CHAPTER 9

159 2 0
                                    

“WHAT?! No. She will never inherit that company. Naibigay ko na sa kanila ang nararapat na dapat sa kanila.”

“Pero Sir, anak niyo pa rin siya.”

Kumalma ito. “Alam ko. Pero alam kong hindi magiging maganda ang epekto sa kumpanya kung sila ng kanyang ina ang mag-ma-manage nito. Nakapagdesisyon na ako, Yazmine.  Sa’yo ko ipagkakatiwala ang kumpanya dahil alam kong hindi mo ako kayang biguin.”

“Maraming salamat, Sir.” Niyakap siya ng matanda.

“Alam ko lahat-lahat ang tungkol sa’yo Yazmine. Kaya hindi ako nagdalawang-isip na sa’yo ko ipapamana iyon. At sa huling pagkakataon ibibigay natin sa kanya ang kasal na hinihingi niya.”

Napaiyak siya.

“Yazmine, hija. May problema ba sa sinabi ko?”

“Wala po.”

“Sigurado ka?”

Ngumiti siya nang bahagya at tumango.

NAGTUNGO si Yazmine sa opisina ni Tom. Kahit hindi niya itong kayang harapin, kailangan niya itong kausapin tungkol sa negosyo. Hindi siya dapat magpahalata dito.

“Good morning ma’am.” Bati ng sekretarya nito.

Tinanguan lang niya ito. “Nasaan ang boss mo?”

“Nasa opisina po niya ma’am. Pasok lang po kayo ma’am.”

“Okay, thank you.”

Kakatok na sana siya nang biglang narinig niya ang kanyang pangalan. Kilala niya ang mga boses na iyon. Boses ito ng mga kaibigan nito.

“Ano? Hindi mo pa rin siya, napapa-oo? An bagal mo naman.” Wika ni Harry.

“Oo nga naman pare, sa oras na makuha mo loob ‘nun ulit para ibigay sa’yo ang napakalaking proposal na iyon, sigurado makukuha mo na ang pinakahihintay mong posisyon.” Turan ni Chace.

Hindi ito sumagot.

Kaya pala napakabait nito sa kanya. Ang akala niya, ay mahal pa rin siya nito. ‘Yon pala ay ginamit lang siya nito sa pansariling inaasam nito.

Kahit kalian talaga Yazmine. Napakatanga mo sa pag-ibig.

Wari’y parang babatukan niya ang kanyang sarili.

Bago pa tumulo ang luha niya, tumalikod na lang siya. Hindi na niya kayang pakinggan pa ang mga susunod na sasabihin ng mga ito. Tama na ang nalaman niya. Ngayon napatunayan na niyang hindi nga talaga siya mahal nito. Siya lang ang nagmamahal dito. Naulit lamang ang kabiguan niya noon ten years ago.

PANSAMANTALANG nakalimutan ni Yazmine ang tungkol sa kanila ni Tom nang yayain siya ng mga kaibigan niya. Mukhang hindi lang siya ang may problema pati na rin ang iba sa kanila.

“Nagkita na kami Gabby.” Si Flordy.

“O bakit ganyan ang mukha mo? Mukha kang namatayan.” Si Emma.

“Hindi niya na ako kilala. Pagkatapos namin magsumpaan noon, nakalimutan na niya ako. Iba na ba ang hitsura ko?”

                “Hindi naman, baka nagulat lang.” si Reia

                “Ewan ko. Masakit sa ego ko ‘yon ha. ‘Kala niyo.” Humikbi ito.

                Nasa rooftop sila ng fashion company ni Flordy. Napag-isipan nilang magkaroon ng konting salo-salo. Kumbaga, reunion nila. Mabuti na lang at madali rin namang kausap ang mga ito kaya kompleto nanaman sila.

The Sentinels Series (Book 1):  Yazmine Montajes SWEET VENGEANCE [COMPLETED]Where stories live. Discover now