Four-her nun dress

334 8 4
                                    

CHAPTER FOUR

[Kaycee's point of view]

Nilingon ko ang tumatawag sa pangalan ko. Nang lumingon ako sa pinanggalingan ng boses ay nakita ko si lalaki, si lalaking salubong ang kilay at masama ang tingin sa aming dalawa ng katabi ko.

Hindi manlang siya lumapit pero ako naman ang kanyang tinawag at lumapit daw ako. Napilitan naman akong magpaalam kay Karl na gusto ko pang malaman ang kwento niya kung paano sila nagkakilala ni Kassy, pero baka makagawa pa ng gulo si Czergo at ayoko 'yon.

"S-sige," pilit na sagot ng lalaki bago niya nilingon si Czergo na halos gusto ng sumabog sa galit. Pulang pula siya eh.

"Maybe next time, magkwentuhan tayo kapag may oras ka." huling sabi ni Karl bago maunang tumayo at naglakad sa paalis, at patungo naman siya sa maraming tao.

Tumayo naman ako at lumapit kay Czergo. Puputuk ang bulkan kung hindi ako lalapit, dahil masamang masama ang tingin niya.

"Bakit?" casual na tanong ko nang makalapit. Tinignan naman niya ako ng mariin bago bumaba sa pulsuhan ko.

Hinawakan niya ako sa pulsuhan at walang sabi niya akong hinatak papunta sa isang silid. Galit na galit talaga siya dahil sa higpit ng kapit niya sa pulsuhan ko. Nagpatangay nalang din ako dahil wala naman akong magawa.

"S-saan ba tayo?" nakasunod lang ako sa kanya. "Masakit ang hawak mo, bitiwan mo muna!"

Hindi niya ako pinakinggan at nagtuloy-tuloy lang siya papasok sa kung saan ako kanina nagising.

Pabalya niyang binitawan ang pulsuhan ko bago itinuro ang isang gamit. Bago ko balingan ang itinuro niya ay tinignan ko muna ang pulsuhan ko. Nagmarka ang kanyang pagkakahawak kanina. May ilang kamot ang naiwan sa pulsuhan ko dahil siguro sa dumiin niyang kuko kanina. Napasinghal nalang ako ng patago bago bumaling sa lalaki.

"What are those?" sinundan ko naman ang kamay niyang nakaturo sa gamit ko. Oo, at nakabukas pa talaga. 

Sino naman kaya ang gumawa no'n? Napakakulit, mabubuking pa 'ko nito eh! Pero okay lang, mabuking na kung mabuking, hindi naman ako talaga si Kassy eh.

Pero hindi ko maiwasang kabahan dahil sa uri ng kanyang paninitig, parang manlalamon ng buo. Ngunit kung magpapadala ako sa takot ay baka isahan pa niya ako rito, tutal wala naman na ako sa loob ng bahay ni mother superior ay makikipagtalasan na muna ako ng tingin laban kay Czergo.

Kanina nagpaliwanag ako pero hindi naman niya tinanggap ang mga salitang binitiwan ko. Maybe this time ay maniniwala na siya dahil may patunay ako at galing pa 'yon sa maleta ko.

"Nun dress ko 'yan, bakit?" buo ang disisyon kong sabihin na hindi ako si Kassy. Bakit ako ang mananagot, eh hindi naman ako si Kassy!

Kapag nalaman niyang hindi ako si Kassy baka magbago ang isip niyang palayain ako at hayaan na bumalik sa Mindanao. Tutuloy ako sa pagma-madre. Hanapin nalang niya ang tunay na Kassy at pakasalan nalang ulit.

"Anong binabalak mo, Kassy?" umugong ang malakas niyang sigaw sa buong silid. Mukhang nagulat din ang ibang taong nandirito dahil bahagya silang napalunok.

Hindi ako sumagot. Dahil naghahalungkat pa 'ko sa utak ko ng salitang maari kong sabihin sa kanya. Nakakalusaw din kasi ang masasama niyang tingin, ayoko nalang siyang salubungin.

"Niloloko mo ba ako, Alena? Bakit ka magmamadre? Hindi ka magmamadre! " mabilis niyang tinawid ang pagitan namin. Hinawakan niya ang kaliwang braso ko para mas maglapit pa kami.

Nakita ko sa gilid ng aking mga mata na isa-isang lumabas ang mga tao dito sa silid. Mukhang natakot sa sigaw ni Czergo.

Masakit ang pagkakahawak niya pero hindi ako nagpakita ni katiting na nasasaktan ako.

My substitute wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon