Kabanata 24: Pagbabalik ni Makisig sa Aksyon

174 12 5
                                    

Kabanata 24: Pagbabalik ni Makisig sa Aksyon

NA KAY Kael na ang mga mata ng lahat habang nakataas ang kanyang kamay. Pati sina Medwin at Jordz ay nagulat at hindi makapaniwala.

"Uy, p're! S-sigurado ka ba? H-hindi pa kami handa!" kabadong turan ni Medwin sa kanya.

Biglang humawak si Dave sa kamay niya. "K-Kael, w-wala pa tayong practice sa club! H-hindi pa nga tayo nakakapag-start, eh! A-ano'ng ginagawa mo?!"

Nilingon niya ito. Saka niya iginawad ang matinik niyang ngiti. "Dito na ako magpa-practice, boss."

Napamulagat ang lalaki sa sinabi niya. Pagkatapos ay binitawan na niya ito at confident na umakyat sa octagon cage. Tila nawala ang iniindang sakit at lungkot ni Dave. Sinundan nito nang tingin si Kael habang kumakabog ang dibdib.

Mangiyak-ngiyak naman sina Medwin at Jordz sa sobrang kaba. Para sa kanila, wala pang experience si Kael sa mga ganitong laban sa SFC. Ayaw nila itong mapahamak.

O dahil iyon ang inaakala nila...

"Alright, alright, alright! Finally! We have a new challenger here!" Nilapitan siya ng announcer saka nagtanong. "Teka, what's your name pala, boy? At saang school ka galing?"

"Kael Tarik from NSU po," sagot niya sa mahinhing paraan.

Lalong nagtawanan ang ilang estudyante sa paligid. In-assume agad nila na wala siyang magiging laban dahil sa hinhin ng boses niya. Akala ng mga ito, katulad lang siya ng mga bodybuilder sa mga fitness club na ilang beses nang pinataob noon ni Carlo Harres.

"Oh... So, are you a new student here?"

Tumango lang siya.

"Alright! So, the next challenger of our champion is a new student from NSU! Okaaaay!" saglit na nahinto ang announcer, pagkuwa'y muling sumulyap sa kanya. "It's okay, boy! You got nothing to lose but your teeth!" tila nang-aasar na turan nito saka tumatawang bumalik sa gitna ng cage.

Tahimik naman sa isang tabi si Carlo habang lihim siyang inaangasan sa mga titig at ngisi nito sa kanya.

"Alright, people! You want more? I'll give you more! This is Carlo Harres of USI versus Kael Tarik of NSU!" masiglang anunsyo ng lalaki na sinabayan agad ng magarbong palakpakan na karamihan ay para kay Carlo.

Agad nagsagawa ng Cat Stance si Carlo, Neko Ashi Dachi kung tawagin sa Japanese. Isa ito sa mga fighting stance ng Karate na madalas ginagamit ng lalaki kapag bago sa paningin nito ang kalaban.

"Fight!"

Pagkatapos ng sigaw ng announcer, buong tapang na sumugod sa kanya si Carlo. Bago pa dumapo ang mga kamay nito, mabilis niyang itinaas ang kabilang kamao at sinalubong ang mukha nito. Sa lakas ng impact ay umikot pa sa ere ang katawan nito bago bumagsak sa sahig.

Gulat na gulat ang lahat sa kanilang nasaksihan. Pati si Dave ay napatayo sa kinauupuan. Ang kabang gumagapang naman kina Medwin at Jordz ay biglang nawala. Sa isang iglap ay tila nabuhayan sila ng pag-asa.

Humakbang paatras si Kael at nagsagawa ng iba't ibang Muay Thai stance. Hinintay lang niyang makatayo ang kalaban niya. Pagkatapos ay siya naman ang nagsagawa ng mga opensa rito.

Lubhang nanibago si Carlo sa mga galawan niya. Kung dati ay uhaw na uhaw ito sa pag-atake, ngayon ay para itong nasa alanganin. Ito naman ang napapaatras at nagsagawa ng iba't ibang depensa na hindi naman nito ginagawa noon sa mga kalabang pinapahiya nito.

Pagkatapos niyang ipatikim dito ang kanyang mga kamao, mabilis siyang umikot at nagsagawa ng isang sipa na mabilis humagupit sa ulo nito. Hindi iyon inaasahan ng lalaki kaya natumba muli ito.

Makisig: Muay Thai WarriorWhere stories live. Discover now