Chapter 28

20.7K 761 95
                                    

Ava POV

"CONGRATULATIONS to us!" Sabay sabay na sigaw ng mga kasamahan ko sa shelter ng gupitin ko ang ribbon. Kasabay nun ang masigabong palakpakan galing sa mga bisita at sponsor namin na mga pet lover. Pinasalamatan ko ang mga bisita lalo na ang mga sponsor. At syempre ang aking habibi na bigtime sponsor namin. Kung hindi dahil sa kanya hindi magiging maganda ang shelter.

"And of course, gusto ko ring magpasalamat sa habibi ko." Minuwestra ko ng kamay si Matias na nasa isang tabi lang at nakahalukipkip. Walang reaksyon ang kanyang mukha pero nakikita ko naman sa kanyang mata na proud sya sa akin. Kasama nya rin si Pochi na ngayon ay nakikipaglaro na sa ibang bisitang dogs.

Umugong naman ang tuksuhan mula sa mga kasamahan ko at mga bisita. Syempre kilig na kilig ang lola nyo. Pinalapit ko si Matias sa akin at lumapit naman sya sabay hapit sa bewang ko at halik sa aking sentido. Lalong umugong ang tuksuhan.

"Congratulations babe.." Bulong ni Matias.

"Thank you rin sa pag sponsor sa pagpapaganda nitong shelter. Kung hindi dahil sayo baka ilang taon pa ang abutin bago gumanda ito." Malambing na wika ko at yumakap sa bewang nya. Niyakap din nya ako at hinalikan sa buhok.

Limang buwan lang ang inabot ng renovation ng shelter at magandang maganda na ito ngayon at kumpleto na sa lahat. Nagmukha na nga itong sosyal na shelter. Natupad ang pangarap kong shelter. Mas magiginhawan na kami at mga rescue namin.

Nagtinginan kami sa bukas na gate ng may pumasok na magarang sasakyan na itim na itim. May sumunod pang isang kotse naman na na kulay gray na makintab na makintab. Mukhang may bisita kami na hindi ko inaasahan. Siguro ay mga kakilala ng mga kasamahan ko. Sunod sunod pang mga sasakyan ang huminto na sa labas ng gate dahil wala ng mapaparkingan sa loob. Yung dalawang huling sasakyan na dumating ay pamilyar sa akin.

Tumingin ako kay Matias. Nakatingin din sya sa mga bagong dating.

"Tapos na ang blessing at ribbon cutting saka pa sila dumating." Sambit nya.

"Ha?"

"Ay ang daming fafa!"

"Bet ko yung isa! Ay dalawa pala! Sige na nga silang lahat na! Ihh! Ang sasarap nila!"

Tili ni Rolee at Kiray.

Bumalik ang tingin ko sa mga dumating na bisita at ganun na lang panlalaki ng mata ko ng makita sila Kuya Jeiz, Kuya Lorenzo, Kuya Luigi at Kuya Kester. Kasama pa nila ang mga asawa't anak nila.

"Omg! Bakit sila nandito?" Bulalas ko.

"Inimbitan ko sila at mag a-adopt din sila ng mga rescue para naman may silbi sila sa lipunan." Sagot ni Matias.

Tumingin ako sa kanya. "Sinabi mo sa kanila ang tungkol sa shelter?"

"Yes."

Namilog ang mata ko. "Don't tell me sinabi mo rin kay Kuya Atlas?"

"At sa mommy mo."

Suminghap ako sabay tingin sa harapan. Narito din nga si Kuya Atlas kasama si Jolene at ang dalawa nilang chikiting. Pati na rin si mommy!

Kumagat labi ako. Kinabahan ako bigla.

Pinisil ni Matias ang balikat. "Relax babe.."

Tumingin ako sa kanya. "Baka magalit si mommy at si kuya.."

"I don't think so. I'm sure proud pa sila sayo."

Sinalubong at binati nila Melby, Lionel at Kuya Janjan sila mommy at ang magkakaibigan. Hindi rin nagpatalo sa pagbati si Rolee at Kiray na ang mga mata ay na nasa magkakaibigan. Pero bakas ang disappointment sa kanilang mukha ng malamang may mga asawa na ang mga ito.

DG Series #5: My Grumpy Kuya MatiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon