CHAPTER 3

191 4 0
                                    

“Ang lami-----g.” nanginginig na sabi ni Yazmine habang kumakain sila ng mga kaklase niya sa canteen. Lunes na lunes na bumubuhosang malakas na ulan.

                “Grabe no, ganito na talaga ang epekto ng climate change. Konting ulan napakalamig na.” wika ni Flordy.

                “Bongga may naimbestigahan nanaman ako kanina.” tili ni Nova.

                “Ano ba ‘yan? Dali.” si Emma.

                “Sandali!” nakataas pa ang dalawang kamay nito. “Flordy Luna, inhale and exhale. Ang iyong beloved Prince Charming na si Makoy Diestro at ang impakta niyang girlfriend ay break na. At Reia, si Chace ipinagkakalat niya na girlfriend ka daw niya.”

                “What?! Papatayin ko ang lalaki na ‘yon!” sigaw ni Reia sabay sa pagkuyom nang mahigpit sa bote ng mineral water na hawak nito.

                Napangiwi siya. Si Flordy naman tila lumilipad ang isip sa narinig. Silang mga na nanahimik ay pinagdidiskitahan na ng mga walang magawa sa school nila. Isa na rin siya doon. Wala siyang alam kung ano ang motibo ni Chace siguro ay may lihim ito at ang kaibigan niya. Si Flordy lang ang alam niya na matagal na nitong iniirog ang isa sa mga heartthrob sa campus nila. Si Makoy na napakataimik. Ewan ba niya kung bakit nagustuhan ito ng kaibigan niyang bungangera. Lahat pala sila ganoon din.

                Tumayo si Natalya.

                “Saan ka pupunta?” tanong ni Emma na may piaya pa sa bibig.

                “Call of nature. He-he.”

                “Sama ako.”

                “Ako rin.” Si Nova.

                Nagsitayuan nga silang lahat maliban kay Yazmine.

                “O Min, ikaw? Ayaw mo?”

                “Kayo nalang ‘di pa naman ako naiihi eh.” ngiting sagot niya.

                “So maiwan ka na lang muna dito?” si Reia.

                Tumango siya. Nagkibit-balikat na lang ang iba at nag-unahang magsitakbuhan sa Ladies Room. Ang mga kaibigan nga niya talaga. Isusubo na sana niya ang sopas na binili nang biglang may umupo sa harap niya.

                “Hi!” nakangiti ito.

                “TALAGA Tom? Nagkakilala kayo ng mama ni Yazmine?” hindi makapaniwala si Harry sa mga ikinuwento niya na nangyari nang nakaraang sabado.

                Marami siyang nalaman dito. Hindi siya makapaniwala na ang babaeng akala niyang nerd na walang pakialam sa paligid ay napakapasaway. Nerd nga ay tamad rin palang mag-aral ito. Walang pakialam sa paligid nito ay maraming alam na kuwento pala ito na umiikot sa campus nila. Kaya nga nag-aalala siya na baka alam nito na break na sila ng girlfriend niya at kung ligawan man niya ito, baka isipin nito na panakip-butas lamang ang tingin niya dito. Hindi niya maiwasang mabahala lalo na, na parang nagkakagusto na siya kay Yazmine.

                “Huy pare okay ka lang? Nakikinig ka ba? Mukhang malalim ang iniisip mo ah.” si Chace.

                “Ah wala.” sagot niya kay Chace. “Oo nagkakilala kami. Mabait nga si Tita Jhen. Hindi siya nagalit. Doon pa niya ako pinaghapunan sa bahay nila.” kay Harry.

The Sentinels Series (Book 1):  Yazmine Montajes SWEET VENGEANCE [COMPLETED]Where stories live. Discover now