CHAPTER 8

140 2 0
                                    

NAPABUNTONG-HININGA si Tom nang makasakay na siya sa kanyang kotse. Mukhang nawalan niya ng mga salitang sasabihin dito. Mabuti nalang at sandal lang ang pag-uusap nila dahil kung hindi, tameme siya dito at nakakahiya kung mangyari nga iyon.

Hinampas niya ang manibela para mawala ang panginginig niya sa katawan. Talagang natorpe siya dito. Hindiniya akalain na maapektuhan pa siya ng karisma nito sa matagal na panahon nilang hindi pagkikita. Napapikit siya nang mariin nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Pangalan ni Chace ang nasa screen, kabarkada niya.

“Hello Chace.” Walang gana niyang sagot.

“Matamlay ka yata. Nakapag-usap na ba kayo ni past mo?”

“Oo.”

“Kamusta? Ayos ba?”

“Ayos lang.”

“Sus. Alam ko na, hindi ka nakadiskarte ‘no?”

“Hindi. Napaatras ako pare. Natotorpe ako.”

“What? Kailan ka pa naging ganyan? Tom, is that you?” tumawa ito.

“Gago! Nasaan ka ngayon?”

Humagalpak ito ng tawa. “Mas gago ka! Dito pa ako sa opisina. Siyanga pala, gimik tayo mamaya pare para mawala panandalian ang pantasya mo dyan sa Yazmine mo.”

“Sira! Saan pa ba? Eh, ‘di kung saang maraming chicks. Call?”

“Sige call.”

“Nice. Tawagan ko lang si Harry.”

“Okay pre. Bye.”

“See you later pare.”

Nag-hang-out na ito.

NAPANGITI si Yazmine sa mga kaibigan niyang mga taklesa. Nasa bar sila kung saan si Icy rin ang nagmamay-ari. Kahit ito ang may-ari ng bar, nakisali na rin ito sa mga kalokohan nila. Malakas ng tugtog. Marami ang nagsasayawan sa dance floor. Nasa isang table silang pito.

“Hala sige, tagay pa!” Sigaw ni Natalya.

“Hoy akala mo kung sinong makasigaw. Isang bote nga lang nainom mo lango ka na!” kutya ni Nova.

“Aba, sige nga? Nagsabi ang matapang daw. Mukhang baliw na matandang-dalaga ka kung magwala eh. Parang nakawala sa mental.”

“Tse!”

“Oh tama na! Ang mabuti pa, magsaya na lang tayo. Cheers!” si Emma.

“Cheers!” sabay-sabay na sagot nila.

Light lang na beer ang tinungga niya. Kahit mataas ang alcohol tolerance niya, wal pa rin siyang tiwala sa katawan niya.

“O tara, sayawan na tayo!” si Flordy.

“Dali-dali.” Si Reia.

Nagsitayuan silang lahat. Matagal din silang nagsayawan mukhang nawiwili na siya. At dahilmedyo pagod siya, mukhang matutuluyan siya. Bahala na.

“HEY TOM! Relax. Mag-uwind muna tayo.” Tinapik ni Harry ang balikat niya.

“Lakas ng tama mo pare. Nagkita lang kayo, namumutla ka na.” kutya ni Chace.

“Ano bang pinagsasabi niyong dalawa ha.” Palusot niya.

“Naman Tom, halata ‘o.” sabat ni Harry na itinuro pa anhg kanyang mukha. “Tinamaan ka na pare.”

Umiling na lang siya at naunang tumungo sa bar at nag-order ng brandy. Hindi niya talaga alam kung bakit hindi niya maiintindihan ang nangyayari sa kanya nung makita niya ang magandang mukha ng dalaga umpisa pa lang nang pumunta siya sa party nito. Nababaliw yata siya dito.

The Sentinels Series (Book 1):  Yazmine Montajes SWEET VENGEANCE [COMPLETED]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें