Kabanata 30: Muling Pagtutuos

38 9 0
                                    

Kabanata 30: Muling Pagtutuos

GULAT na gulat si Stephany sa napanood niya sa balita. Hindi siya makapaniwala sa ginawang eksena ni Makisig sa grand opening ng Valentino Land sa Magnum City. Kaya pala ilang linggo na itong nawawala rito sa Maynila. Ito pala ang tunay na pinagkakaabalahan nito.

Sa mga oras na iyon, nag-iba ang tingin niya kay Kael. Akala niya ay maamo talaga ito, pero may itinatago rin pala itong kulo sa loob. At inilabas iyon ng lalaki sa lugar na iyon. Pero gayunpaman, hindi pa rin nagbago ang tingin niya kay Makisig. Baliw na baliw pa rin siya rito, at hinahanap-hanap pa rin ito ng pagkababae niya.

Natigilan lang siya sa panonood nang bumukas ang kanyang pinto. Akala niya, isa sa mga katulong niya ang pumasok doon. Ngunit nagulat siya nang bumungad ang kanyang ina—si Sasha!

Halos mamilog ang kanyang mata. "Mom? W-what are you doing here?"

"Stephany! Marami tayong pag-uusapan!"

"But... B-bakit hindi ka man lang nagsabi na uuwi ka pala?"

"At bakit hindi ka rin nagsabi sa akin na buntis ka pala! Bakit hindi mo rin sinabi lahat ng kalokohang ginagawa mo sa school! Lahat ng lalaking nilalandi mo! And nasaan si Luntian? Nagsumbong sa akin sina Aling Marie na minamaltrato mo raw si Luntian? Saan mo nakukuha lahat ng 'yan? Never kitang tinuruang maging masama!"

"Mom, stop! Ang dami ko nang problema today!"

"Oh yeah? Let's fix your problem! Bukas na bukas, sasama ka sa akin sa Australia! Doon na tayo titira! Ibebenta ko na ang bahay na ito!"

Lalong nagulat si Stephany sa narinig. "What? Nooooooo! I don't want to go there! I want to stay hereeeee!" Muli na naman siyang nagwala na parang bata.

"Sasama ka na sa akin sa Australia! And you can do nothing about it! Doon kita ipapa-rehab para maituwid natin 'yang utak mo!"

"No, Mom! Nooooo!"

"Bakit? Hindi mo maiwanan ang mga lalaki mo rito? Pwes, ako na ang tatapos sa lahat ng kalokohan mo! At kapag hindi mo sinabi sa akin kung saan mo dinala si Luntian, kalilimutan kong anak kita!"

"Bakit mo ba ginagawa ito, Mom! Bakit mas kinakampihan mo pa siya!"

"Dahil hindi ko tino-tolerate ang masasamang ugali sa pamamahay na 'to! Kung alam ko lang na magiging ganito ka, hindi ko na lang sana binigay lahat ng gusto mo noon! Lahat ng luho mo! Kaya magtanda ka na, Stephany! Dahil dadalhin na kita sa Australia kung saan wala kang makikitang lalaki kahit isa!"

"Nooooo! I'm going to kill youuuuuu!"

Sa sinabing iyon ni Stephany, nilapitan na siya ng ina at sinampal. Sa lakas ng impact ay natilapon siya sa kama.

"You really need to go rehab! Hindi mo na kilala ang sarili mo!"

Buong araw na humagulgol si Stephany. Paano pa niya magagawa ang lahat ng plano kay Kael kung tuluyan na siyang mapapalayo rito?

NASA gitna na ng ring si Dominick bitibt ang kanyang championship belt sa balikat habang nagpapakawala ng mahabang speech. "I'm so happy to be here with all of you. I've been dreaming for a long time to set foot here at the Atlas Grand Tournament. One of my dreams as a fighter is to defend my title in this huge competition. So now that I'm here, I promise you all that I will never let you down!"

Marami pa sanang sasabihin si Dominick nang biglang umulan ng napakaraming patay na dahon sa buong paligid. Hindi lang siya ang nagulat, pati na rin ang mga tao. Habang nagtataka ang mga tao kung para saan iyon, nagka-ideya na siya kung kanino galing ang mga ito.

Makisig: Muay Thai WarriorWhere stories live. Discover now