Kabanata 14: Ang Matinding Kalbaryo

60 11 0
                                    

Kabanata 14: Ang Matinding Kalbaryo

KANINA pa napapansin ni Agustus ang pagdadabog ng anak kaya hindi na ito nakapagpigil na batukan ang lalaki. "Umayos ka nga, puwede? Kanina ka pa d'yan, ah!"

Larawan ng pagkadismaya si Dominick. "E, paano ba naman kase! Hindi naman ako kailangan dito, ah? Kung alam ko lang na ito ang pupuntahan natin, hindi ko na lang sana kinancel ang laban ko. I have a new challenger today, alam mo ba 'yon?"

"Forget about it! Gaano ba ka-importante 'yang challenger na 'yan para paglaanan mo ng panahon? Wala ka pang kapantay ngayon lalo't wala na si Makisig! Kaya hindi mo na muna dapat pinagtutuunan ng pansin ang mga mahihinang challenger na 'yan!"

Hindi na nakasagot si Dominick. Ang totoong dahilan kaya niya gustong patulan ang challenger ay dahil nais lang uli niyang magamit ang Devil Drug. Bukod kasi sa pambihirang lakas na ibinibigay nito, kakaibang sarap din ang idinudulot sa pakiramdam.

Isang lalaki ang lumapit sa kanila at inanyayahan na silang pumasok sa entrance. Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod sa ama habang lukot ang mukha.

Naimbitahan sila sa anniversary party ng fraternity na Kappa Delta Upsilon. Pag-aari ito ng maimpluwensyang lalaki na kilala sa bansag na MG Cerino. Matalik itong kaibigan ng kanyang ama. At kahit hindi naging miyembro si Agustus sa fraternity nito, isa rin ito sa mga nag-i-sponsor ng armas sa mga ito tuwing madedehado sila sa mga frat war.

Mahigpit na nagyakapan ang dalawa nang magtagpo sa loob. "I really missed you, brother! Sobrang tagal mong nawala! Akala namin ay hindi ka na namin makikitang muli! I'm glad that you're back!" bati ni MG Cerino sa kanyang ama.

Tuwang-tuwa naman ito. "Thank you, thank you so much, brother! I am happy to see you again! At heto, kasama ko nga pala ang aking kampeon!"

Magiliw rin na bumati sa kanya si MG Cerino. "Oh yeah! Napanood ko ang huli mong laban noon against The Great Koolah! You know what? Sobra akong humahanga sa lakas mo, Dominick! You are a monster!"

Ginantihan din niya ng magiliw na ngiti ang matanda. Pagkatapos nilang magkamay, ipinakilala rin nito sa kanila ang anak nitong si Logan Cerino, ang tagapagmana ng Kappa Delta Upsilon pagdating ng panahon.

Nagtagpo ang mga mata nilang dalawa. Ang lalaki na rin ang naunang nag-abot ng kamay sa kanya. "Nice meeting you again, Dom!" bati nito sa kanya.

Ngumiti rin siya rito. "Nice meeting you!" Saka niya tinanggap ang kamay nito.

Pagkatapos ng sandaling iyon, agad siyang nagtungo sa mga barkada niya na imbitado rin doon. Umalis na rin si Logan para puntahan ang mga barkada nito. Hinayaan na nilang mag-bonding sa VIP table ang kanilang mga ama.

Tatawa-tawa naman ang mga barkada niya habang pinagmamasdan sa malayo sina Logan kasama ang sarili nitong mga barkada.

"Oy, bakit hindi mo lapitan si Logan doon? Ngayon na nga lang nagkita 'yung mga tatay n'yo, tapos hindi man lang kayo magkukumustahan din?" tukso sa kanya ng isa.

"Don't even bother! 'Yang lalaki ngang iyan ang dahilan kaya ayokong pumunta rito, eh!"

Natawa ang lalaking nasa tabi niya. "Bakit naman? Hindi pa rin ba kayo bati ngayon? Binati ka nga niya kanina, eh!"

"Alam ko namang pakitang tao lang niya 'yon. Kung hindi lang namin kasama ang mga daddy namin kanina, baka pinatulog ko na siya sa lupa!"

Hindi na nagtaka ang mga barkada niya roon. Batid na kasi nila ang tungkol sa kanilang dalawa ni Logan. Sila ang unang magkaribal noon sa basketball. Dalawang taon na ang nakararaan nang magharap ang team nila sa finals ng NAAP kung saan si Logan nga ang naging kampeon.

Makisig: Muay Thai WarriorWhere stories live. Discover now