Chapter 42

16.6K 812 109
                                    

Ava POV

DINILAT ko ang mata at nabungaran ko ang seryosong mukha ni mommy at ni Kuya Atlas. Nagpalinga linga ako. Napapalibutan ako ng kulay green na kurtina. Naaamoy ko ang alcohol at gamot. May naririnig din akong mga ingay. Napasinghap ako ng mapagtantong nandito ako sa loob ng hospital dahil kay Matias.

Bumalikwas ako ng bangon pero napapikit ako ng makaramdam ng hilo. Inalalayan naman ako ni mommy at ni Kuya Atlas.

"Huwag ka kasing bigla bigla babangon anak." Ani mommy sa nag aalalang boses.

"Mahiga ka nga muna." Inalalayan ako ni Kuya Atlas na mahiga.

Dahan dahan akong dumilat. Nawawala na ang hilo ko.

"Si Matias mommy?" Tanong ko kay mommy at tumingin ako kay Kuya Atlas.

"Tapos na syang salinan ngayon ng dugo at natahi na rin ang sugat nya sa ulo. Nasa recovery room na sya." Sagot ni Kuya Atlas.

"Gising na sya?"

"Hindi pa."

Marahan akong tumango. "Gusto ko syang makita."

"Mamaya na anak, magpahinga ka muna." Ani mommy.

"Pero mommy.."

"Huwag ng matigas ang ulo mo Ava. Nawalan ka ng malay kanina. Nakatulog ka ng limang oras dahil wala kang tulog at pahinga ng isang araw."

Namilog ang mata ko. "Ganun ako katagal na nawalan ng malay?"

"Pinag alala mo kami ng kuya mo anak."

"Sorry po mommy."

"Ang sabi ng doctor kailangan mo ng sapat na pahinga. Kailangan mo ring pumunta sa obgyne mo at magpacheck up."

Kumunot ang noo ko. "Obgyne? Bakit po mommy? M-May sakit ako?"

Nagtingin sila ni Kuya Atlas at kumunot ang noo.

"Hindi mo alam anak?" Tanong ni mommy.

Sumipa naman ang kaba sa dibdib ko. "A-Ang alin po mommy? M-May malubha akong sakit?"

"Mukhang di na nga nya alam mommy." Ani Kuya Atlas at hinilot ang noo.

Tumingin ako kay mommy na seryoso na ang mukha.

"Buntis ka anak."

"Po?" Umawang ang labi ko sa sinabi ni mommy. Tila ako nabingi at namali lang ako ng dinig. "What mommy?"

"Ang sabi ko buntis ka. Yun ang nakita sa blood test mo kanina. You're pregnant anak." Tinuptop ni mommy ang bibig at nanubig ang mata nya. Di ko alam kung naiiyak ba sya sa tuwa o naiiyak sa lungkot.

Ako naman ay hindi makapaniwala. Bumilis ang tibok ng puso ko at parang nanlaki ang tenga ko. Buntis ako sa anak namin ni Matias. Nabuo ang mga kababalaghang ginawa namin. Kaya pala hindi ako nagkaroon last month at hanggang ngayon di pa ako nagkakaroon. Pero bakit ang bilis naman?

Pero nasagot din ang katanungan ko ng maalalang wala pala kaming proteksyon na ginagamit ni Matias sa tuwing magchuchukchakan kami. Lagi pa naman syang putok sa loob.

Narinig ko ang mahinang mura ni Kuya Atlas.

"Sa oras na gumaling yang Matias na yan makakatikim sya sa akin."

"Atlas anak, maghunusdili ka."

"Paano akong maghuhunusdili mommy? Wala pa silang isang taon ni Matias tapos binuntis na sya." Himutok ni kuya.

"Eh bakit ikaw, wala pa rin naman kayong isang taon si Jolene nung binuntis mo sya ah."

Natigilan si Kuya Atlas at bumaling sa akin. "She's only twenty two mommy."

DG Series #5: My Grumpy Kuya MatiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon