkot niya?

Andaming tao, hindi ako makadaan. Lahat ng makakakita sakin binabati ako. Tss. Tae! Nasan na ba sila?!

After 1 hour nakalampas na din ako sa mga lecheng tao na yun! =__= At sa wakas nakita ko na rin si ate sa isang table at kasama niya si James. Nasaan si Aberdeen?! Lumapit ako sa kanila.

"Ate si Aberdeen?"

Hindi pinansin ni ate yung tanong ko. Nakayuko lang siya at parang na-iinis.

"Ate si Aberdeen?" ulit ko.

Pero taena hindi talaga ako pinapansin!!!! Huminga ako ng malalim at humarap kay James.

"Si Aberdeen?"

"Lumabas"

Lumabas? So nandito siya? Hays. Akala ko pa naman hindi siya sumama. Pero ayos lang nan---TEKA! NAKITA KAYA NIYA YUNG KANINA?! O_______O

ADRIAN's POV

"Bree!!!!!!!!" pang-ilang tawag sakin ni Gab pero hindi ko siya pinapansin. Tumatakbo pa din ako.

Hindi ko alam kung bakit o paano pero nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa nakita ko.

"Bree!!!!!"

Bakit ba ko nasasaktan ng ganito?! Tulo na ng tulo ang mga luha ko. Hindi ko na pinupunasan at hinahayaan ko na lang tumulo.

"Bree sandali!!!"

Kung saan saan na ko lumiko. Huminto ako sa may park. Buti na lang at walang tao. Napa-upo na lang ako sa may damuhan at binuhos ang sama ng loob ko.

"Bree..."

Ayoko na. Sobrang sakit. Bakit ganun?! May gusto ba ko sa kanya?! Hindi. Hindi. Wala diba? Wala akong gusto sa kanya.

IVO's POV

Isang oras.

Dalawang oras.

Tatlong oras.

Apat na oras.

Hanggang sa matapos walang ABERDEEN GARCIA ang nag-pakita sakin. Saan ba pumunta yung tomboy na yun?!

Kanina pa ko dito sa entrance pero wala talagang dumadating na Aberdeen! Lumabas na lahat ng tao dito at kami kami na lang nila ate ang natira. Sila mommy and daddy pati si tito at tita umalis na.

May tumapik sa balikat ko kaya napalingon ako. Si James.

"Hindi na siya dadating" sabi niya.

"Ah. Tss. Talaga yung tomoy na yun napaka-tamad! Siguro hindi na makapag-hintay matapos yung party kaya umuwi na."

"Kasama niya si Gab"

Napasinghap ako at niyukom ang mga kamao ko. Kaya naman pala umalis siya kasi kasama niya si Gab. Kaya naman pala wala siya dito kasi kasama niya si Gab. Mahal niya talaga si Gab ano? Sa bagay, ikakasal na rin naman ako kaya ayos lang yun.

Hangga't maarari pipigilan ko ang nararamdaman ko.

ADRIAN's POV

"Huhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuuhuhuhuhuhuhuhu"

"Tama na Bree..."

"G-Gab....huhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhu.....G-gab....huhuhuhuhu....b-bakit ganun?.....B-bakit masakit?!"

"B-Bree..."

"G-gab....s-sorry....huhuhuhuhuhuhuhu.....s-sorry Gab...huhuhuhu"

"*sigh*...gusto mo talaga siya?"

"G-gab...huhuhu....hindi k-ko alam"

"Alamin mo muna bago ka humingi ng tawad...Tahan na" niyakap ako ni Gab kaya niyakap ko na rin siya.

Gusto ko na nga ba talaga si Ivo o Mahal ko na siya?

****

A/N:

Sorry guys for late UD. Malapit na po matapos itong IIWL. 10 chapters na lang or less than 10. Hahaha. Basta. DON'T FORGET MAY BOOK 2 ito!!! Okay?! Huwag kayo mag-alala. Susubukan ko mag-UD ng mabilis. ^____^ VOTE | COMMENT | BE MY FAN. Thank you! :)

I'm inlove with a ... LESBIAN?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon