Chapter 38

137 3 3
                                    

Lakas makadaldal ng mga bonak kong kaibigan, hindi mapigilan ang mga bibig at walang preno kong magsalita.

"Anong nangyari at ganyan ang palda mo?" si Andie ang unang nakahalata na iba ang suot kung palda.

"Ganito naman talaga ang palda ko kaninang umaga palang." pinandilatan naman ako ni Rica.

"Anong ganyan? wag mo nga kaming lukohin, kitang-kita ng mga mata naming hindi lagpas tuhod ang palda mo kaninang umaga." kingina naman ouh, bakit ba big deal sa kanila kung gaano kahaba ang suot kung palda.

"Kay sir Lucio galing yan tama?" napatingin naman ako sa tanong na iyon ni Stynx.

Napatango nalang ako sa tanong na iyon.

"At bakit ka naman nya binilhan ng ganyang palda?" hindi ko na sinabi pa ang dahilan at ngumiti nalang sa mga ito.

"Pero teka sigurado kabang okay kana talaga?" at talaga namang pinatong pa ni Rica ang kamay nya sa noo ko.

"Okay na ako, tsaka wala akong lagnat." nagtawanan naman ang dalawa sa sagot ko.

"Nakita kasi namin kaninang bumilis ang hinga mo, tsaka ang laki pa ng butil ng pawis mo." napalunok naman ako sa sinabing yun ni Andie.

Naghihinala kaya sila sa posibleng nangyari?

"Ah-hindi yun gaya ng iniisip nyo." agad kung sagot.

"Wala naman kaming iniisip maliban nalang kung may nangyaring hindi namin alam." nagtinginan pa silang tatlo at sabay ang pagtakip ng bibig.

"Wag mong sabihing may ginawa kayong kababalaghan?" napakurap-kurap ako sa kawalan.

"Walang patawad? pati clinic jusme!" kahit hindi ko makita ang sarili ko, alam kung pulang-pula na ako sa ngayon dahil ramdam ko ang pag-init ng mukha ko.

"Kaya pala ganun ang nadatnan namin." kinginang yan, pano ko ba malulusotan to?

"W-alang ganon! ang natatandaan ko nanaginip ako kanina, tama! tama nga nanaginip ako." sana nga panaginip lang yun aishh.

"Grabeng panaginip naman yun? at nasira pa ang butones mo?" hanodaw? ang akala ko ba natakpan ng kumot yun?

"Huli pero di kulong." natatawang sabi ni Stynx, kingina nakakahiya.

"Ang totoo hindi kaba natatakot?" biglaang tanong ni Rica, seryoso sya at may pag-alala sa boses nya.

"Natatakot saan?" naguguluhan ako kaya hindi ko alam kung ano ang ibig nyang sabihin.

"Oh my god! hindi kaba nag pills?" umiiling nalang ako.

Ang tatlong pares ng seryosong mga mata ay nakatuon sakin, huli na ng marealize ko ang nais nilang iparating.

Almost 7 pm na nang makarating ako sa bahay, gaya ng nakasanayan nadatnan ko na naman si ate Trina sa gate, nanlilisik ang mga mata nito at halatang kanina pa ito naghihintay sakin.

"Ano bang pinagkaka-abalahan mo at ngayon kalang dumating? saan kana naman ba nagpupunta?" sermon nito sakin at kinuha ang bag ko.

Nauna syang pumasok, sinundan ko nalang sya at dumiretso kami sa hapagkainan, napatingin naman ako sa kanya ng makita ko ang ulam namin.

"Itlog na naman?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Ngayon kapa nagrereklamo? dati naman para kang mapupugutan ng hininga kung hindi ka makakain nyan." well dati kasi yun.

"Ilang ulit ko rin ba sasabihin sayo ang salitang people change?" kairita na sya, sinadya pa talagang itlog lang ang niluto.

"Kumain ka nalang jan at may ipapagawa ako sayo." maawtoridad nyang sabi, bigla tuloy akong kinabahan sa paraan ng pagsasalita nya.

A Hot Night With My New Teacher Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon