15 Years Ago..

33.2K 839 155
                                    

15 years ago..

KUSOT kusot ng batang si Ava ang kanyang mata habang papasok sya sa kusina. Kagigising nya lang mula sa dalawang oras na tulog ng hapong iyon. Ayaw nya nga sanang matulog kanina dahil gusto pa nyang maglaro. Pero nagagalit na ang mommy nya at hindi sya bibigyan ng paborito nyang chuckie kapag hindi sya natulog. Kaya natulog na lang sya. Matagal na syang di nakakainom nun dahil bawal raw sa kanya.

Nakita nya ang kanyang Yaya Salome na kumakanta kahit wala naman sa tono habang naghuhugas ng plato. Nakaisip ng kapilyahan ang batang si Ava. Gugulatin nya ang kanyang yayang magugulatin.

Umuklo si Ava at tahimik na lumapit sa likuran ng kanyang yaya sabay hawak sa likuran nito.

"Bulaga!"

"Ay p*ke mong malake!" Tili ni Yaya Salome na muntik ng mabitawan ang hawak na baso sa gulat.

Malakas namang tumawa ang pilyang bata. Tuwang tuwa si Ava na nagulat nya ang kanyang yaya.

Sapo ang dibdib na lumingon sa kanya si Yaya Salome.

"Jusko namang bata ka! Ako na naman ang napagtripan mo. Magkakasakit ako sa puso sayo eh." Parang maiiyak na sabi nito.

Tawa naman ng tawa si Ava at nag peace sign pa sya. "Joke lang po yaya."

"Salome ano bang nangyayari? Dinig na dinig ko ang tili mo sa likod ah." Tanong naman ni Manang Doring na kapapasok lang galing sa laundry area.

"Eh si Ava po kasi manang, ginulat ako." Sumbong ni Yaya Salome habang himas ang dibdib.

Tumingin naman kay Ava si Manang Doring at ngumiti. "Ay kaya naman pala, gising na ang makulit na bata. Bakit mo naman ginulat ang yaya mo Ava. Alam mo naman na magugulatin yan." Malambing na sabi nito.

"Eh masakit po sa ears ang boses ni yaya manang eh." Humahagikgik na sabi ni Ava.

Parang batang sumimangot naman si Yaya Salome. Samantalang si Manang Doring ay natawa na lang din.

"Nagugutom ka na ba Ava? Gusto mo ng magmeryenda?" Tanong ni Manang Doring.

Tumango si Ava. "I want chuckie po."

"Chuckie? Naku! Eh bawal sayo yun ah." Sabi ni Yaya Salome.

Nanghaba naman ang nguso ni Ava. "But mommy said kanina pwede akong magdrink ng chuckie kapag nag sleep ako. Nag sleep na po ako eh."

"Yun naman pale eh. Eh di bigyan mo na." Sabi ni Manang Doring kay Yaya Salome.

Kumamot naman sa ulo ang yaya. "Naku manang, baka di naman talaga sinabi ni Ma'am Anita. Papagalitan ako nun."

"Kuh, kelan ba nagsinungaling si Ava? Sige na bigyan mo na at ako'y babalikan ang mga basahang nakasalang sa washing."

"Sige na nga."

Naexcite si Ava ng lumapit ang kanyang Yaya Salome sa malaking ref at binuksan ito. Kumuha ito ng isang chuckie. Tinusok muna ang straw bago binigay sa kanya. Agad naman nya yung kinuha.

"Thank you po Yaya Salome." Masiglang wika ni Ava sabay sipsip sa straw. Namilog pa ang kanyang mata ng malasan ang tamis ng chocolate drink.

"You're welcome kulit! Sya nga pala nasa labas ang Tita Nelda mo."

Natigilan sa pagsipsip sa straw si Ava at tumingin kay Yaya Salome. "Dumating po si Tita Nelda?"

"Yes, nasa labas sya kausap ang mommy mo."

Namilog ang mata ni Ava. "May dala po syang pasalubong?"

"Naku! Parang wala eh."

Ngumuso si Ava at muling sinipsip ang straw. Lumabas na sya ng kusina para puntahan ang kanyang mommy at Tita Nelda. Sa living area nya nakita ang kanyang mommy kausap si Tita Nelda.

DG Series #5: My Grumpy Kuya MatiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon