THIRTY FIVE

192 1 0
                                    

Kaycee's point of view

My night routine is done, tapos narin makapagpalit ng damit kaya nagtungo ako ng kusina. Hapon na at gutom na gutom na ako dahil nung dumating pala ako dito ay pasado alas tres na. Mabuti nalang at kahit papaano ay kumain ako ng kaunti s Helen's home care kaya nagkalaman ng kaunti ang tiyan ko, kundi aatake na naman ang ulcer ko.

Naghanap lang ako ng maluluto at good thing may karne si Kassy sa ref kaya gumawa nalang ako ng pinritong karne na 'don at dahil gutom na gutom na 'ko ay nagluto pa ako ng dalawang noodles. I don't have rice today, kasi naman wala akong nasaing and I'm so hungry to wait for further minutes para maluto ang kanin.

Dala ang pagkain ay nagpunta ako sa sala at doon naisipan na kumain. Nang mailapag na ang kakain ko ay naupo ako sa sofa at mabilis na sinwitch pa on ang tv gamit ang remote. To be honest, wala naman akong hilig manood ng tv, o kahit balita. I just need to, umuulan parin at mukang aabot pa hanggang bukas o ilang araw.

Naupo ako at agad na nagsimulang kumain habang nakatuon ang atensyon ko sa tv na pinapanood ko kung saan palabas ay news report.

"May bagyo ata," sambit ko habang nakatingin sa tv na kung saan may nagbabalita sa kasalukuyang panahon at pahanggang bukas na magaganap.

Nagpatuloy ang pagkain ko habang nakikinig naman sa pinapanood, pero saglit akong natigilan sa pagsubo ng marinig ang area kung saan malakas ngayon ang ulan. Ang area na binanggit at mismong subdivision nito ay kalapit lang ng subdivision sa mansion ni Czergo.

"Kasalukuyan naman nakalock-in ang mga tao sa nasabing subdivision, malala parin ang tama ng bagyong Yvonne sa mga karatig area. Upang mapanatiling alerto ay manatiling nakatutok lamang.."

Sumubo lang ako ng sumubo habang iniisip ang kalagayan nila, and naiwan ko ang dalawang kuting doon. Inaalagaan pa kaya? Napatuptop ako sa 'king bibig dahil sa naalala ko ang dalawang pusa.

Dapat pala sinabi ko kay Kassy na isama ang dalawang pusa. Hayst napakaburara ko!

Inis kong tinapos ang pagkain at pabalik na 'ko sa kwarto para magpahinga at habang papunta palang doon ay nagta-type naman ako ng message para sabihin na pati ang dalawang pusa ay ipadala narin ni Kassy, kaya lang natigilan ako dahil biglang lumitaw ang tawag na galing kay Kassy.

Hindi na 'ko nagdalawang isip na sagutin pa. Itinapat ko agad sa tenga ang phone at sinabi agad ang laman ng ipapadala ko sanang message kaso natawag na siya ngayon kaya sasabihin ko nalang din.

"Kassy, I forgot to tell you na pati ang dalawang pusa sa bahay–" natigilan ako dahil sumabat si Kassy sa kalagitnaan ng sinasabi ko.

"Kaycee, favor lang.." malumanay ang boses niya. "Can you come? I'll send the address."

Hindi na nito nahintay ang isasagot ko at pinatayan na niya ako ng tawag. I frustratedly tapped the phone screen, lumundag ako sa kama at inis na binalot ang sarili sa makapal na kumot. Hihiga na sana ako ng tumunog ang phone ko, mabilis na hinarap ko ito at nakitang may message galing kay Kassy.

And guess what's in the message? Pinindot ko ang message niya at kagaya nga nang sinabi niya ay isang location 'yon.

Benedict hospital.

Agad akong naguluhan at napaayos ng upo. Hindi ko intesyon na magpadala ngayon ng message kay Kassy.... Pero hindi ko lang maiwasan na mag-alala.

Si Kassy ba ang nahospital?

Mabilis na pinindot ko ang message app at nagtype ng sasabihin ko. Nang matapos ay sinend ko agad at naghintay ng ilang minuto. Abang na abang ako kung rereply siya pero walang reply na galing sa kanya kaya naman napakagat ako ng labi at binalingan ang wall glass kung saan umuulan parin.

My substitute wife Where stories live. Discover now