Chapter 35

76 10 0
                                    

Wazuppp guyz today is FRIDAY! ibig sabihin may pasok na naman kapagod mag-aral kingina. Nasa hapagkainan kaming dalawa ni ate Trina ngayon at kasalukuyang kumain, pinandilatan nya ako ng mata nang makitang sinawsaw ko ng peanut butter ang kanin bago kinain.

"Yuck! ganyan kana ba ka adik sa peanut butter at ginawa mo pang ulam yan?" hindi ko nalang sya pinansin at pinagpatuloy ang pagkain.

"Ni hindi mo man lang ginalaw yang itlog sa plato mo, at nakuha mo pang magluto ng adobong kangkong shocks! hindi pa nga luto kinain mo na kaagad." napatingin naman ako sa kanya at umirap dito.

"Sabi ko naman sayo diba? people change." makatwirang sabi ko at sinubo yung itlog, hindi ko na naman maiwasang masuka kaya dali-dali akong tumakbo papuntang cr, kingina almost 3 weeks na yata akong di nakakain ng itlog.

"Grabe naman yang changes mong yan nakakakilabot." bungad nya sakin ng makabalik ako sa hapagkainan.

"Maya kana makilabot pag nakita mo na akong kumain ng hilaw na karne." walang preno kung sabi.

"Kadiri ka talaga, jan kana nga at mauna na ako sayo hmmp." inis na sabi nya tsaka bago umalis sa kainan.

"Huy ate! yung plato mo hindi mo pa nahugasan uy!" sigaw ko sa kanya.

"ikaw na maghugas nyan! kaya mo na yan!"ganting sigaw rin nya sakin.

Pagdating ko sa campus namin, mas lalong dumami ang usap-usapan tungkol sa engagement party kasabay ng birthday ni Lucy, kilala sya sa campus namin kahit hindi sya rito nag-aaral, syempre anak ba naman ng may-ari at kapatid ng tagapagmana.

"Hindi naman ako naniniwalang engaged na si Lucy." sabi ng isang babaeng may makapal na make-up singkapal ng salaming suot-suot nya.

"Baka naman yung papa nya." sabi rin ng isa pa.

"Eh si sir Lucio kaya?" tanong naman nung isang may bangs na naka headphone.

"Ano kaba? malabong mangyari yun no? may girlfriend na kasi yung tao." ganti rin nung nakasalamin na may makapal na make-up.

"Anong malabo, may girlfriend man yan o wala basta para sa business hindi imposible." inirapan naman nung isang may bangs yung nagsalita.

"If i know naimpluwensyahan kalang nyan sa panonood mo ng k-drama." nagtawanan naman sila tsaka naglakad na.

Dumiretso nalang ako sa classroom namin, bumungad naman sakin ang masiglang yakap ni Andie, si Stynx at Rica naman ay bumati rin sakin, pero hindi parin bati ang dalawa, duda ako na may iba pang dahilan bukod sa sinasabi sakin ni Rica kahapon.

"Wala kabang plano bukas?" sabado na bukas at syempre wala kaming pasok, nainis na naman ako kay Rica nang maalala ko na naman ang sinabi nya kahapon na di ako sasamahang mamili ng panregalo ko kay Lucy.

"Plano kong mamili ng panregalo ko kay Lucy bukas." sagot ko sa tanong na iyon ni Andie, nakita ko namang umirap sa kawalan si Rica.

"Ang taray naman ng disney princess namin na yan." pang-aasar ni Andie kay Rica pero hindi nya ito pinansin, natuon kay Stynx ang atensyon ni Rica na tahimik lang sa gilid namin.

"Huy! bruha ka! ilang buwan mo balak manahimik ha?" hindi rin nya natiis ang katahimikan ni Stynx.

"Hindi mo kasi ako pinapansin." mahinang sagot ni Stynx kay Rica, nakakapanibago talaga pag ganitong walang imikan ang dalawa.

"Ano ba kasing pinagtalonan nyo at umabot pa sa ganito?" tanong ni Andie, hindi pa pala sinabi sa kanya ni Rica ang nangyari.

"Wala, maliit na bagay." agad na sagot ni Stynx, napatingin naman sa kanya si Rica at pinandilatan sya.

A Hot Night With My New Teacher Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon