Thirty Seven

82 4 2
                                    

Naiwan yung nagawa kong chapter thrity seven sa dati kong phone, sayang dahil may bagong character doon. Pero ano pa bang magagawa ko kundi ang bumuo ulit ng bagong kabanata.

Masyadong ng matagal para hindi mag-update, mabuti nalang at nabasa ko yung comment doon sa paalala ko noong march pa. Pasensya na po, busy lang ako at pagraduate na kaya wala ako masyadong time.

Kayce's point of view

Pakiramdam ko ang sakit-sakit ng mata ko kakaiyak, tapos nasaan ako?

Nandito lang naman ako sa isang madilim na lugar at bahagi parin ito ng hospital. Hindi ko nga lang alam kung anong kwarto ito. Nung pumasok kasi ako dito ay wala ng basa-basa sa kung anong nakasulat sa pintuan nito at basta nalang akong  pumasok.

"Natural na hahalikan naman na ni Czergo si Kassy, asawa niya iyon eh!" Parang batang nagmamaktol sa ina ang tono ko habang sinasambit ang mga katagang iyon.

Tunay na asawa!

Parang isang suntok sa puso ko ang salitang asawa ni Kassy si Czergo.

"P-pero b-bakit ako h-hindi manlang?" Halos kapusin ako ng hininga ng mapahikbi na naman.

I mean matagal naman kaming nagkasama!

"Hindi manlang niya t-tinangka!" Halos labas sa ilong kong sabi at marahas na pinahid ang luhang halos matuyo na sa pisngi ko.

The scene earlier flashed again on my jugmental mind. Sa pagkakataon na iyon ay pinigilan ko ang umiyak ulit, ngunit sadyang taksil sa akin ang aking mga luha dahil rumagasa na naman ito paibaba sa aking pisngi. Kagaya ng lagi kong ginagawa kanina pa ay agad ko itong pinapahid at susundan na naman ng mas malakas at malalaking luha dahilan para padabog akong tumayo.

"Please stop crying!" Saway ko sa sarili upang tumigil pero bigo lamang akong napailing ng maramdaman ang sunod na pagtulo ng aking luha.

"You're just a substitute! Wala kang karapatang magselos–" Ang halos pasigaw kong pagsasalita ay natigil ng parang may bagay na nalaglag sa hindi kalayuang sahig mula sa kinatatayuan ko.

Natigilan ako sa ginagawa kong pagiyak at nilingon ang pinagmulan ng ingay, ngunit dahil kapos sa liwanag ang silid na ito ay hindi ko maaninag kung anong maaring nahulog na bagay o kung ano man ang dahilan kung bakit nagkaroon ng ingay upang masira ang pagmumukmok ko rito.

Saglit kong pinahid ang luha ko bago magsalita upang tanungin kung may tao ba o wala.

"M-may tao ba rito? S-sino ka?" Kabado ang boses ko habang sinasambit iyon. Pagtala isa ito sa mga silid na puro mga nagtatrabaho lang dito ang maaring pumasok ay lagot ako.

Saka ko lamang natanto na mali ang aking ginawa ay ngayon na medyo nahihimasmasan na ako.

Walang sumagot at nanatiling walang kaingay-ingay ang silid kaya doon na ako nag-isip ng mga magpapatakod sa akin. Sa takot ko ay hinanap ko agad ang cellphone ko sa bulsa ng suot ko at ng mahanap ito ay agad kong binuksan ang ilaw ng cellphone ko upang magkaroon ng kahit kaunting liwanag ang silid.

Kasabay ng pagliwanag ng paligid dahil sa ilaw na nagmumula sa cellphone ko ay ang siyang pag-ihip naman ng hangin na hindi ko alam kung saan nagmumula. Tinanggay nito ang ilang hibla ng buhok ko at saktong parang niyakap naman ako ng hangin ay siyang pagtindigan naman ng aking mga balahibo kahit na suot ko ay makapal at imposibleng ginawin at pumasok ang hangin sa suot ko.

Ang sabi nila kapag nagtindigan ang balahibo mo ay may nilalang na hindi mo nakikita ang malapit sayo o nakatingin sayo...

Nagpantigan ang parehong tenga ko ng maisip iyon at mahigpit na niyakap ko ang sarili at hindi mapakali na tumingin-tingin sa paligi kahit kaunti lang ang naabot ng liwanag na gawa ng ilaw ng aking cellphone.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 19 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My substitute wife Where stories live. Discover now