AUTHOR'S NOTE

5.4K 59 9
                                    





Naniniwala ba kayo na kapag hindi nadaan sa gamot at negative naman mga result ng nararamdaman niyo sa doctor nagpapatawas kayo?



So diba nakuwento ko no'ng Wednesday April 24 na galing nga ako ng rheumatologist sa heart center. Aside sa costochondritis na alam kong meron ako mero'n din pala akong trapezius strain which is severe ang akin.



Pero no'ng Thursday April 25, nagpa home service ako ng massage kase masakit pa din talaga dibdib ko saka balikat hanggang likod. Then kakuwentuhan ko na yung therapist kase nga regular client ako ng spa nila. So chinika ko sa kanya nangyari sa akin then sabi niya. "Maam eto ah bumili ka pa nitong kutson sa uratex na parang minamassage ka kapag nakahiga ka tapos galing kang doktor at umiinom ng gamot. Lagi ka din nagpapa-massage na parang weekly na pero same pa din pakiramdam mo at masakit sayo. Bakit kaya hindi mo i-try na magpatawas?"




So ako naman naisip ko yon kase wala naman kako mawawala kung susubukan diba. tapos sabi ko aayain ko kuya ko para kako siya ang magdrive kase sa Q.C pa kilala namin na nagpapatawas. Tapos bandang 8 ng gabi ng araw na din yon Thursday maaga ako humiga sa kama para maaga nga matulog dahil masama ang pakiramdam ko, pina charge ko na din phone ko sa anak ko. So patay ang ilaw sa kuwarto namin dahil di ako nakakatulog ng bukas yon tapos sabi ng anak ko iihi daw siya sa baba so sabi ko sige at bilisan niya lang dahil may pasok nga siya kinabukasan.




Alam niyo bang pagsara ng pinto ng anak ko nakakita ako ng babae na nakatayo sa may paanan ko, as in. Kita ko talaga kase bukas yong ilaw sa kuwarto ng ate ko na katabi lang ng kuwarto namin. Pag bukas kase ilaw sa kabilang kuwarto lumulusot sa amin yung liwanag dahil sa exhaust fan. Nasa kuwarto ko kase yong aircon tapos para umabot sa kanila yung lamig nagpalagay ako ng ganon.




Diyos ko napapikit na lang ako talaga tapos nagdasal ako ng Our father, hanggang sa hindi ko madilat mata ko. Eh diba pag ganon daw na hinayaan mo na huwag dumilat madedeads ka? So pinilit ko talaga dumilat hanggang sa huminga ako ng malalim tapos napa buntong hininga na lang ako ng malakas hanggang sa makadilat talaga ako saka ko sumigaw at tinawag anak ko.




Grabe talaga ang takot ko kase nakita ko talaga siya naka black tapos mahaba buhok pero walang mukha. So kahapon ng tanghali kinuwento ko nangyari sa akin nong huwebes sa kapatid ko pagdating niya sa work. Eh di nagtakutan na naman kami dito kase may incident na nakakakita kami late last year ng orbs spirit sa cctv dito sa bahay.



Tapos tinawagan ko yung family friend namin na nakakakita sa mga entity na hindi natin basta nakikita. Nag video call kami tapos kinuwento ko lahat ng nangyari sa akin this april tapos pinaano niya dalawa kong kamay sa harap ng camera at yon nga hindi daw pantay yung daliri ko na maliit kaya ibig sabihin may something nga daw na umaano sa akin. Pero sabi ko bakit ako? I mean hindi nga ako lumalabas ng bahay eh, tapos may ganyan pa. Saka sabi ko pa nakakaramdam lang kami ng kakaiba simula ng mamatay ang tatay namin last year. Then sabi niya iba kase aura ni tatay no'ng buhay pa, matapang at very alpha. Tapos nag suggest siya na magsuot ako ng scapular at magpa blessing nga daw kami ng bahay.





Friday ng hapon kahapon din nagpunta kami sa U.P don kase kami dati nakatira para kako sure lang if totoo sinabi ng family friend namin. First ko magpatawas sa buong buhay ko  at yon din same din ang sabi ng nagtatawas meron nga talaga na nag-aano sa akin na hindi nakikita. So bago kami umuwi dito sa montalban bumili kami ng scapular sa St. Peter tapos pagdating dito sa bahay nag insenso ako saka nagsaboy ng holy water.





Since kahapon hindi na din kami nagpapatay ng ilaw🤦‍♀️ pero gumaan gaan na pakiramdam ko unlike these past few days. May sakit pa din sa balikat ko pero keri keri na. Pero napapaisip talaga ako na puwede pala yong ganon no? Kase akala ko talaga nasobrahan lang ako sa pagod kaya nagpatingin ako sa doktor pero hindi na pala. Nagpa chiropractic pa nga ako saka therapy pero hindi din gumaling eh.



So yon lang takot na tuloy ako pagdating ng gabi🤦‍♀️ pero huwag ko daw ipakita na takot ako, nag inseso din ako kanina at mukhang magiging araw-araw na naman to.

M.V series 02 Wilde Hawk WinstonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon