CHAPTER 15

5.2K 139 10
                                    






Hi! Chapter 08 na po kami sa Arrow's property, on going pa din po sa patreon apps and vip group!




And sa mga nag-order po ng books this coming week po ang dating sa akin.









I want you to play my body whenever and however you want Congressman.

Napaayos si Wilde ng upo matapos niyang mabasa ang text message na pinadala sa kanya ni Jesylyn, hindi niya na alam ang maliit na babaeng 'yon kung sakit ba sa ulo o sa puson niya. He kept texting her like this since she got his number from his friend Carlos. At wala talaga itong magawa kung hindi inisin siya sa araw-araw na ginawa ng Diyos. At kuhang-kuha naman nito ang inis niya dahil napipikon din talaga siya agad, pinagsabihan niya pa nga ang kaibigan na dapat hindi nito binigay sa kapitana na 'yon ang number niya pero 'yon tatawa-tawa lang din si Carlos.





Liked last time she texted him like this. "Kumain ka na ba? O ako ang gusto mong kainin?" and he was in the middle of meeting when she texted him like that at nakakapikon talaga lalo pa at nag iba ang timpla ng katawan niya. Kaya mamaya lang talaga 'to pag-uwi niya, pupuntahan niya ito at pagsasabihan.







  Binati ko ang dalawang kampo ng nagrereklamo dito sa baranggay, ngayon sila naka-schedule na magkaharap kaharap ako. At ewan ko ba at pati ako ay nadadamay sa mga gulo nila kahit ako na mismo ang lumalayo sa away. Pero siyempre bilang punong baranggay ay kailangan ko din talaga pag-ayusin ang mga nag-aaway dito sa lugar na nasasakupan ko lalo na kung kaya naman resolbahin ang problema at hindi na palakihin pa. 





"Nananadya ho 'yan Kapitana, aba't talagang nagsisiga ng basura kapag nakita niya kong nagsasampay ng mga nilabhan." Reklamo ng may edad ng babaeng nasa kaliwang bahagi ni Jesylyn. 





"Hindi naman sa gano'n Kapitana saka hindi naman basura ang sinusunog ko kung hindi mga dahon." Pangangatwiran pa na sabi naman ng nirereklamo na nakaupo sa kanang bahagi ni Jesylyn. 




Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa ibabaw ng lamesa at hinayaan muna silang magsalita. Napaka-simpleng problema lang pala pero umabot pa talaga sila dito sa baranggay. "Misis may ordinance ho ang baranggay na bawal mag-sunog ng basura o kahit dahon pa 'yan lalo na sa mga residential area katulad ng sa inyo dahil may multa po 'yan." Paliwanag ko sa kanilang dalawa, they both on their fifties at 'yong mga ganitong edad din talaga 'yong mahilig sa pakikipag-talakan at bardagulan eh. "At ipapaliwanag ko lang po ulit okay?" Tiningnan ko ulit silang dalawa bago nagsalita.  "Mero'n po tayong republic act 9003 o ang ecological waste solid waste management act na nagsasabi na hindi puwedeng magsunog ng kahit anong basura o kaya ano pa man 'yan dahil 'yon ang nagiging sanhi ng air pollution. Hindi po ibig sabihin na nasa probinsiya tayo ay ayos na 'yan lalo pa at residential ang lugar niyong dalawa."




Napaismid naman ang nirereklamo na babae at saka tumingin kay Jesylyn. "Sige ho Kapitana hindi na 'to mauulit." Parang guilty pa na sabi nito.




"Wag na kayong mag-away na dalawa ha? Dahil kapag naulit pa 'yong habulan niyo hindi na tanod ang ipapadala ko kung hindi mga pulis." Sabi ko sa kanilang dalawa, naghabulan kase ang dalawang 'to noong isang araw. 'Yong isa may hawak na itak ito namang isa 'yong ginagamit na palo-palo kapag naglalaba.





Hinatid pa ng tanaw ni Jesylyn ang dalawang kampo sa labas ng baranggay hall nila. Mabuti naman at nagka-patawaran ang mga ito, ganito lang naman madalas ang mga away na pinag-aayos niya. Mga away magkapitbahay na napaka-normal naman na sa kanya simula ng maging baranggay chairman siya. And she's happy actually everytime they made them united. Masarap kase sa pakiramdam na wala kang kaaway at nakikita mo na nagkakaisa ang nasasakupan mo.





Niligpit na niya ang kanyang gamit, it's almost six in the evening and she's about to go home now. Walking distance lang naman ang bahay niya dahil dalawang kanto lang mula sa baranggay hall 'yon. But Jessy was surprised when she saw her neighbor Wilde outside.




"Uy Congressman ikaw pala! Aba himala yata at napadaan ka dito sa baranggay hall namin." Nakangiti kong sabi, siyempre hindi ko siya puwedeng tawaging crocs dahil may mga tanod sa paligid. At talaga nga naman oo gabi na at lahat pero ang bango pa din ni Congressman!





"Yes I really go here Kapitana, may irereklamo kase ako." Sabi naman ng congressman na nakatingin ng maigi sa dalaga. She's wearing again a baggy clothes and finally saw her after few days. Busy kase siya nitong mga nakaraan sa munisipyo dahil may mga batas siyang gustong maipasa sa kamara.





"Irereklamo? Sino bang irereklamo mo?" Tanong ko naman, naku mukhang may kaaway si Winston ha.





Nilapitan ni Wilde si Jesylyn. "Who else? Of course it's you. Bakit ba ang hilig mong magpadala ng kung anu-anong text sa akin ha? Hindi man nagku-krus ang landas natin pero text ka naman ng text sa akin." Pabulong na sabi niya dito.





Hinila ko naman siya papunta sa may kotse niya, loko 'to ah. Ako irereklamo niya? "Bakit anong masama kung itext kita? Buti nga text lang eh at hindi kita tinatawagan."




"I can file a grave threat to you Jessy, and I can easily do that. Puro malilisyoso din ang mga text mo sa akin at hindi 'yon maganda." Sabi pa ni Wilde, mabuti na 'tong malaman ng dalaga na hindi siya natutuwa sa mga pinapadala nitong mensahe sa kanya.





"Grave threat, grave threat tigilan mo nga ako crocs baka kamo tinitigasan ka lang kaya ka nagagalit."



What the--- Napahawak tuloy si Wilde sa kanyang beywang habang nakatingin kay 4'11.




Kumaway naman ako sa limang tanod na nasa labas ng baranggay hall bago ulit tiningnan si Wilde. "Magaling na ang kiffy ko Congressman kaya puwede na ulit." Pang-aasar ko pa, wala naman siyang sakit sa puso kaya keri lang na inisin.




Wilde got irritated on what she said. Hindi na masakit ang kiffy ha? At puwede na ulit? Tiningnan pa nga siya nito mula ulo hanggang paa habang nakangisi. Pero wala na siyang nagawa kung hindi tawagin ulit ito dahil naglakad na ito palayo. "Jessy!!!"



This is my completed and pay to read story in vip group and Patreon apps! Dm me on my fb page how to join!


##maribelatentastories

M.V series 02 Wilde Hawk WinstonWhere stories live. Discover now