CHAPTER 21

5.2K 178 13
                                    


I'm back! Yong libro po mamaya pa lang ipapadala sa akin, lalamove po yon kaya makukuha din naman tonight. Nag-bakasyon din po kase ang may-ari ng paperink kaya na-delay, umuwi po no'ng holyweek. Anyway post ko po sa fb if may sobra!











"Nice meeting you Ms. Kapitana, I am Dax Cyrus." Pagpapakilala ng lalaki sa maliit na babaeng nasa harapan niya na sabi ng Mommy niya ay Jesylyn nga daw ang pangalan. 



Wala naman akong nagawa kung hindi tanggapin ang pakikipag-kamay ng lalaking ito. Hala ka sila lang ba ni crocs ang magkapatid? Pati kase 'to ay matangkad pero mas matangkad pa din ang Kuya niya. "D-Dax?" At parang gusto kong bawiin ang tingin na ginawa ko pero bumaba na kase 'yon sa ano niya. Hala ka! Ang bastos mo sa part na 'to Jessy! "Charot lang ngayon lang kase ako nakakakilala na ang pangalan ay Dax, nice meeting you!" Bigla kong bawi, nakakahiya dahil nandito pa sa harap ko si Misis Winston. At baka isipin niya na kababaeng tao ko pero manyak ako at iba ang inisip ko ng marinig ko ang pangalan ng anak niya. 



Natawa naman ang mag-ina sa dalaga. "O siya do'n muna kami sa loob iha at mamaya pa din uuwi si Wilde." Sabi ng ginang. 



"Sige po Tita maraming salamat po ulit sa madami niyong pa-lechon dito sa baranggay. Basta mamaya po labas kayo ha, dito po ang boodle fight sa street natin." Sabi ko at iniwas ang tingin sa Dax na 'to, kung bakit kase gano'n naman ang pangalan niya? Kung hindi lumilipad, ibon naman ang pangalan ng magkapatid na Winston na 'to. 



"Sige iha, we will try." Ani ni ginang Winston at saka inaya na ang bunsong anak na pumasok ulit sa loob ng bahay. 



Naging busy na si Jesylyn sa mga sumunod na oras, inimbitahan niya ang kaibigan niyang si Misty Faith at pati na din ang asawa nito na si Carlos. At talaga nga namang daan-daang ka-baranggay niya ang dumalo sa pa-boodle fight na ginawa nila. At tuwang-tuwa ang mga ito dahil sa dami ng lechon na nakahain. Hindi din naman kase mangyayari ito kung hindi na din sa tulong ng mismong mga nakatira sa kanila, ang mga ito kase ay may dala din na pagkain para sa araw na 'to. Halos ilang oras din ang tinagal ng pa-boodle fight nila at pagkatapos naman no'n ay nag-umpisa na ang street party kung saan may bandang tumutugtog sa ginawa nilang stage at kung saan puwedeng manood ang mga taga baranggay at maki-party. 





   "Wala pa ba ang Kuya mo Dax? Aba piyesta ngayon dito sa inyo tapos wala siya." Sabi ni Carlos sa kapatid ng kaibigan niya, sa pagkakaalam niya ay limang taon ang tanda ni Wilde dito. 



"He went in Manila pero sabi niya kanina kay Mommy ay pauwi na daw siya." Sabi naman ng binata, this is the first time he celebrate a fiesta. His mother actually convince him because he don't want the province life like his brother. Doon niya lang talaga gusto sa Manila pero para daw sorpresahin ang kapatid niya ay sumama na lang din siya. Hindi din kase alam ng kapatid niya na nakauwi na siya ng Pilipinas. At hindi niya inaasahan na masaya naman pala ang ganito lalo pa at parang nagkaroon talaga ng street party gaya ng kadalasan na nae-experience niya no'ng nasa Germany pa siya. 



"I see." Tatango-tango na turan ng haciendero na tiningnan pa talaga ang oras sa suot na rilo. Pasado alas syete na din ng gabi at gaya ng sabi ng asawa niyang si Misty ay dito daw muna sila. Kaya heto habang nasa labas sila ng bahay ng mga Winston ay umiinom sila ng beer ni Dax. "Anyway nakilala mo na ba si Jessy?" 



"Jessy? You mean 'yong maliit na babae na kapitana nitong baranggay na 'to?" Ani ni Dax, wala kaseng bukambibig ang Mommy niya kung hindi tungkol doon kanina. And now he really got curious about her dahil pati itong kaibigan ng kapatid niya ay tinanong din siya tungkol doon.



"Yes, and kapitbahay lang siya ng Kuya mo." Sabi pa ni Carlos na tinawag naman si Jesylyn ng mapalingon ito sa kanya. At gaya niya ay may hawak din itong beer ngayon katulad ng mga taga-baranggay. They enjoying the good music from the band who singing right now, and he really like this kind of celebration. At hindi niya ipapagpalit ang simpleng buhay dito sa probinsiya kumpara sa magulong buhay sa syudad. 



Nagpaalam naman ako sa kausap kong baranggay kagawad at saka nilapitan sila Carlos, my friend Misty is holding a can of juice knowing she's pregnant she can't drink liquors anymore. 



"Si Mrs. Winston nasaan?" Tanong ko ng makalapit sa gawi nila Carlos kasama nito ang kapatid ni Wilde na sa tangkad nito ay talaga namang makikita mo kahit marami pang tao ngayon dito. At siya tuloy ang isa sa usap-usapan dito paano ba naman good looking ang lalaking 'to tapos kapatid pa ng congressman so meaning may sinabi din 'to sa buhay. At tuloy pati ako ay na-curious sa kung ano bang ginagawa nito sa buhay. 



"Nasa loob, she will not join here. You know sign of aging." Kibit balikat na sabi ni Dax, isa pa hindi din niya din hahayaan na lumabas ito dito dahil maraming tao and for safety purposes na din. 



Tsk, tsk, pakatay tayo diyan englisero din pala katulad ni Wilde ang kapatid niya na ito. "Wala pa si Congressman ah, sana nandito siya." Sabi ko pa, hello nasa Pilipinas ka boy kaya ikaw ang mag-adjust mag-tagalog. Tinext ko nga ulit 'yon si crocs kani-kanina pero ang walanghiya hindi yata alam ang salitang reply. 



"Pauwi pa lang siya, pero aabot naman 'yon dito." Sagot ni Dax sa dalaga na  nabubulol pa kapag nagta-tagalog.  



Tinawag naman si Jesylyn ng mga ilang ka-baranggay niya na nag-kukumpulan kaya nagpaalam siya kila Carlos at nilapitan ang tumawag sa kanya. At heto na nga, inalok na naman siya uminom pero hindi ng beer kung hindi ang kilalang alak dito sa bayan ng Colores na lambanog. At dahil nahihiya naman siyang tumanggi ay ininom niya ang inabot ng mga kapitbahay niya sa kanya.



"Wag kang tanggap ng tanggap ng alak Jessy, mamaya malasing ka na niyan." Saway ni Misty sa kaibigan. Katatapos lang nito sa isa tapos may tumawag na naman dito na isa pang grupo at pinainom ulit ito. 



"Keri lang, nandiyan naman kayo ni Carlos para hilahin ako papasok ng bahay." Tatawa-tawa na sabi ko. 



  Halos isang oras pa ang lumipas bago nakarating sa baranggay Mayumi si Wilde at dahil maraming tao sa street kung saan ang bahay niya ay wala na din siyang magawa kung hindi bumaba sa kanto para maglakad. Hindi na kase makakadaan pa ang sasakyan dahil sa dami ng tao. At halos lahat ng mga ka-baranggay niya ay binati ng makita siya, he went in Manila. Pinatawag kase ang mga congressman sa konggreso at heto nga inabot na siya ng gabi sa pag-uwi. Halos limang oras din kase ang biyahe mula Maynila hanggang dito sa kanila. 



Everyone seems like in partying mood, malakas ang tugtog at halos lahat ng nadaanan niyang tao ay nagkakasiyahan. Nandoong alukin pa nga si Wilde na uminom ng alak. Pero magalang naman niyang tinanggihan 'yon dahil wala pa siyang kain simula kanina. Isa pa nagmadali talaga siyang umuwi dahil nandito nga ang Mommy niya. But he looked surprised when he saw from a far his brother, dahil hindi naman sila nagkakalayo ng tangkad nito at tanda pa din naman niya ang pigura nito kahit ilang taon na din niya ito ng huling makita. At para makasiguro na ito nga ang nakikita niya sa tapat ng bahay nila at hindi siya namamalikmata dahil imposible naman na nandito ito ay binilisan niya pa ang paglalakad. Pero hindi nga siya nagkamali at lalong hindi siya natuwa kung sino ang kausap ng kapatid niya dahil walang iba 'yon kung hindi ang kapitbahay niyang si Jesylyn na may hawak pang bote ng beer at sumasayaw-sayaw. 



"JESYLYN!!" Ang malakas na boses na 'yon ni Wilde ang umalingawngaw kasabay ng malakas na tugtog sa paligid. 




#maribelatentastories


M.V series 02 Wilde Hawk WinstonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon