Chapter 41

16.3K 756 88
                                    

Third POV

"MGA ser saan po kayo pupunta?" Hinarangan ng dalawang pulis ang magkakaibigan na susugod sa nagpuputukan.

"Sasagipin namin ang kaibigan namin mga ser." Nakangising sabi ni Kester na hinugot na ang baril sa tagiliran.

"Naku ser! Bawal po kayong sumunod. Delikado! Dito na lang po kayo."

"Huwag kayong mag alala mga ser. May kasama kaming retiradong pulis at retiradong sundalo." Nakangising sabi mi Luigi at nagparte na sila sa dalawang grupo. Grupo ni Jeiz at ni Lorenzo.

Sa grupo ni Jeiz ay sina Atlas, Kester, Lex at Seb. Sa grupo naman ni Lorenzo ay si Dan, Pierre, Austin at Luigi. Pinagparte din nila ang mga tauhan na kasama. Naghiwalay sila ng direksyon. Wala ng nagawa ang dalawang pulis kundi sundan ang mga ito ng tingin. Hindi nila ito kayang pigilan dahil bukod sa marami ay malalaking tao pa. Hindi rin sila pwedeng sumunod dahil yun ang mahigipit na utos ng kanilang chief. Isa pa ay binilin rin sa kanila ang dating kasintahan ng chief. Baka bigla itong mawala mayayari sila kay chief.

Nagpalitan ng putok ng baril ang dalawang grupo. Ang grupo ni Elijah at ng mga kapulisan na napasok na ang abandonadong gusali. Hindi rin nagpahuli ang pangatlong grupo ng magkakaibigan. Nagulat pa ang mga pulis ng makita sila.

"Anak ng! Bakit kayo sumunod?" Galit na sikmat ni Inspector Cedric ng makita ang magkakaibigan na sumunod.

"Hindi na kami makatiis inspector. Pasensya na, gusto lang naming iligtas ang kaibigan namin." Nakangising sabi ni Lorenzo at nakipagpalitan pa ng putok sa mga tauhan ni Elijah.

"Tsk! Mali talaga na pumayag ako na sumama kayo. Dating pulis ka pa naman pero di ka marunong sumunod sa protocol. I'm so disappointed." Asik ng inspector.

"Buhay na ng kaibigan namin ang nakatayo dito kaya wala na akong pakialam sa protocol inspector. Isa pa wala na ako sa serbisyo at dalawang taong retirado na."

"Inspector sa likod mo!" Sigaw ni Pierre at binaril ang tauhan ni Elijah na muntik ng bumaril sa inspector.

"Tss! Mamaya na kasi ang daldalan." Ani Luigi at pumasok na sa loob ng abandonadong gusali. Sumunod sa kanya ang iba pa nyang kaibigan.

Wala ng nagawa ang inspector kundi napamura na lang at sumunod sa magkakaibigan.

Nakakabinging palitan pa ng putok ang umalingawngaw sa loob ng abandonadong gusali. May tama na ang ilang tauhan ni Elijah at meron na ring ilang nabawian ng buhay.

"Putangina!" Malutang na mura ni Elijah habang nakikipagpalitan sya ng putok sa mga pulis. Natamaan nya ang isa sa binti. Agad din syang kumubli.

"Boss sibat na tayo!" Anang kanang kamay nya.

Sinenyasan nya ito na mauna. Tumakbo ito sa hagdan ng fire exit at agad naman syang sumunod. Nakasunod din sa kanya ang dalawa pang tauhan para i-cover up sya. Pero sa kasamaang palad ay tinamaan ang isa sa dibdib. Tumimbuwang ito at nangisay bago nawalan ng buhay. Nag angat ng tingin si Elijah sa bumaril. Nakita nya ang pamangkin na si Danon na nakatutok sa kanya ang baril. Sa likod nito ang isa pang lalaki na hindi nya kilala.

"Sumuko ka na uncle!"

Tumiim bagang si Elijah at tinaas ang baril at pinaputukan ang pamangkin na mabilis namang kumubli. Nagpaputok na rin ang dalawa nyang tauhan. Kinuha naman nyang pagkakataon yun at bumaba sa fire exit.

samatala sa ikaapat na palapag..

"Positive! Nandito ang bihag!" Sigaw ng pulis ng makita si Matias na nakaupo sa bangko, nakagapos at laylay ang ulo.

Sa narinig ay agad na tumakbo si Luigi at Atlas paakyat sa ikaapat na palapag. Sumunod ang iba pa nilang kaibigan at ilan pang mga pulis.

"Shit! He looks bad!" Bulalas ni Luigi na tumutulong na sa pagkalas ng lubid na mahigpit na nakagapos sa mga kamay ni ng kaibigan. Ng matanggal na nila ito sa gapos ay agad nila itong pinulsuhan.

DG Series #5: My Grumpy Kuya MatiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon