Chapter 40

25 1 0
                                    

Nakaupo kaming pareho ni ate, inabangan ang pagdating ni mama.

Kung kanina sinakop ako ng emosyon ko, medyo kumalma naman ako ngayon.

Ilang oras rin kaming nakaupo sa sala.

"Kahit anong mangyari mamaya, tanggapin mo nalang ang mga salitang ibabato ni mama sayo, wag mo nalang syang sagot sagutin, dahil may kasalanan tayo sa kanya." tumingala sya sa kisame at pinaypayan ng dalawang kamay ang mga mata, halatang pinigilan nito ang pagluha.

Kasalanan ko lahat, pati si ate nadadamay.

"Ma?" nakaramdam na naman ako ng kaba ng makita ang mukha ng babaeng nakatayo sa tarangkahan ng pinto.

Wala akong mabasang emosyon sa mukha nya at yon ang masakit, dahil hindi ko alam kung galit ba sya sakin, nakaramdam ba sya ng pagkadismaya, nandidiri o ano.

Ang mukha ng inang walang ibang ginawa kundi ang kapakanan at kabutihan ng anak, isinakripisyo ang pansariling kasiyahan para sa anak.

I'm speechless, dahil sobrang sama ko kay mama, na inakala kung iniwan niya kaming magkapatid na ginawa nya yon para sa kanya, now i realized kung pano sya kabuting ina para samin.

Sa halip na babatohan ako ng masasakit na salita, isang yakap ang natanggap ko sa kanya.

"M-a?" yun lang ang salitang lumabas sa bibig ko at umiyak, dahilan rin ng pag-iyak ni mama at ni ate Trina.

"T-ahan na anak, sorry naging pabaya akong ina sayo---may parte saking nagsisi kung ba't ako pumuntang canada, pero wala namang magagawa ang pagsisisi dahil nandyan na yan.

"Alam naba ng lalaki na buntis ka?" umiling nalang ako, sasabihin ko sa kanya bukas, tamang-tama birthday rin ni Lucy bukas.

"Kailan mo balak sabihin?" nag-aalalang sabi ni ate.

"Bukas ko sasabihin."

Ang inaasahan ko'y masasakit na salita galing kay mama pero wala na palang mas isasakit pa sa kabutihang ginawa nya, she accepted me ng buong puso hanggang sa huli.

Nakailang missed calls na ako kay sir Lucio pero wala paring sumagot, siguro busy sya sa preparation ng birthday ni Lucy bukas.

"H-ello?" nabuhayan naman ako ng marinig ko ang nasa kabilang linya.

"Lucy? alam mo ba kung nasaan si sir Lucio? hindi ko kasi sya ma contact eh." nag-alala na kasi ako dito, dati nama'y lagi nya akong tinatawagan.

"Sorry Trish ah, busy rin kasi ako and i don't know where he is, alam mo na birthday ko tomorrow." Oo nga pala aishh.

"Sorry kung naistorbo kita."

"Nah! it's okay, gaya ng napag-usapan natin may special celebration tayong tatlo ni sweetie bun para sa birthday ko." excited nyang sabi sa kabilang linya.

"Dibah mas okay kung nandun din ako sa mismong birthday party mo tsaka may surprise din kasi ako sa inyong dalawa ni sir Lucio." mahinang sabi ko dahil nag-aalangan ako kung dapat ko bang sabihin ang mga yon.

"Whoah really?" i know she's happy, halata naman sa boses nya pero ang hindi ko maintindihan ay ang pag-iba nitong bigla.

"But nah, my party is boring and it's not worth to watch." siguro puro business ang pinag-usapan sa birthday nya kaya boring.

Parang gusto ko tuloy pumunta para naman may makakausap sya don.

Nakatunganga lang ako, blanko ang isipan at dinama ang ihip ng hangin galing sa mga nagsasayawang dahon ng puno.

"Trish?" napalingon naman ako kay mama na pumitas ng bulaklak sa hardin at inipit iyon sa tenga ko.

Simpleng galaw lang ni mama na nagpapakita sakin ng pagmamahal pero libo-libong luha na ang gustong tumulo sa mata ko.

"Shhh, ayan ka na naman jusko ginoo nimo dai magiging nanay ka nalang iyakin ka parin." niyakap ko nalang si mama, ma swerte parin pala ako dahil sya ang naging mama ko.

"Ma?" napatingin naman sakin ng seryoso si mama.

"Iniwan ba tayo ni papa dahil may iba sya o iniwan nya lang tayo." hindi naman sya napatingin ng derecho sakin.

Nagsisi tuloy ako kung ba't ko pa tinanong ang mga yon sa kanya.

"Hindi naman sa ganon, ang totoo anak ako ang lumayo sa kanila, mahirap man gawin pero ginawa ko para narin hindi na sya mahirapan." Ngayon lang nag open up si mama tungkol sa pamilya namin.

Kung ginawa nya man yun alam kong meron itong mabigat na dahilan, gustohin ko mang magtanong at ukitin pa ang nakaraan nilang dalawa ni papa na hindi ko man lang namukhaan, alam kong mahirap para sa kanya kaya mas pinili ko nalang ang manahimik.

Alam ko sa sarili ko na malalaman at malalaman din namin ni ate Trina ang dahilan, tsaka ayokong dagdagan pa ang kinakaharap naming sitwasyon ngayon.

"By the way." seryosong mukha ang nakikita ko pagkalingon ko kay mama.

"Tapos na ang kontrata ko sa Canada kaya naisipan kong magbakasyon sa Cebu." Cebu? masyado naman yatang malayo wng lugar na iyon.

"Ano namang gagawin natin doon?"

"Magbakasyon nga." Oo nga pala kakasabi nya lang hayst.

Sabagay gusto ko ring makapunta ng bagong lugar, nakakasawa rin kaya ang mga naglalakihang building.

~~~~~to be continued.....

_violefthedark_

A Hot Night With My New Teacher Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon