CHAPTER 22

4.9K 178 16
                                    








Ito talaga 'yong isa sa hindi ko ipapagpalit sa ibang lugar. Simpleng tugtog at simpleng kasiyahan katulad ng taon-taon na piyesta dito sa amin. At heto na nga pinatugtog na naman ang walang kamatayang kanta ni Andrew E. na Shoot shoot. At natural alam ko ang kantang 'to kaya dapat lang sabayan.


O kay sarap lagi ng feeling pag siya ay nasa tabi
Happy happy like Makati mapa araw o gabi
Kahit nasa gimikan o kahit nasa sasakyan
Who cares? Walang paki at lagi ka niyang sasakyan


Pero nakita ko sa malayo pa lang ang lalaking kanina ko pa tinetext pero hindi naman nagre-reply sa akin. Walang iba kung hindi si Wilde!

Pagbalik niya sa Mayumi siya ay nananabik,
Mabaliw-baliw siya sa aking mga halik
Okay lang di maiwasan na mamiss paminsan-minsan
Pero ng ako ay makita mukha akong pang-gigigilan


Ang ganda-ganda pa ng kanta ko habang tinitingnan ko si Wilde na naglalakad papalapit sa akin. Pero nahinto 'yon ng lumapit na siya.





"What the hell your doing?" Asik ni Wilde matapos niyang hilahin sa tabi niya si Jesylyn, parang hindi lang kumulo ang dugo niya ng makita na sumasayaw ito sa harap ng kapatid niya. At teka bakit nandito ba itong Dax na 'to sa Mayumi?


"Fiesta ngayon Pare, ano ba nakalimutan mo na ba?" Si Carlos ang nagsalita. 


"Oo nga fiesta ngayon no kaya party mode ang mga tao Congressman." Segunda ko sa sinabi ni Carlos.





"Alam kong fiesta pero bakit kailangan mo pang sumayaw-sayaw ha?" Sabi pa ng congressman kay Jesylyn bago siya bumaling sa kapatid niyang may hawak ng beer. At hindi nga siya namamalikmata kanina dahil nandito nga talaga ito ngayon. "And you what you're doing here? Kailan ka pa nandito?"




"This morning, and can you please relax Bro, were having fun." Dax said to his brother, parang sa itsura ng kapatid niya ay hindi 'to natutuwa na nandito siya, he look pissed though. He's enjoying his company being with Jesylyn, at kahit halos kalahating oras niya pa lang itong nakakausap ay parang ang tagal na nilang magkakilalang dalawa. She's so funny, ang dami nitong kuwento sa kung saan-saan pati na sa kapatid niya.




"Tsk." Sabi pa ni Wilde na inagaw ang hawak na bote ni Jesylyn. His mother didn't told him that his brother is already here in the Philippines, at pati itong kapatid niya mismo ay hindi man lang nagsabi sa kanya. At talagang unuwi pa dito sa probinsiya.




"Teka, ano ba? akin 'yan hoy!" Sabi ko pero binigay lang ni Wilde ang beer ko sa bodyguard niya na kinuha sa akin. Mang-aagaw! Party mode nga eh!





"Hindi maganda ang alak sa katawan saka mas lalong hindi maganda na nag-iinom ka sa dami ng tao ngayon dito." Ani ni Wilde, na sinamaan pa ulit ng tingin ang kapatid. "Saka may pasayaw-sayaw ka pa sa harapan ng kapatid ko, eh hindi mo naman kilala 'yan." Litanya niya pa.





"Anong hindi kilala? Pinakilala 'yan ng Mommy mo sa akin no. Actually friends na nga kami ng kapatid mo." Sabi ko pa at kumawala sa pagkakahawak niya sa akin saka ako umabrisyete kay Dax. "Diba Dax magkaibigan na tayo?" Baling ko sa kapatid niya, gabi na at lahat pero ang bango pa din ng lalaking ito.



At hindi naman 'yon nagustuhan ni Wilde, hinila niya muli si Jesylyn sa gawi niya at tiningnan na ito ng masama. At hindi na nga siya doon nakuntento inakay niya pa ito papasok sa loob ng bahay nila.






   "Uy, uy, uy! Ano ka ba? Bakit ka ba nanghihila? Saka nandoon 'yong kapatid mo sa labas pati na sila Carlos." Sabi ko ng makapasok kami sa loob ng bahay nila. Grabe ang lamig talaga dito palibhasa naka-filly air-conditioned ang bahay.






"I don't care, hindi ako natutuwa Jesylyn." Ani ni Wilde na bakas pa din ang kaseryosohan sa boses. Nawala lang siya ng dalawang araw tapos heto na ang maaabutan niya? Ang galing!





"Ano bang masama kung nakikipag-usap ako sa kapatid mo? Saka nandoon din naman si Carlos at Misty ah."





"Maloko 'yong kapatid ko na 'yon Jessy kaya huwag kang makikipag-usap do'n." Wilde said again.





Napakunot noo naman ako sa sinabi niyang 'yon. "Weeeh? Hindi nga? Parang hindi naman. Saka ang cute nga ng pangalan ng kapatid mo eh, Dax. Meaning---"






"Meaning ano? Ayusin mo lang ang sasabihin mo Jessy." Nakapameywang ng sabi ng congressman. He have idea what she will going to say, pero subukan lang talaga nito na sabihin 'yon at sisiguraduhin niyang hindi na din 'to makakalabas ng bahay nila.





"Dax mean malaki, malaking tao, matangkad gano'n." Parang ang hirap nito ngayong i-joke ah. Parang may kalalagyan ako, hindi naman kase 'yon ang sasabihin ko eh.





"Tsk tumigil ka nga. Dax Cyrus ang pangalan no'n and call him Cyrus hindi 'yong first name niya."





"Bakit naman? Ikaw nga dalawa din pangalan mo pero hindi naman Hawk ang tinatawag ko sa 'yo."




"Jesylyn!" Inis na tawag ng binata sa pangalan nito. Talagang makikipag-debate pa eh.





"Do'n na ko labas, mamaya magising pa Mommy mo sa ingay mo eh." Paalam ko sa kanya, sabi kase ng kapatid niya tulog na daw ang Mommy nila kaya nakakahiya naman mag-ingay dito sa loob.





"Wag ka ng lumabas do'n mainit saka dito ka na lang muna sa loob." Sabi ni Wilde na nagawi na ang tingin sa dining nila. May mga pagkain do'n na nakalagay sa ibabaw ng lamesa at sigurado siyang inorder 'yon ng Mommy niya.






"Ayoko nga mamaya may gawin ka na naman sa kiffy ko."





Pagak na napatingin si Wilde sa dalaga, infairness she's wearing now a dress. A colorful dress dahil mga bulaklak ang design no'n. "I'm tired and I don't think having sex now. Samahan mo na lang akong kumain saka tayo lumabas kapag kasama mo ako. Pero hindi puwedeng ikaw lang ang lalabas dahil magkukulit ka lang do'n."





"Wow anong tingin mo sa akin bata?" Sarap nito dagukan eh, yumuko-yuko ka lang talaga dadagukan kita.





"Yes para kang bata." Pag-uulit ni Wilde sa sinabi. "Come on kumain muna tayo."





"Okay sige sasabayan kita kumain pero pagkatapos ako naman ang kainin mo ha?"




"Jesylyn!"



#maribelatentastories

M.V series 02 Wilde Hawk WinstonWhere stories live. Discover now