CHAPTER 08

5.9K 155 12
                                    






Hininto ni Wilde ang sasakyan sa tabi ng kalsada ng magising si Jesylyn at umpisahan na talakan siya nito. 



"Baba, baba na Jessy dahil ikaw na nga ang sinabay ko pauwi pero ikaw pa talagang may ganang magalit sa akin." Seryosong sabi ng congressman na napipikon na naman sa dalaga. Kung ayaw nitong sumakay sa kanya, e di huwag! She can freely get out from his car in the first place. 





"Bakit kase hindi mo man lang ako ginising, saka paano 'yong sasakyan ko do'n? Sinong kukuha no'n aber?" Muli ko nga siyang hinampas sa inis ko, nagising kase ako dahil malamig. At heto nga at nasa sasakyan niya pala ko. 





'Kung 'yong sasakyan mong kakarag-karag lang pala ang iniisip mo nandoon 'yon kila Carlos at sigurado naman akong walang magtatakang karnapin 'yon." Sabi ni Wilde, kung makaalala naman ito sa sasakyan nito akala mo naman talaga ang ganda-ganda. Eh puro kalawang naman at luma na.




"Wow ang galing talaga ng mga salitaan mo ano? Kakarag-karag ka diyan." Hinampas ko nga siya ulit, second hand ko 'yon binili pero hindi naman ibig sabihin na panget na ang sasakyan kong 'yon. Talagang maganda lang itong kanya kumpara sa akin. 



"O bakit totoo naman ah, kakarag-karag naman talaga 'yong sasakyan mong 'yon dahil ilang beses ko ng nakitang tumirik 'yon. And it's only for short people like you, I even don't fit on that car." Sarkastiskong sabi ni Wilde. "Sige na bumaba ka na ng sasakyan ko at bahala ka bumalik sa hacienda ni Carlos para kunin 'yong sasakyan mong bulok!" He even opened the lock of the door on her side, sigurado naman kase siyang hindi ito bababa ng sasakyan niya dahil wala na din naman itong masasakyan ng ganitong oras. At lalong nakalayo na din sila sa hacienda ni Carlos kaya matatakot ito na maglakad mag-isa. 





Pero 'yon ang akala ni Wilde dahil talagang bumaba ng sasakyan niya ang dalaga at pabagsak pang sinara ang pintuan ng sasakyan niya. At lalo lang siyang nainis dahil akala niya ay hindi ito bababa, hindi din naman niya ito puwedeng iwan dito mag-isa dahil kargo niya pa kung anong mangyari dito. 





"Hey, hey, hey bumalik ka nga dito Jessy." Ani ni Wilde na inatras ang sasakyan para maabutan ito, ang liit-liit pero ang bilis din talaga maglakad. At partida pa lasing pa ito sa lagay na 'to. 





Pero hindi ako nagpatinag, sabi niya bumaba ako ng sasakyan kaya bumaba talaga ako. Akala niya yata ay hindi ako susunod pwes nagkakamali siya! 





"Tangina talaga, oo!" Pikon na sabi ng congressman at saka lumabas ng sasakyan matapos igilid 'yon. 




Nagulat na lang si Jesylyn ng may biglang humaklit sa beywang niya. 




"Ano ba?" Singhal ko kay Wilde ng hawakan niya ako sa beywang ko. Kung maka-haltak akala mo isa lang akong manika eh.






"Ang tigas talaga ng ulo mong 4'11 ka!" Ani ni Wilde na binuhat ito pabalik sa sasakyan niya. Wala siyang mahabang pasensiya sa pag-iinarte nito dahil gusto niya ng umuwi. 





"Sabi mo bumaba ako tapos ngayon pasasakayin mo naman ako ulit dito." Naku talaga kung puwede lang bigyan ko siya ng suntok de gulat ginawa ko na. 





"Wag ka ng makulit okay? Bukas mo na kunin 'yong sasakyan mo dahil malayo na din tayo kila Carlos. Saka baka kung ano pang isipin nila dahil hinayaan kitang bumalik do'n." Sabi pa ni Wilde na hinahayaan na lang din ang dalaga na hampas-hampasin siya. Kung iba lang talaga 'to iiwan talaga niya 'to dito sa tabing kalsada at bahala na 'to sa buhay niya. Pero siyempre siya kase ang alam nila Misty Faith at Carlos na kasama nito kaya kung ano mang mangyari dito kung hahayaan niya lang ay siya ang matatanong. At ayaw niya ng problema, ayaw niya. 





"So makulit ako gano'n ba?" Tanong ko sa kanya, pero hindi ko naiwasang mapalunok ng maamoy siya ng abutin niya 'yong kabitan ng seatbelt. "Teka, ang bango mo Wilde!" Sabi ko pa at talagang mas hinila pa siya palapit sa akin. Bakit ganito? Nakainom din ang lalaking 'to diba? Pero bakit ang bango? Bakit amoy johnson and johnson na pulbo! "Ang bango mo." Sabi ko pa ulit na nilanghap-langhap 'yong amoy niya sa may leeg. Ang daya talaga bakit siya mabango?





"Jesylyn!" Tawag ni Wilde sa pangalan nito dahil halos mapasubsob na siya sa dalaga na nakaupo sa front seat ng sasakyan niya. Pero ang lintek at talagang may balak yata siya nitong mulestyahin dahil dinampi-dampi na nito ang labi sa leeg niya. And it made him startled actually, maging ang mga balahibo niya ay nagtayuan sa batok dahil sa ginagawa nito sa kanya. 





"Nakainom ako ngayon Wilde pero hindi naman ako lasing diba?" Sabi ko sa kanya ng tingnan ang mukha niya. Parang mas lalo akong lumiit dahil nakaupo ako at siya itong nakatayo sa harapan ko. "Puwede mo ko gawan ng masama ngayon tapos hindi ko maaalala bukas."






"What the hell! Ano bang pinagsasabi mo diyan?" At hinawakan na nga ng congressman ang kamay nito na nakakapit sa damit niya. Ano bang tingin niya sa akin? Pagbabalakan ko siya ng masama? I don't even like this 4'11!





Pero mas lalo ko lang siyang hinila, wala ka ngayong kawala sa akin Wilde Hawk Winston!  "Maka hell ka naman akala mo talaga nakapunta ka na do'n."





"This is not funny anymore Jessy, I swear pag hindi mo pa ako binitiwan iiwan talaga kita dito sa gilid ng kalsada." Sabi ng binata na para bang winawarningan ito. At hinding-hindi niya na talaga ito hahayaang mag-inom kahit kailan dahil puro perwisyo ang ginagawa nito sa kanya!





"Sige titigil ako pero pa-kiss muna." Sabi ko bago siya hinalikan sa labi.



Atticus is now completed in Patreon and vip group. Dm me on my fb page how to join!



##maribelatentastories

M.V series 02 Wilde Hawk WinstonWhere stories live. Discover now