Kabanata 3: Pag-atake ng Masasamang Dayuhan

76 7 0
                                    

Kabanata 3: Pag-atake ng Masasamang Dayuhan

ISANG tahimik na umaga ulit iyon sa Baryo Kukatawi. Lahat ng mga tribo ay abala sa kani-kanilang mga gawain at hanapbuhay.

Tatlo ang pangunahing hanapbuhay ng mga katutubo rito. Una ay ang pagsasaka. Sa gawing Silangan ay may malawak na lupain ang mga Katawi na kanilang ginagamit sa pagtatanim ng mga palay, pati na rin ng ilang mga gulay at prutas.

Sa gawing Kanluran naman ay makikita ang mga ale at matatandang eksperto sa paghahabi. Gumagawa sila ng iba't ibang produkto na yari sa Abaka gaya ng bag, tsinelas, pamaypay at sumbrerong salakot.

Habang ang iba naman ay nagpupunta sa bayan para magtinda sa palengke o maglako ng pagkain. Kahit saan sila magpunta, at kahit ano pa ang ginagawa, lahat sila roon ay nakasuot ng tradisyunal nilang kasuotan.

Ang mga kalalakihan ay nakasuot ng maikling bahag na yari sa ginupit-gupit at pinagsama-samang mga tela gaya ng kay Makisig. Ang mga babae naman ay nakatapis lamang ng makapal na tela sa pang-ibaba at ang salong-suso na ginagamit nila ay yari naman sa kahoy na dinikitan ng makikinang na diamante. Ang mga lalaki ay may bakal na pulseras sa bawat mga kamay. Ang mga babae naman ay may suot na munting korona sa ulo na yari sa halaman o di kaya'y bulaklak.

Ganoon lagi ang kanilang suot araw-araw kahit saan sila mapadpad. Isa iyon sa mga sense of pride nila bilang Katawi. Kabilang iyon sa mga sagrado nilang tradisyon na hindi dapat mawala kahit anong panahon pa ang magdaan.

Maaari silang sumabay sa makabagong paraan ng pamumuhay pero hindi nila puwedeng palitan ang paraan ng kanilang pananamit, lalo na kapag nandito sila sa mismong baryo na kanilang pinanggalingan.

Mag-isa si Luntian sa mga sandaling iyon. Ang Ampa Khandifa niya ay nasa palengke pa rin at nagtitinda. Umuwi lang siya saglit para maglinis ng kanilang bahay at para pakainin ang mga alagang hayop.

Iyon ang araw-araw niyang gawain na lubhang napakasagrado para sa kanya. Hinding-hindi niya kinakalimutang pakainin ang lahat ng hayop na makita sa paligid.

Kung si Makisig ay mahilig tumulong at magpakain sa mga tao, siya naman ang tumutulong at nagbibigay ng pagkain sa mga hayop. Halos lahat nga ng hayop sa lugar nila pati sa gubat ay alaga na niya.

Likas na sa dugo ni Luntian ang maging malapit sa mga hayop. Tanging ang alagang leon lang talaga ni Makisig ang medyo kinatatakutan niya. Hindi kasi siya sanay sa dambuhalang mga hayop kagaya ni Matias. Pero hinahatiran pa rin niya ito ng pagkain paminsan-minsan. Lalo na't may pinagsamahan din sila noong maliit pa lamang ito.

Halos isang oras ang inabot niya sa pagpapakain sa mga ligaw na hayop sa buong lugar nila. Kaya naman pagkauwi ay naligo na agad siya upang makabalik agad sa puwesto nila sa palengke.

Kasalukuyan siyang nagsasabon sa katawan nang dumating si Makisig at umupo sa isang sanga ng puno na nasa tabi lang ng bahay nila. Siya naman ay nasa gilid at katabi ang mga balde ng tubig na ginagamit niya sa pagligo.

"Buti at naparito ka? Naiinip ka ba sa kubo mo?" malumanay niyang tanong dito habang naghihilod pa ng tuwalya sa ilalim ng malalaki at malulusog niyang mga dibdib.

"Oo, eh. Parang gusto kong maglibot pero hindi ko alam kung saan pupunta."

"Sayang. Hindi pa kita masasamahan ngayon. Babalikan ko pa kasi si Ampa sa palengke, at mamayang hapon pa ang uwi namin."

"E, mamaya kayang pag-uwi n'yo, puwede ka?"

"Oo naman! Kung mahihintay mo kami rito hanggang alas-sais."

"Oo ba! Libot tayo. Parang gusto kong maligo sa batis. Naiinitan na 'ko, eh!"

Tumango na lang si Luntian at patuloy pa rin sa paghilod sa hubo't hubad na katawan. Bukod kay Makisig, may mga tao pang dumaraan sa harap nila ngunit tila wala lang sa kanya iyon.

Makisig: Muay Thai WarriorWhere stories live. Discover now