Chapter 10

20.9K 599 142
                                    

Matias POV

NAKAPAMEWANG na tinanaw ko na lang ng tingin ang papalayong kotse ni Ava. Napabuga na lang ako ng marahas na hininga. Sayang di ko sya naabutan. Inipit ko sana ang bibig nyang pasmado.

Tsk! Saan ba nya natutunan ang mga ganung salita? Kababaeng tao bulgar magsalita. Hindi naman ganun kabulgar magsalita si Atlas. Para syang Kester, parehas silang pasmado ang bibig. Sila yata talaga ang magkapatid eh.

Muli akong bumuntong hininga pero banayad na at napailing iling na lang ako. Nilingon ko si Pochi na nasa tabi ko na pala at kumakahol.

"She's crazy right?" Nakangising kausap ko kay Pochi.

Tumahol lang sya.

"Yes she is.."

Nabura ang ngiti ko ng maalala ang hitsura kanina ni Ava na kilig na kilig sa ka-chat. Friend daw pero nangingisay sa kilig.

Tss! Bakit ba ako naiinis? Ano bang pakialam ko kung kiligin sya sa kung sinong lalaki.

--

MGA nakangising mukha ng mga kaibigan ko ang bumungad sa akin pagbukas ko ng main door. Dito nila ngayon napagkasunduang uminom sa bahay ko dahil matagal tagal na ring di kami nagtitipon tipon dito. Pwede namang sa bar na lang kami uminom pero ayaw nila dahil magagalit ang mga asawa nila.

Kumpleto kami ngayon maliban lang kay Kester dahil bagong panganak ang asawa. Kambal ang anak nila na isang lalaki at isang babae. Nakakahiya pa nga dahil nagkalat pa sya sa hospital. Nauna pa syang himatayin sa asawa.

Pinapasok ko na ang apat na kaibigan pero natigilan sila ng sugurin sila ni Pochi na tumatahol.

Napangisi naman ako. Hindi kasi kilala ni Pochi ang mga kaibigan ko at akala nya ay intruder ang mga ito. Tinatahulan nya ang mga taong pumapasok dito sa bahay maliban lang kay Ava.

"Shh Pochi, behave." Saway ko na kay Pochi dahil mga hindi na gumalaw ang mga kaibigan ko at nakatingin lang sa kanya.

Tumigil naman si Pochi at lumapit sa akin. Nakaguard sya habang nakatingin pa rin sa mga kaibigan ko at panaka nakang tumatahol na para bang maling galaw lang ng mga kaibigan ko ay sasagpangin na nya ang mga ito. She's protecting me.

"You have a dog pare?" Tanong ni Lorenzo.

"Yeah.. nakikita nyo naman di ba?" Sarkastikong sabi ko.

"Your dog is ugly."

Sinamaan ko ng tingin si Luigi na nagsabi nun. Pero nginisihan lang nya ako.

"You are more ugly pare." Sabi ko naman.

Ako naman ang sinamaan nya ng tingin. Nginisihan ko na lang din sya. Paglaki ni Pochi ipapalapa ko sa kanya si Luigi.

Umiskwat si Jeiz at nilahad ang kamay kay Pochi. Lumapit naman ang tuta sa kanya at hinimas himas nya ito. 

"What a surprise pare. Di ko akalain mag aalaga ka ng aso. Wala sa hitsura mo." Nakangising sabi nya na tumayo na.

"Oo nga, akala namin ang kilala mo lang na hayop ay kabayo at baka." Segunda pa ni Lorenzo.

"Saan galing yang tuta? Binili mo?" Tanong naman ni Atlas.

"Nope. Binigay ni -- " Tumikhim ako. "Binigay ng isang kakilala." Sabi ko.

Muntik ko ng sabihing bigay ni Ava. Kapag sinabi ko yun siguradong magtataka si Atlas at marami pang tanong.

"Oh I see, so you are a dog lover now." Nakangising sabi pa ni Atlas.

DG Series #5: My Grumpy Kuya MatiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon