Chapter 41

15 1 0
                                    

Maaga akong nagising kinabukasan, pagkatingin ko sa malaking salamin ng kwarto ay kitang-kita ang pamamaga ng mata ko.

"Trisha." tawag sakin ni mama sabay katok ng pinto, inayos ko muna ang buhok ko bago ito binuksan.

"Gusto mo ba ng kasama sa pupuntahan mo mamaya?" umiling nalang ako bilang ganti.

"Why not? you can go with your ate Trina."

"Nah! ako na ma, tsaka ayokong abalahin ang thesis ni ate Trina." sana nga magawa nya hasytt dahil pag hindi nako ako talaga may kasalanan.

"Sure?" tumango nalang ako sa kanya, gumanti naman sya ng ngiti sakin.

Kung paano naayos ang problema naming mag-ina kagabi ay hindi ko na alam, basta ang alam ko'y bigla nalang akong nagising na okay na kami.

Ito na siguro ang tinatawag nilang mother's love, pinagsisisihan ko na lahat ng mga ginawa kong mali, gaya nalang ng di pag-aral ng mabuti.

Pero yung nangyari sakin? samin ni sir Lucio? yon ang mali na diko pinagsisihan, para namang ang sama kong ina kung pagsisihan ko yon dibah?

Dumating ang hapon kalaunan.

Kinabahan ako ng makalabas na ako ng bahay, ewan ko? excited lang siguro akong makarating sa party ni Lucy.

Huminga nalang muna ako ng malalim bago sumakay ng jeep.

Dumaan muna ako saglit sa mall at bumili ng panregalo kay Lucy, pagkapasok ko ay bumungad sakin ang isang peach dress na hanggang tuhod lang, i know it'll suit her dahil maputi sya at matangkad kaya tama lang sa kanya ang backless off shoulder dress na ito.

Ini-imagine ko palang na suot nya to haystt sana magustuhan nya.

The saleslady wrapped the dress into a small but classy box, pwede pala na dito lang magpa wrapped ng regalo?

"Okay na po ma'am." ngumiti nalang ako sa kanya at nag thank you narin.

Ang ganda ng pagkakabalot nya, nilagyan pa talaga ng ribbon nagdadalawang isip tuloy ako kung birthday ba ang pupuntahan ko o kasal dahil sa puting ribbon.

Dibah dapat pag birthday red yon? aba malay ko, ayan na naman ang kontrabidang isip na yan sarap kaladkarin chuss.

"Pagod ka nabang mabuhay?" shit! napaatras ako sa lakas ng busina at sigaw ng naka motor na lalaki.

Feeling ko parang tinambol ang puso ko sa sobrang kaba, buti nalang talaga.

Napahawak naman ako sa tiyan ko.

God i'm safe.

We're safe.

Sa halip na makipag-away don sa lalaki umupo nalang muna ako saglit at niyakap ang sarili.

Nagulat nalang ako nang biglang may yumakap sakin.

"God! Trish okay ka lang?" kilala ako ng lalaki? but wait pamilyar sakin ang boses nya.

"May masakit ba sayo?"

"Narinig mo naman ako dibah?" ramdam ko sa boses nya ang pagkataranta kaya tiningala ko ito.

"K-uya Josh?" hindi ko alam kung anong nangyari basta namalayan ko nalang ang sarili ko na gumanti ng yakap sa kanya.

"Are you feeling better?" tumango naman ako at kumawala sa yakap nya.

"Anyway saan ang punta mo baka maidaan kita." nagdadalawang isip ako, pero why not naman dibah? makakatipid pa ako pag nagkataon.

"Haenju beach, malapit lang naman." hindi ko inaasahan ang reaksyon nya.

"Whoah! don't tell me, no, nope hindi ka naman siguro pupunta sa birthday ni Lucy dibah? kasi sa pagkakaalam ko---."

"Yes! yes it's a big YES kuya Josh, friends na kami ngayon noh, may regalo pa nga ako ouh." tinaas ko pa ang kamay kong may hawak nung regalong nakabalot.

"Unbelievable." kumunot naman ang noo ko ng may narealize ako.

"At ikaw bakit ka pupunta doon? wag mong sabihing---." may relasyon ba sila ni Lucy? a-ckkkkk.

"Don't get the wrong idea, si dad dapat ang pupunta eh pero may inasikaso sya about don sa mga investors nya kaya ako ang naatasan, kapagod." napatawa naman ako sa busangot nyang mukha.

"Ang hirap pala maging mayaman noh?"

"Mas mahirap pag anak mayaman kamo?" huh? naguluhan naman ako sa sinabi nya.

"Ni wala kaman lang dalang regalo? halata talagang hindi ka prepared?" biro ko.

"Pirma lang ng isang Guzman malaking regalo na yon para sa mga Andrade." walang kabuhay buhay nyang turan.

"Seryoso?" aishh negosyo nga naman.

"Hindi ka naman mabiro." natatawa pa nyang sabi, binatukan ko nga ng matauhan.

"Aray! mas matanda ako sayo huy." inirapan ko nalang, mas matanda ka nga, isip bata naman.

Akmang sasakay na sana ako ng biglang nag ring ang cp nya.

"Hello?" tanong nya.

"Mga gonggong hindi nyo ba ako tutulungan sa thesis natin? jusme! nasaan kayo? hindi naman yata tama na kaming dalawa lang ni Trina ang gagawa dbah?"

"Sorry  Sab biglaan kasi tong pinagawa ni dad eh, how about Megan? o kaya si Clarence tsaka si Danrick." sabagay nahihirapan na nga kami sa research title palang pano na kaya pag thesis na.

"I tried so many times to reach them out but they keep on ignoring my calls."

"Look Sab i'm really really sorry but i have to go, promise ako gagawa ng powerpoint for defense natin."

"Huy! that's not fair! kailangan tayong lahat ang gagawa, where's the teamwork?." hirap talaga pag puro matatalino.

"okay! tomorrow sa bahay ni Trina, game ako sabihan mo nalang yung iba, araso?" sabay end call.

"Talaga? araso? araso? tama ba ang naririnig ko?" pangungutya ko sa kanya BWAHAHAHAHA epic salubong na naman po ang kilay nya.

"Sakay na, chuss kung di lang talaga kita whwyw binatokan na kita."

"Kung hindi ano? ano yun? ulitin mo nga."

"Wala, ang kulit naman."

Ang sabi ni kuya Danrick demonyo raw ng kalsada si kuya Josh kung magmaneho like duh! mali naman pala yun.

"We're here." usal nya pagkahinto namin.

Napasalamin tuloy ako sa side mirror nya ng wala sa oras, tngina ang ganda ng lugar.

"Tama na yan, baka mabasag mo pa ang salamin ko nyan." biro nya.

~~~~~to be continued........

_violefthedark_

A Hot Night With My New Teacher Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon