CHAPTER 5

151 3 0
                                    

KANYA-KANYANG reaksyon ang mababasa sa mukha ng mga kaibigan ni Yazmine nang ibalita niya na sila na ni Tom.

Ngumiti lang siya. Expected niya ang ganitong sitwasyon dahil biglaan ang nagyari. Ikinuwento niya ang nangyari sa kanila ni Tom sa Tagaytay. Masaya rin siya dahil wala sa mga kaibigan niya ang tumutol sa desisiyon niya.

“Alam mo Yaz, okay lang kung kayo na ng Tomas na yun. Kung saan ka masaya, masaya rin kami.” Nakangiting wika ni Reia.

Kasalukuyang nasa Publication’s Office sila. Buong araw silang excuse para sa encoding ng kanilang mga articles.  Maaga pa ay nagtungo na sila doon. Hindi lang para makaiwas sa klase kundi sa mga kaklase nilang mga mababaw ang pag-iisip. Matalino nga sa academics dahil napabilang sa Class A, pero sa mga praktikal na bagay na nangyayari sa mundo ay makikitid ang mga utak. Pili lang siguro sa kanila ang mga open-minded. At sila iyon.

“Oo. Tama si Reia.” Si Natalya.

“Sabihin mo lang sa amin kung sinaktan ka niya dahil babaliin ko ang buto niya.” Wika ni Emma.

“Agree ako jan Emmz.” Si Flordy.

“Yeah. Tama. Ipaglaban ang karapatan ng mga kababaihan!” si Nova.

Nagkatawanan silang lahat. Nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Pangalan ni Tom ang naka-flash doon. Lumabas siya ng Office para sagutin ang tawag.

“Hello?”

“Hi, where are you?”

“Nandito ako sa Publication’s Office. May encoding kami. Bakit?”

“Kaya pala hindi kita nakikita pagala-gala.” Marahan itong tumawa. “Magkita tayo mamayang hapon, ha. Hihintayin kita sa parking area.”

“Okay.”

“Sige, bye. May pasok pa ako.

“Okay. Bye.”

MAY isang buwan na rin ang relasyon ni Yazmine at Tom. Pumupunta ang binata sa bahay nila. Magiliw rin ang pagtanggap ng kanyang ina kay Tom. Noong una ay nagulat rin ito pero sa huli ay tinanggap rin nito ang boyfriend niya. Lagi nitong pinapaalala ang limitasyon nilang dalawa at nauunawaan rin nila ito.

Palagi itong nagbibigay sa kanya ng bulaklak. Kung minsan may nakikita pa siyang chocolate sa locker niya. Inihahatid sundo siya nito. Kinikilig naman ang mga kaibigan niya.

Habang hiihintay nila ang kanilang class adviser na si Miss Carmen, naisipan niyang mag-review muna ng mga lessons niya.

“Good morning class.” Biglang dumating ang adviser nila. May kasama itong hindi naka-unipormeng babae na sa tingin niya ay kaedad nila. Napailing siya dahil thirty minutes late nanaman ito. Palagi na lang late ito.

“Good morning ma’am.”

“Okay class. I want to introduce to you your new classmate. Ms. Icy Belen. Ms. Belen, you may now choose your seat.” Nakangiting inilahad ng adviser nila ang mga bakanteng silya sa room nila. Umupo ito sa bakanteng silya sa tabi ni Nova.

“Hi!” bati nito sa kanila.

“Hi, I’m Nova Cyvalles.” Kinamayan ito si Icy.

“Ma. Immaculate Concepcion Apolinario, Emma for short.”

“Flordy Luna Melendez. Flordy for short.”

“Andreiawen Montealegre. Don’t call me Andy. I prefer Reia.”

“Natalya Amparo.”

“Yazmine Montajes.”

Nakangiting binati nila ito. Napakabait nito. Kung makapag-usap ito sa kanila, mukhang makakasudo nila ito. Yung likes at dislikes nito ay kapareho sa prinsipyo nila at ang pinaka maganda dito ay adik rin ito sa Girls’ Generation na Kpop group. Umpisa nung araw na iyon ay napagdesisyunan na nilang mga The Agent na isama ito sa grupo. Mukhang naging komportable agad ito sa kanila.

The Sentinels Series (Book 1):  Yazmine Montajes SWEET VENGEANCE [COMPLETED]Where stories live. Discover now