CHAPTER 6

152 2 0
                                    

“Oh my Gosh!”

Tilian ng mga sa loob ng classroom. Nakikinig lang si Yazmine sa paligid. Alam niya kung ano ang dahilan ng mga ingay sa classroom nila. Pumasok doon ang mga heartthrob ng kanilang eskuwelahan para umalay ng bulaklak sa mapupusuan ng mga ito. Pilit pa rin niya tinatago ang mukha niya at nagkukunwaring tulog nang biglang may umupo sa tabi niya.

          She knows that scent very well. The one who captured her heart. The only one she loves. Pilit niyang pinipigilan ang luha niya. Nanginginig siya. Biglang may kamay na tumuntong sa likod niya na parang kino-comfort siya.

                “Yazmine, I know that you knew I’m here. Get up and face me, please.” Pakiusap nito sa kanya.

Ito nanaman ang mga boses nitong puno ng sinseridad. Hanggang ngayon, kahit anong pagmamatigas niya ay bumibigay pa rin ang puso niya para dito.

Bumangon siya. Nagbabadya pa rin ang mga luha niya.

“Hey, don’t cry.” Ngumiti ito sa kanya. Binigay nito sa kanya ang dala nitong rosas na may kalakip na invitation card.

“What’s this?” Hindi siya makapaniwala sa nakita.

“Obviously it’s  a rose.” He chuckled. “And that rose belongs to you.”

“Then?”

“I want you to be my girl for the Prom. This is the last time I will ask a favor. Ga-graduate na ako by next month. And I want that night to be memorable.  Please accept it. It’s just friendly invitation. Hindi ko naman kaya na ipagpilitan ang sarili ko.” Pilit na ngiti ang ibinigay nito sa kanya.

“Okay. For the last time.” Masakit pakinggan ang huling sinabi niya. Para kasing ang gabi ng prom ay gabi na rin ng pamamaalam nito sa kanya.

Napangiti ito. Yayakapin sana siya nito nang biglang sinenyasan niya ito na huwag ituloy ang gagawin. Siguro nabigla lang ito.

“Sunduin kita sa Friday.”

“No. Huwa---.” Naputol ang kanyang sasabihin nang ilapat ni Tom ang daliri nito sa labi niya.

“No more further arguments. Sa ayaw mo at sa hindi, susunduin kita. Don’t worry, it’s just a friendly offer.”

Tumango lang siya.

Ngumiti ito at tumayo.

JUNIOR and Senior Prom. Ito na yata ang isa sa mga inaabangan ng mga estudyante kapag nasa high school. Dito lumalabas ang mga tunay na kulay. Love is in the air, ‘ika nga. At napakaganda ng timing ng prom nila. Bisperas ng Valentine’s Day.

Ready na si Yazmine. She was wearing a red night gown. One sided strap ito na may disenyong petals ng bulaklak. Bagsak lang ito at malamig sa katawan. Ang buhok naman niya ay inspired by Seohyun ng Girls’Generation sa music video nitong The Boys. Siya lang ang nag-make-up sa sarili. Ayaw kasi niya sa iba, nagmumukha siyang drawing, kung hindi naman ay parang bakla.

Biglang bumukas ang pinto. “Anak? Ready ka na?”

“Opo ma.”

Ngumiti ito. “Good. Nandiyan na si Tom sa sala kaya bumaba ka na.”

Tumayo na siya at lumabas ng silid. Habang pababa siya ng hagdan, unti-unti niyang nakikita ang mukha ni Tom na nakatingala sa kanya. Mababasa sa mukha nito ang paghanga sa kanya.

Nilapitan niya ito.

“O bakit ganyan ka makatingin?”

“You’re beautiful.”

The Sentinels Series (Book 1):  Yazmine Montajes SWEET VENGEANCE [COMPLETED]Where stories live. Discover now