Kabanata 32 (Finale): Ang Pagwawakas na Hindi mo Inaasahan

59 10 6
                                    

Kabanata 32 (Finale): Ang Pagwawakas na Hindi mo Inaasahan

UMABOT ng sampung araw ang itinagal ng Atlas Grand Tournament. Nasa dalawampung bansa ang naglaban-laban dito. Dahil ang Pilipinas ang napili bilang season host sa paligsahang iyon, ginanap ang naturang torneo sa isang tagong venue sa Mindanao na may 15,000 seating capacity.

Sa loob ng mga araw na iyon, labis na nag-alala si Senator Lena para kay Makisig. Wala na siyang balita kung ano ang nangyari dito dahil nahinto na ang pagbibigay ng update sa kanya ng lalaki sa ikalawang araw nito sa delikadong tournament.

Batid niya ang dahilan kung bakit ito lumalaban doon. Oras na maging kampeon ito sa naturang torneo, makukuha nito ang loyalty ng pinakamatataas na organisasyon sa iba't ibang bansa bilang premyo nito.

Ang mga organisasyong ito ay lubhang makapangyarihan at kayang baguhin ang takbo ng mundo. Sila ang pinakamayayaman sa lahat ng mayayaman at may kakayahang kontrolin ang kahit anong bansa na kanilang maibigan.

Nagtatago lang sila sa ilalim pero ang impluwensya nila ay umaabot hanggang sa ibabaw ng mundo.

Sa mga araw na iyon, tuluyan nang bumagsak ang ekonomiya ng bansa dahil sa giyera. Patuloy pa ring nanggugulo sa iba't ibang lugar ang mga teroristang kampon ni Agustus. Marami na rin sa mga pulis at sundalo ang nasawi.

Ang mas masaklap pa, nasira na rin ang justice system ng bansa kaya wala nang malapitan ang mga inosente ngayon na magtatanggol sa kanila. Bagkus, ang mga terorista pa ngayon ang nagkulong at nagparusa sa mismong gobyerno ng bansa dahil sa paninira kay Agustus.

Hindi nila akalaing aabot sa ganito katindi ang kapangyarihang nananalaytay sa kamay ni Agustus. Walang nag-akala na ganito katinding pinsala ang kaya nitong gawin sa bansa.

Pati sina Senator Lena at Senator Raiza ay pareho na ring bihag ng mga terorista ngayon. Kasalukuyan silang nakagapos sa isang bodega habang may busal sa bibig at puno ng pasa sa katawan.

Si Agustus naman ay hindi na nahiyang lumabas dahil batid nitong wala nang sino man ang puwedeng magpakulong dito. Nagpunta ito sa harap ng Malacanang kasama ang ilan sa mga supporters nito na nasa tatlong daan ang bilang.

Magkakasama nilang kinalampag ang Malacanang at gumawa ng ingay dahil batid nilang nandoon pa ang Pangulo ng Bansa na matindi nang kaaway ngayon ng Magnum City Mayor.

"Hoy! Benjamin! Lumabas ka d'yan! Alam kong nand'yan ka! Ano! Ano'ng napala mo sa pagdeklara ng Martial Law! May napala ka ba? Wala! Ikaw pa ang napasama sa mga tao! Naulit lang ang nangyari noon sa panahon ng tatay mo! Akala mo mapapabagsak ako ng mga sundalo mo? Nagkakamali ka! Ngayon natikman n'yo rin ang lakas ng puwersa ko! Ang lakas ng Black Eagle! Anong napala ng mga sundalo mo ngayon? Marami sa kanila patay na! Pati mga inosenteng tao patay na! Dahil iyon sa 'yo! Kaya pagdating ng panahon, kapag napag-usapan muli ang pagkakaroon ng Martial Law ngayong 2024, ikaw ang sisisihin ng mga tao hindi ako! Dahil ikaw ang nagdeklara nito, ikaw ang may kasalanan! Ako, inosente pa rin ako! Mamamatay akong inosente, tandaan mo 'yan, Benjamin! Naririnig mo ba ako? Inosente ako! Ikaw ang tunay na masama!" sigaw ni Agustus sa hawak na megaphone.

Humarap siya sa mga tagahanga at inutusan ang mga ito na laitin at murahin ang pangulo sa harap ng tahanan nito. Sa mga sandaling iyon, tuluyan nang lumitaw at humaba ang mga sungay ni Agustus. Siya na ang pinakamakapangyarihan sa lahat. Literal na lumuluhod na ang mga tao sa kanyang harapan para magmakaawa sa kanilang mga buhay.

Wala nang sinuman ang puwedeng magpakulong sa kanya. Dahil siya pa ang magpapakulong sa kung sinuman ang haharang o kakalaban sa kanya. Dahil na rin sa tulong ng Black Eagle, nagawa nilang pabagsakin pati ang justice system ng Pilipinas. Kaya naman ngayon, siya na ang naghahari-harian sa buong bansa.

Makisig: Muay Thai WarriorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon