Chapter 29

65 11 0
                                    

Nadatnan kami ng mga kaibigan ni ate na nagtatalo sa garden, natawa naman ako sa namumulang mukha ni ate Trina ng harapin nya ang mga kaklase.

"Hi." si kuya Josh ang unang bumati sakin at ganon din ang ginawa ng iba, simula ngayon kuya at ate na ang tawag ko sa mga kaibigan ni ate Trina kasi why nurt naman dibah?

"Ano yan?" tukoy ni ate sa bitbit ni kuya josh na paperbag, tinaponan muna ako ng tingin ni kuya josh bago tumingin sakin.

"Naisipan ko lang kayong dalhan nyan." aniya pa at ngumiti, ang cute nya tingnan bagay na bagay talaga sa kanya ang naka eyeglass.

"Oh? ba't tatlo lang kayo?" Oo nga pala kulang ng dalawa, sa pagkakaalam ko kasi 5 ang kaibigan ni ate, tatlong lalaki at dalawang babae.

"ewan ko ba kay Sabrina at hinatak bigla si Megan kanina, kinilig pa ang mga baliw." iritableng sabi nung lalaking naka eyeglass rin, sya ang pinakamatangkad sa lahat.

Sa tatlong lalaki na narito ngayon, si kuya Josh lang ang kilala ko? sino kaya sa dalawa rito ang Dandan?

"Kuya Dandan?" wala sa sariling bigkas ko, napatingin naman silang lahat sakin, puno ng pagkalito ang mukha.

Pumalakpak naman ng tatlong beses sa kawalan si ate Trina upang agawin ang atensyon ng mga lalaking kaibigan.

"Pagkakaalam ko si Josh lang ang kilala ni Trisha kaya hinula nya lang kung sino sa inyong dalawa si Dandan." seryosong sabi ni ate.

"Makinig ka Trish hindi ko na uulitin to, kita mo yang pinakamatangkad? sya Danrick A.K.A. Dandan." Sya pala si kuya Dandan? ngumiti naman sya sakin at nag sign hi.

"At yung pinakamaliit naman sa lahat---"

"Grabe ka naman sa maliit?" palag nung pinakamaliit pero pinagtawanan lang nina ate at ng iba, sya yata ang pinaka cute sa grupo, mukhang bata eh.

"Wag na kasi pumalag kung totoo din naman, sya si Clarence." Nag hi rin sya sakin at ngumiti.

"And for the girls, yung laging naka eyeglass na may mahabang buhok sya si Sabrina, tapos yung isang short hair si Megan." Ngayon kilala ko na ang mga kaibigan ni ate Trina.

Pareho kaming nasa Sala, nanonood ako ng K-drama samantalang sila ay parehong busy at seryoso sa ginagawa nila, ganyan ba sila ka addict sa pag-aaral? o sadyang kailangan lang seryosohin ang pag-aaral ng college.

"Qualitative ba sagot nyo sa number 5?" tanong ni kuya Danrick sa mga kasama, nagsitanguan naman sina ate.

Maya-maya'y napansin ko naman ang busangot na mukha ni kuya Clarence, napakamot pa ito sa ulo bago nagtanong.

"Quantitative ba yung sagot nyo sa number 10? naguguluhan na talaga ako, hindi kasi ako sigurado." napatingin naman silang pareho kay kuya Clarence.

"Skip mo nalang muna yan, hindi rin kami sigurado search nalang natin mamaya." seryosong sagot naman ni ate Sabrina habang ang mga mata ay nakatuon lang sa laptop.

"Sya nga pala guyz, yung powerpoint natin sino magrereport?" tanong nya at pinagpatuloy ang pagtipa ng keyboard.

"Si Josh na ang bahala jan total sya naman ang pinakamadaldal sa grupo." natawa naman ako sa komentong iyon ni kuya Danrick.

Tiningnan ako ng mapagbantang mata ni ate, para bang sinasabi nya sakin na isang ingay mo pa yari ka sakin, tumahimik nalang ako at tinuon ang atensyon sa pinanood, hininaan ko narin ang volume para kahit papano 20% ko lang silang madidistorbo ng ingay.

Ilang minuto muna bago ko naisipang buhayin ang cellphone na hawak-hawak ko ngayon, as usual inulan na naman ako ng sandamakmak na text at tawag sa mga kumag, may ilang missed call rin galing kay sir Lucio at wala akong natanggap na text.

Sir L: to my office later.

I swiped my phone up at umaasang may text pang iba bukod don pero ni ha or ho wala talaga. Nagbabalikan na naman ang mga nakikita at naririnig ko kahapon.

Hindi ko na naman maiwasang masaktan, nawala na sa isip ko sina ate at diko namalayang napaiyak na pala ako, buti nalang at nag-iyakan din yung mga tauhan sa pinanood ko kaya iisipin nilang nadala lang ako ng emosyon.

Tinawagan ko ang mga kumag at pinapunta sa bahay, wala kasi akong ginagawa kaya naiisip ko na naman ang naganap na hindi dapat isipin, i'm thankful dahil pinuntahan nila ako kahit papano.

"Pagkatapos ng klase natin kay sir Lucio hindi kana bumalik, saan kaba nanggaling?" nag-alalang tanong ni Andie.

"Gustuhin man naming hanapin ka pero hindi kami nakaiwas sa klase." bumuntong-hinga naman si Rica.

"Actually, nahimatay ako kahapon----"

"What the fuck/ Oh my god/ seryoso?" sabay-sabay pa nilang bulalas.

"Alam ba ni sir Lucio?" naroon parin ang pag-aalala sa boses ni Andie, umiling-iling nalang ako at umiyak.

"Hala bakit ka umiyak?" Si Rica ang unang nagtanong dahil sya naman ang pinakamausisa sa lahat, niyakap naman ako ni stynx para patahanin, tinapik tapik naman ni Andie ang likod ko at inipit sa tenga ang hibla ng buhok kong nasa pisnge.

Having their sympathy made me cry harder,    para akong sinampal ng katotohanang pang experience lang talaga ako.

"A-ang sakit, nagmahal lang naman ako ng totoo, deserve ko bang lokohin? at paglaruan lang? may mali ba sakin?ano bang ginawa ko sa past life ko at paparusahan ako ng ganito?" Sana talaga naniwala ako sa kanila, Ang bobo ko lang dahil mas pinaniwalaan ko yung isang tao laban sa maraming tao na saksi sa kagagohan nya.

"Bej, hindi ko man alam kung ano ang nangyari sa inyo ni sir Lucio, pero isa lang ang alam ko, deserve mong mahalin at walang mali sayo." nakiiyak narin si Rica.

"N-nagsawa na sya sakin, k-kaya pinagpalit na nya ako, hindi paba ako sapat? saan ako nagkulang? ang tanga ko! ang TANGA-TANGA KO" gusto kong ilabas lahat ang nararamdaman kong sakit ngayon.

"W-walang mali sayo okay? walang kulang sayo sobra-sobra ka pa nga eh, kung pinagpalit ka man nya masakit nga yun, pero hindi na sya makakahanap ng kagaya mong handang magpakatanga para sa kanya." Si Andie na naman ang nagsalita.

"K-kingina wala akong masabi." nakikinig nalang samin si Stynx at nakiiyak, okay lang kahit wala syang sasabihin, sabi nga nila actions speaks louder than words kaya sobra-sobra natong ginagawa nyang pagpapatahan para sakin.

"Tandaan mo Trish kahit wala akong masasabi sa problema mo, handa akong makinig at intindihin ka." yinakap nya ako ng sobrang higpit.

Ang bigat ng pakiramdam ko, ang katawan kung nanghihina sa nagdaang araw ay mas lalong nanghihina sa ngayon.

~~~~~~~to be continued.......

_violefthedark_

A Hot Night With My New Teacher Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon